#6: Bryant

12.2K 544 36
                                    

"Kumusta ang pagtatago mo sa tunay mong ama Bryant?"tanong sa akin ni Brix ng magtipon tipon kami sa opisina namin sa eskwelahan. Nakagawian na namin ang ganito kapag lahat kami ay may free time at nagtitipon kami sa opisina namin na exclusive lang para sa amin na founder ang mga magulang sa eskwelahan.

At hindi man ako tunay na anak ng kinikilala kong ama na isa sa founder ay itinuring na niya akong tunay na anak at galing talaga sa kanya.

Napatingin ako dito bago ko sinagot ang tanong niya.

"Magtago man ako ng habang buhay alam kong hindi niya kami titigilan. Ang ipinag papasalamat ko na lang ay bantay sarado ng amahin ko si mama kaya hindi ko inaalala ang kaligtasan niya."totoong sagot ko.

Kung ordinaryong tao lang siguro ang papa ngayon ay siguradong matagal na kaming natangay ng tunay kung ama at iuwi sa Japan kasama ang mama.

Kung hindi pa naikwento ng mama sa akin kung gaano kalupit ang tunay kong ama ng nasa poder pa niya kami ay malamang ay gusto kung sumama dito.

"Iyon na nga. Mahal na mahal nga naman ni tito Greg si tita. So ano ang balak mo?"

"Tatapusin ko muna ang pag aaral ko saka ko siya haharapin. Saka kami magtutuos."

"Kung magpapakita ka sa kanya siguradong mababago ang pangalan mo."

"At iyon ang hindi ko hahayaan. Si papa Greg na ang nakalakihan kong ama kaya ang apelyedo lang niya ang dadalhin ko hanggang sa pagtanda ko. Hanggang sa mamatay ako."seryusong sagot ko dito dahil ayaw kong dalhin ang pangalan ng walang kwenta kong tunay na ama.

"Papayag kaya ang hapon mong ama niyan. Ikaw lang yata ang nag iisa niyang anak. Kaya siguradong ipagpipilitan niya ang kagustuhan niya."

"Pwes, magpapatayan muna kami bago pa niya ako mapapayag sa gusto niya."hindi na ito umimik. Pero may kakaibang ngiti na tumingin ulit ito sa akin.

"Well, maiba nga tayo. Ano itong nababalitaan ko. Totoo ba iyon?" Makahulugang tumingin siya sa akin.

Kunwari naman ay hindi ko nakuha ang gusto niyang ipahiwatig pero alam kung ang plano kung  pagdeskarte kay Zyrel ang tinutukoy nito.

"Ano iyon? May mga tsismis na naman ba ang mga bugok nating kaibigan?"sabay tingin sa iba na abala sa kung anong nilalaro nila dahil nagkukumpulan sila paikot at hindi ko alam kung ano ang ang tinitignan sa pinakagitna nila.

"Pero tama ang hinala namin diba. Kailan pa? Bakit bigla naman yatang nagkainterest ka sa kanya. At sa lalaki pa talaga. Pero aagawan mo ba si Kristine? Alam mo naman na may gusto siya doon."

Ngumisi ako saka ko siya tinapik sa balikat.

"Hindi matutugunan ang nararamdaman ni Kristine sa kanya at hindi ko hahayaan na lumalim pa ang pagtingin nito sa kanya. Dahil puputulin ko agad iyon."sagot ko dito. At mabuti at walang Kristine ngayon dito sa opisina. Marahil ay naghahanap na naman iyon ng paraan para malapitan si Zyrel. Na isa sa ikinaiinis ko dito.

Kakausapin ko na lang siya ng masinsinan kapag may pagkakataon ako. At alam kong hindi iyon makakakontra kapag ako ang nagsalita.

"At teka nga. Nagiging tsesmoso ka na yata Brix. Bakit hindi mo na lang pagtuunan ang pansin si Clent na laging nagpapatama sa iyo."sa sinabi ko ay bigla itong nag iwas ng tingin.

"Naku, kunwari lang yan si Brix, Bryant. Pakipot lang kuno. Baka kung matikam at maipasok ang ano niya kay Clent siguradong hahanap hanapin na niya."sabad naman ni Lowelle na akala namin ay hindi nakikinig sa usapan naming dalawa.

"Huwag ka ngang makisabat. Maglaro na lang kayo diyan."gigil na sita naman ni Brix dito saka binato ng hawak na ballpen na nasalo naman ng isa.

Tumawa lang si Lowelle at nakisabay narin ang iba na nakapag painis ng tuluyan kay Brix. Sumugod at nakipagrambulan si Brix sa mga ito. Ginulo ang nilalaro nila kaya naman ang lagay para na silang nag re-restling dahil pinagtulungan nila si Brix para gupuin ito.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon