#2: Bryant

16.4K 669 69
                                    

Damn him. Ang lakas ng loob niyang sumbatan ako. Sino ba siya? At bakit ako ang lumayas gayong akin ang lugar na iyon. Walang sino man ang nakakapunta duon maliban sa akin dahil binabawalan ko ang mga nagtatangka na pumasok sa teretoryo ko. Maliban kina Brix at iba pa ay wala ng ibang pwedeng pumunta doon.

Galit na bumalik ako ng mapag isip ko ang ginawa ako. Nakalayo na ako eh, saka ko napagtanto na hindi dapat ako ang umalis duon. Saka nakalimutan ko mismo ang gamit ko sa itoktok ng puno.

Ako! Si Bryant Salvador nilayasan ang isang walang kwentang estudyante na wala yatang ibang gawin kundi ang puminta.

And take note, when I saw his drawing ay alam kong ako iyon. Ako mismo ang nasa canvas niya kahit hindi pa iyon totally tapos.

Baka iyon ang sinasabi ni Kristine sa akin nuong isang araw na nakilala niya ang sikat na painter sa AU. Siya ba iyon? Alam ko ang pangalan niya pero hindi ko kilala ang mukha. His name is Zyrel. Zyrel Dela Cruz.

Kung siya nga iyon ay may panama ito. Gwapo din ito sa salitang iyon. Kaninang tinignan ko siya ay parang nangungusap lagi ang mga mata.

And damn again. Ang isa sa dahilan kung bakit ako biglang umalis ay nadistrack ako sa mapupulang labi niya na parang nag aanyayang halikan.

At bakit kailangan kong makaramdam ng biglang pagnanasang tikman ang mga iyon.

Tangna na ka Bryant tumigil ka. Sermon ko sa sarili ko habang bagtas ko ang daang pabalik sa teretoryo ko.

Namataan ko ang maayos na pagkakatayo ng stand ng canvas niya at nakapatong na mismo iyon doon. Pero hindi ko siya makita kaya naman lumapit ako.

Natutulog ba siya? Kaya lumapit ako lalo sa kanya para makasiguro at tama nga ang hinala ko. Himbing na himbing na nga siya sa pagkakatulog.

What a fearless little bastard?

Pero hindi ko na napigilan ang sarili ko na maupo sa tabi niya habang himbing na sa pagkakatulog saka ko siya pinagmasdan. Na unang napagtuunan ng pansin ko ang labi niyang kaninang nakapagpawala ng tama kong pag iisip.

Bahagyan iyong nakaawang na para bang nag aanyayang halikan.

Napalunok ako sa naisip ko. Hindi naman siguro siya magigising diba. Dadamhin ko lang kong gaano kalambot ang mapupulang labi niya. Saka walang ibang makakaalam maliban sa akin na humalik ako sa isang lalaki.

Kumilos ang kamay ko to touch his lips at tama nga ako. Ang lambot nila kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko to taste it. Dampi lang. And damn it! His lips are really smooth like a cotton candy.

Gusto ko man sanang ipasok ang dila ko sa loob ng bibig niya para mas matikman ko kung gaano katamis ang lasaan siya. Pero bigla akong natauhan sa pinaggagawa ko.

Damn it again. Why do I kissed him. Nasaan ang moral ko to kiss a guy like me. Why do I feel like this?

Napamura akong tumayo at lumayo sa kanya na tama namang gumalaw ito pero hindi naman nagising. Bumaling sa kabilang side paharap mismo sa akin.

He has a innocent face like a angel.

Naipilig ko ang ulo ko. Saka ko binalingan ang canvas niya at pinakialamang tignan iyon. Ang una kong hinanap ay ang larawang ako ang nakaguhit.

Pinagmasdan ko iyon at tama nga ako ng hinala. Ako talaga ang nasa painting niya na kuhang kuha ang anggulo ng pagtira ko sa bola ng tres. May nakalagay din na date sa may itaas. Kung ganun iginuhit niya ito nuong nakaraang linggo.

Ang pagkakaalam ko ay ang date na nakalagay dito ay ang araw na nag eensayo kami para sa liga. So napanuod niya akong naglalaro at ano ang dahilan niya at bakita ako ang ginawa niyang modelo.

✅Paint Of Love (BOYSLOVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon