Annya's PoV
You know what! this past few days lagi na lang busy si Zek simula nong umuwi kami galing ng palawan.
Lagi syang may pinupuntahan kung minsan naman gabi na sya nakakauwi. Minsan nga nakakatulog na lang tong anak ko sa kakahintay sa kanya, gaya ngayon ayon nasa kwarto na. Ngayon, 9 pm na wala pa rin sya.
Hindi kami sabay umuwi kanina dahil sabi nya may aayosin daw syang importante. Ilang week na lang din pala birthday ko na at graduation na namin.
Nandito parin ako sa labas ng garden nagbabaka sakaling dumating na sya. Hindi talaga ako sanay ng hindi kami sabay matulog.
"Sandra, iha! hindi ka pa ba papasok? Gabi na oh! Dito mo na lang sya antayin sa loob." Tanong ni Mrs. Park sakin.
"Ah sunod na lang po ako baka pauwi na rin yun." Sabi ko.
"Are you sure?" Tanong nya. Tumango tango na lang ako. Kaya pumasok na rin sya. Bakit ganon parang ang lungkot kapag wala sya siguro na sanay lang ako na lagi kaming masaya.
"Hysst! Gaano ba yun ka importante?||-__-" Nakakainis naman.
"Na mimiss na kita hindi ako sanay ng wala ka ng matagal." Sabi ko habang nakatingin sa mga bituin. Ang lamig na dito! kapag wala parin sya ng 1 minute papasok na lang talaga ako. Biglang may yumakap sakin sa likod.
"Bakit dito kapa sa labas? malamig na oh!" Sabi nya habang niyayakap ako.
"Eh, inaantay kasi kita eh." Nakangiti kong sabi.
"Sorry nagabihan ako na siraan kasi ako ng kotse kaya nagtaxi na lang ako. Kwento ko na lang sayo mamaya! Tara, pasok na tayo sa loob." Sabi nya at hinawakan ako sa kamay saka kami pumasok sa loob ng bahay.
"Si Zander? tulog na?" Tanong nya.
"Oo, nakatulog na lang sa kakaantay sayo." Sabi ko.
"Nakakain ka na ba?" Tanong ko.
"Yup, eh ikaw?" Umiling na lang ako.
"WHAT!? bakit hindi pa? Gabi na toh ah!" gulat na tanong nya.
"Inaantay kasi kita at akala ko hindi ka pa kumain." Napa-Pouted na lang ako.
"Sige na, matutulog na lang ako." Sabi ko at akmang aakyat na sana upstairs ng hinawakan nya ang kamay ko.
"Tss, hindi pwede! kumain ka sasamahan kita at kakain ulit ako para sayo. Please? Ayokong hindi ka kumakain." Sabi nya kaya ayun naghanda ako ng makakain naming dalawa tulog na rin naman ang mga tao.
"Halika na kain na tayo!" Aya ko sa kanya ng nakangiti.
"Share na lang tayo hah!" Sabi nya. Tumango na lang din ako. Habang kumakain kami panay na lang ang titig nya sakin. Anong meron? may dumi ba ako sa mukha.
"Bakit? May problema ka ba?" tanong ko at napaiwas na lang sya ng tingin.
"Wala lang! ang ganda mo kasi eh. Hon, i love You!" Sabi nyan at sinubuan ako. Ang weird nya hah.
"I love you more." Sagot ko naman.
"Nga pala bakit ka ginabi?" Tanong ko at natigilan sya sa pagsubo.
"Ah nagpatulong kasi si Daddy sa pagayos ng mga papelist sa company. At saka ayon na platan ako ng pauwi na dito." pakiramdam ko may hindi tama i don't know. Pagkatapos namin kumain ay inayos ko ang pinagkainan namin saka kami umakyat. Yakap yakap nya ako sa pagtulog.
"Hon, Lagi mong tandaan na mahal na mahal ko kayo ng anak natin at lahat gagawin ko para sa inyong dalawa." Sabi nya. Iwan ang weird nya talaga.
"I know! Sige na goodnight may pasok pa tayo bukas." Sabi ko.
Kinabukasan paggising ko ay wala na sa tabi ko si Zek. Ang aga naman nyang gumising.
"Mrs. Park si Zek po?" Tanong ko pagkababa ko ng kwarto.
"Umalis na nagmamadali eh di na nga nya natapos yung niluluto nyang breakfast nyong tatlo." Sabi nito.
"Saan naman kaya pupunta yun? Wala po ba syang sinabi kung saan daw sya pupunta?" Tanong ko.
"Wala eh basta mukha syang galit eh." Sabi nya ulit. Galit?! Bakit naman? Ano kayang nangyari?
"Ah sige po tatawagan ko na lang po sya mamaya. Si Zander po?"
"Tulog pa rin sa taas. Ipagising ko na lang kay yaya Mina.(Yaya ni Baby Zander)" Sabi ni Mrs. Park at tinawag si Yaya Mina para gisingin si Baby Zander. Ano kayang nangyari? At bakit sya galit? Hindi kaya may problema na naman ang B.E ng hindi ko alam? Hindi kaya tungkol ito sa Scorpion at may panibago na namang problema? Pagkatapos ay nagpahatid na lang kami kay manong driver. Bago ako nagpahatid sa D.O.U dinaan muna namin si Baby Zander sa Nursery school.
"Mommy toh! Batit walah poh tih daddy toh poh?" Tanong ng anak ko.
"Ah may inasikaso pa baby hayaan mo mamaya sasabihan ko syang sunduin ka nya. okay?" Sabi ko at tumango lang ito.
"Sige na baby kiss na kay mommy." Sabi ko.
"Labyoh mommy toh poh." Sabi nya at tumakbo na papasok sa nursery.
Ezekiel's PoV
Alam nyo nagi-guilty na talaga ako sa mag-ina ko. Gumising ako kanina ng maaga para sana bumawi para sa kagabi. Kaso kinailangan kong umalis. Bwesit lang eh. Nagpaparamdam na naman ang Scorpion at nagbabanta na naman ito. Dumagdag pa sa sakit ng ulo ko yung salot na babaeng yun. Patong patong na ang problema ko at sana maintindihan nya rin ako balang araw. Nandito ako ngayong sa Headquarters kasama sina Xyro.
"Kumusta naman yung Pinsan at pamangkin ko?" Tanong ni Xyro.
"Maayos naman sila at sana itong problema ko maayos ko din."
"Tol, bakit hindi mo i-try na sabihin sa kanya i'm sure maiintindihan ka non." Opinion ni Wyatt. Sana nga ganon kadali pero iba yun madali yun masaktan.
"Kuya, Siguradong masasaktan yun lalo na pag sa iba nya pa na laman. Or baka yun pa ang dahilan ng pagkasira ng pamilya nyo na wag naman sana." Sabi naman ni Ace.
"Oo nga tol, baka lumayo pa sila sayo." Singit naman ni Rhenn.
"Mas okay pa na lumayo sila kaysa ang mawala sakin." Sabi ko.
"Wag kang mag-alala tol! kaming bahala sa mag-ina mo." Sabi naman ni Brix.
"Gagawin ko ang lahat para malaman ang katotohanan. Isa pang lintek na Scorpion yan subukan lang nilang galawin ang pamilya ko. Hmmm... Sige na kayo ng bahala uuwi lang ako sa bahay." Sabi ko saka umalis. Masyado akong naging busy tuda max na kailangan ko pang magsinungaling para lang maayos ang problema ko. Sana lang wag mangyari ang kinakatakot ko.
-A/N-
Myghad ano na naman kaya ang kinabi-bisihan nila. I hope na sana malutas nila toh kaagad. GO! B.E Fighting! galingan nyo sa pagtugis sa Scorpion.
-Lovemissauthor-
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomanceKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...