Chapter17_I Saw her

21 4 0
                                    

Ezekiel's PoV

1 year later

"Hello?...Yeah...Okay fine I'll be there." Sabi ni daddy sa kausap nya sa cellphone at binaba na rin ito. "Son maiwan na kita dito ikaw na bahala sa School kailangan ako sa company."

"Okay dad, mag-iingat ka sa daan." Sabi ko at lumabas na sya sa office. Binuksan ko ang laptop ko at pictures agad nilang dalawa ang nakita ko.

"God, i really miss the both of you." Sabi ko at biglang bumukas
ang pinto at iniluwa roon si Shaira kasama si yaya Minda at ang iyak ng iyak na si baby Sheira. 10 months na rin ito simula ng ipanganak sya ni Shaira.

"Gosh, Zek kanina pa ako tawag ng tawag sayo bakit ba hindi mo sinasagot yang cellphone mo? Alam mo ba kung ilang oras kaming nagaantay sayo?" Tss nakakarindi sa tainga putak sya ng putak na parang manok.

"Bakit ba?" Tanong ko lang.

"Sir ang taas po kasi ng lagnat ni Baby Ira at kailangan nyang madala sa hospital." Sabi naman ni Yaya Minda.

"What? Bakit hindi nyo agad dinala doon at dito pa kayo pumunta." Sabi ko at binuhat si Baby Ira saka lumabas ng office.
Saktong papunta si Inigo dito.

"Tol, ikaw na munang bahala dito pupunta lang kami sa hospital ang taas kasi ng lagnat ni Ira."

"Ah sige maasahan mo ako." Sabi nya at tumakbo na kami papuntang kotse.

Pagdating namin sa hospital ay inasikaso agad sya ng mga nurse.
Tumawag naman sakin si Xyro.

"Hello!" Bungad ko.

[Bro na saan ka?]

"Nandito ako sa hospital ang taas ng lagnat ni Ira. Tol bakit?" Sabi ko.

[May papakiusap san ako eh. Teka na saang hospital ka ba?] Tanong nya.

"Saint Agustin hospital bakit?"

[What?! Nandito ako sa office ni Mal. Anong Room ba kayo? Pupunta ako dyan.]

"Room 150." Sabi ko at pinutol na ang tawag.

"Zek, ano ba. Wag ka na nga munang makipagchikahan dyan. Asikasuhin mo muna yang anak mo. Kita mong iyak na ng iyak." Sabi nya. Bwesit ano bang gusto nyang gawin ko.

Lumabas na lang ako.

Cassandra's PoV

"Mommy, it hurts to much." Sabi ni Zander habang iyak ng iyak. Karga karga naman sya ni Daniel pasakay ng kotse. At ako naman iniwan kay Mommy si Cassy.

"Shhh, i know baby. Calm down okay your going fine. We're going to Tita tintin's hospital. Don't cry na okay." Pagpapatahan ko sa kanya.

Nakarating agad kami sa Saint Agustin's Hospital. Tamang tama at si Ate Tintin ang nakasalubong samin.

"What happened to him?" Bungad nyang tanong.

"Nagulog sya sa hagdan. Naglalaro kasi sila ni Chriss sa taas then nadulas daw sya at aksidenting na hulog sa hagdan." Sabi ko.

"Sige, kami ng bahala sa kanya. Maghintay na lang kayo dito." Sabi ni Ate Tintin.

"Okay ka lang?" Tanong ni Daniel na madaming dugo ang damit. Dumugo kasi ang ulo ni Zander dahil sa pagkakauntog nya.

"I'm fine." Sabi ko at sumandal lang ako sa kanya. "Bibili lang ako ng maiinum at makakain sa Cafeteria." Sabi ko at tumayo pero pinigilan nya lang ako.

"Hindi ako na maupo ka na lang dito." Sabi nito.

"No, pagod ka sa pagkarga sa anak ko. Kaya ako na ikaw ang maupo na lang dito. Pa thank you ko na rin ito sayo."

"Sos, ano ka ba wala yun. Parang pamilya nyo na rin ako no. At isa pa i like you and i know that you know that." Sabi nya habang hinawakan ako sa kamay.

"Sige na, bili lang ako." Sabi ko at umalis na para hindi sya makapagreact pa.

Ezekiel's PoV

"Bibili lang ako ng mga gamot at makakain na rin." Sabi ko at lumabas na. Saktong paglabas ko dumating na rin si Xyro.

"Tol, Saan ang punta mo?" Tanong nya.

"Bibili lang ako ng gamot ni Ira." Sabi ko at isinara ang pinto.

"Tara samahan na kita." Sabi nya tumango lang ako.

"Nga pala kumusta na yung mag-ina ko?" Tanong ko kay Xyro.

"Huling balita ko sa kanila is Kinder 2 na si Zander. Alam mo ang bibo ng anak mo daming awards. Sa D.I.O nga pala sya nagaaral."Sabi ni Xyro. Napangiti lang ako sa kwento nya. Nakakamiss sila sobra sobra.

"Syempre kanino pa magmamana idi saming dalawa ng nanay nya." Sabi ko na nakangiti. Natutuwa lang ako sa mga balita na iyon. Kaso nga lang wala ako sa tabi nya nong mga panahon na iyon.

"Sabagay pero pagkakaalam ko sa pinsan ko lang ata eh." kunot noo akong tumingin sa kanya.

"Syempre, biro lang." Tumawa lang sya. Napahinto naman ako sa kinatatayuan ko.

"Annya?" Bulong kong sabi.

"Huh? May sinasabi ka?" Tanong ni Xyro.

"Nandito ba sina Annya?" Tanong ko sa kanya.

"Huh? Pagkakaalam ko wala eh. At wala akong naaalala na uuwi sila dito." Sabi nya. Pero nakita ko talaga sya hindi ko alam kung guni guni ko lang pero totoo sya yun.

"I saw her." Sabi ko at nagtaka naman si Xyro.

"Huh? Baka guni guni mo lang yun kasi namimis mo sya."

"Iwan ko, pero tol sya talaga yun." Sabi ko at binilisan ang paglakad para mahabul ko kung sya nga yun.

"Hoy teka baka nagkakamali ka lang." Sabi nya at hinahabol ako. Pero shit ang bilis nyang lumakad. Wala na hindi ko na sya nahabol. Nilibot ko yung paningin ko pero shit wala talaga. "Saglit..."Hingal na sabi ni Xyro.

"Tss, mag gym ka nga hingalin ka na eh."Sabi ko kay Xyro na hinahabol ang hininga nya.

"Gago ka pinahabol mo ako." Napatawa lang ako sa kanya.

"Tara balik na tayo. Baka guni guni ko lang nga yun." Sabi ko at lumakad na. May nakasalubong naman kaming babae na may kausap sa phone at may dala dalang baby.

"Kuya...nandito na kami at karga ko si Cassy...na sa labas si tita. Magpapacheck up ba itong malusog na baby?... Ah sige pa punta na kami dyan..." Ang cute ng bata lakas tuwa ang lalim pa ng dimple.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon