Kimmy's PoV
Nakarating kami sa Resto kung saan ang date ni Annya at Zek.
Nakahiga si Daniel sa sahig habang hawak ng mga waiter si Zek na galit na galit at pinapakalma ni Annya. Agad akong lumapit kay Daniel at tinulungan siyang bumangon."Daniel, hey ano bang pumasok sa kukuti mo? di ba't sabi kong wag ka ng gagawa ng gulo." Tiningnan niya lang ako at tumayo tutulungan ko sana siya pero tinabig niya lang ang kamay ko.
"Kimmy, ilayo mo muna siya dito." Sabi ni Sky sakin.
"Pre, please lang tama na ayaw namin ng gulo. Bukas na kayo magusap ng pinsan ko. Masyado ka ng lasing magpahinga ka na muna."Sabi ni Xyro.
"Dan, tara na."Sabi ko at tumingin lang siya kina Annya at Zek saka tumalikod paalis. Sinundan ko naman siya agad.
Lakad siya ng lakad habang sinusundan ko siya at sinisipa niya ang mga buhangin. Napabuntong hininga na lang ako saka lumapit sa kanya.
"Dan!" Tawag ko ngunit umiiyak pala siya. Hay, nakakaawa naman tong lalaki na ito. Hayst, una palang kasi eh alam niyang pamilyado yung tao at ano mang oras pwedeng magkabalikan. Jinowa niya parin ganon na ba siya ka desperado't walang makitang ibang babae sa paligid niya? Yung babaeng single at pwede jowain? yung tulad ko. Bigla naman siyang huminto at binato yung bato na napulot niya. Hysst, malayo na pala kami sa Resort. Umupo siya sa buhangin.
"Tangina ang sakit. Kahit anong gawin ko hindi ko siya makalimutan. Putek bakit ganon?"
"Shhh...tama na okay."Nakayuko siya sa mga kanyang tuhod at umiiyak. "Baka, talagang hindi lang kayo para sa isa't isa. Dan, hindi pa end of the world kaya impossibling wala ka pang makikilala na mas better at deserve mo." Bigla naman siyang tumayo at hinubad ang pangitaas na damit saka pumunta sa dagat.
"Dan?" Tawag ko pagdating niya sa dagat nagsisid siya pero mga ilang minuto pa ay hindi pa siya umaahon. "Maxwell? Dan? DAN!" agad na rin akong lumusong sa dagat sa hinalang baka mag pakalunod ang isang to.
Sinubukan kong sumisid pero napunta ako sa malalim na parte ang kaso hindi ako marunong lumangoy. Hindi na ako masyadong makahinga dahil sa hindi ko na maabot at lumulubog na ako imbis na lumutang.
May naramdaman naman ako kaagad na humawak sakin kaya napayakap ako sa kanya. Dinala niya ako sa tabing aplaya at inihiga niya ako rito."Kim? Okay ka lang?" Tanong niya, agad ko naman siyang niyakap at napaiyak sa balikat niya. "Bakit? shhh don't cry dito lang ako." Sabi niya.
"Akala ko kasi sabay tayong mamamatay dito." Ngumiti lang siya at tumabi sakin at umupo.
"Sorry hah!" sabi niya at tumingin sa mga mata ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Ikaw kasi di sana mangyayri ito kung di ka nagpakatanga sa babae na yun." Sabi niya na nakatitig sakin na walang emosyon at parang hindi siya lasing tulad kanina na may mga luha pa sa mata. Dahan dahan siyang lumapit sakin saka napatitig ako sa mga labi niya. Hinawakan naman niya ako sa buhok at sa pisngi.
"Sorry hah! muntik ka pa tuloy mapahamak ng dahil sakin." Hinalikan ko na lang siya iwan ko ba at nabigla rin ako sa ginawa ko. Hindi ko inaasahan na tutugon siya sa ginawa ko. Pinaikis ko ang kamay ko sa batok niya habang nakahawak siya sa mga bewang ko. Pagkatapos ay inihiga niya ako sa buhangin habang hinahalikan niya ako. Saka niya hinubad ang mga damit niya. Napahigpit ang hawak ko sa kanya ng kagatin niya ang leeg ko at mukhang gagawan niya ako ng chikinini. Pinaibabawan ko kaagad siya pagkatapos niya akong kagatin sa leeg na parang bampira. Hinalikan ko siya mula labi hanggang pababa.
Dan, bakit hindi na lang ako? Pwede na man ako hah at pinapangako ko na ibibigay ko sayo lahat ng buo.
Huminto ako saka balik sa nga labi niya at bumulong saglit.
"Dan, I love You so much." ngiti lang ang sinabi niya saka ang hinalikan ulit. Napangiti na rin lang ako sa nga sinabi ko. Love? Love nga ba ito? hysst love without label? are you kidding me? Hystt isa kang malaking ilusyonada Kimmy.Humiga na lang ako sa buhangin at tumingin sa mga bituin at hinayaan na lang siya sa ginagawa niya sakin. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ulit dahil di ko inaasahan na mangyari ito sa buhay ko. Kung noon sa malayuan ko lang siya nakikita ngayon ito kasama ko ngayong gabi at nagpapakasawa at pinupunuan ang pangangailangan ng bawat taong tulad namin na uhaw sa pagmamahal. Di niyo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon at sa wakas natupad na rin ang matagal ko ng hiling. Na makasama ang lalaking ito kahit isang gabi lang na kaming dalawa lang sa panahong malamig ang ihip ng hangin. Alam kong bukas babalik lahat sa dati. Pero hindi ko makakalimutan ang gabi na ito kasama siya. Sana nga lang talaga ako na lang ang minahal niya ng ganto ka baliw. Nakakainggit talaga si Annya kahit sa mga kwento palang maiingit ka na lalo na sa personal.
Ezekiel's PoV
"Hon, Sorry hah!? Hindi ko talaga napigilan yung galit ko."
"Shh, its okay naiintindihan ko talagang sumusobra na si Daniel. Pero last na ito hon? okay ba yun?" Tumango lang ako.
"Sayang tuloy yung dinner date natin." Sabi ko at inakbayan siya.
"Tss, its okay ano ka ba. May next time pa naman eh." Sabi niya hystt napaka positive niya talaga kahit kailan.
"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya ng napahawak siya sakin ng mahigpit. Tumango lang siya sakin at ngumiti ng pilit alam kong may hindi tama.
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomanceKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...