Chapter33_Resort

11 4 0
                                    


Annya's PoV

"Hon!"Tawag sakin ni Zek habang naghuhugas ako ng pinagkainan naming dalawa. Yumakap ito sakin mula sa likuran ko.

"Hmm?"Tanging sabi ko lang.

"Nabanggit pala sakin ni Rhenn na may Reunion daw ang B.E sa Resort nila mga isang linggo. Sasama ba tayo?"

"Aba syempre. Kasama ba mga bata?"Tumango lang ito bilang sagot. "Kilan ba alis natin?"

"Bukas!"

"Huh? di bat parang ang aga ata?" Ngumiti lang ito.

"Gusto ko kasing mauna tayo doon."Sabi niya at siniksik ang ulo niya sa leeg ko.

"Asos tama na yang sweetness mamaya maumay kayo at mag kalabuan pa."Si Daddy pala na kararating lang kasama si Mommy. Saktong katatapos ko na rin sa paghugas ng pinggan. Hinalikan ko si Daddy at Mommy sa pisngi.

"Ang mga bata?"Tanong ni Mommy.

"Si Zander po sa school pa niya, si cassy naman tulog po."Sagot ni Zek.

"Ma, Pa! Magpapaalam lang po sana ako kung pwede lang..."Sabi ni Zek at tumabi sakin sa sopa.

"Para saan naman?"Tanong ni Mommy.

"Pagkatapos po naming lumipat mamaya sa Mansion plano po kasi ng B.E na magkaroon ng Reunion sa Resort nila Rhenn. isasama rin po namin yung mga bata kung pwede lang naman po?"Hinawakan ko lng ang kamay ni Zek dahil para siyang kinakabahan.

"Oo naman ijo basta wag mong papabayaan yung anak ko't mga apo kundi mananagot ka sa mga kamaganak nila."Napatawa lang kami sa sinabi ni Daddy.

"Opo, Pangako ko po iyan."

Ezekiel's PoV.

"Hon, daanan na muna natin si Zander bago tayo pumunta sa Mansion." Sabi nito sinakay ko naman sa kotse ang ibang gamit.

"Lets go?"Pagkatapos ko ilag yung mga gamit ni Cassy.

"Ma dito na po kami!"Sabi ni Zek. Sumakay na kami sa kotse at nagtungo sa school ni Zander. Pagdating namin ay naglalaro sila ng mga kaklase nito.

"Daddy!!!"Sabi nito pagbaba ni Zek sa kotse saka tumakbo palapit sa ama.

"Uuwi na tayo baby, paalam ka na sa kanila."Nagkaway naman ito. Dumaan kami sa Mansion dala ang ibang mga gamit dala bago kami pupunta sa Resort. Isinama naman na rin namin si Mrs Park at ang aso ni Zander. Gusto ko kasing magrelax naman si Mrs Park kahit papaano hindi yung puro na lang trabaho.

"Ready na ba lahat ng gamit na dadalhin natin sa Resort?"Tanong ko. Nakangiti namang lumapit si Annya sakin habang karga si Cassy.

"Ready na kami ng mga anak mo."Sabi nito.

"Si Zander at Mrs Park?"

"Nasa taas pa naghahabilin sa mga maids."Sabi nito.

Annya's PoV

Umalis na din kami kaagad pagdating nina Mrs Park at Zander. Sa likod umupo ang mga bata kasama si Mrs Park. Si Zander ay nanonood sa cellphone ni Zek ng mga cartoons habang si Cassy ay tulog at karga karga ni Mrs Park.

"Hon, alam mo kung anong purpose ng pagsama natin kay Mrs Park bukod sa pahinga na rin niya at pagrelax. Anong naiisip mo?"Tanong ni Zander habang ang mga mata ay sa daan.

"Huh? Ano?"Sabi ko na lang dahil na lilito ako sa tanong niya.

"ide para masolo kita at siya ang bahala sa dalawang bata." Mga ilang minuto pa ay nakarating din kami agad sa Resort nila Yannie.

"Mommy! Mommy! Is this Palawan?"Tanong ng anak ko pagbaba namin ng kotse.

"No baby its tito and tita Villareal's Resort and were going to vacation here in one week."

"Really Daddy?"Tanong niya sa tatay niya at tinanguan lang siya nito bilang sagot. Pumunta agad kami sa Front desk.

"Good Afternoon sir maams welcome to Villa Resort." Sabi ng babae.

"Miss, 2 Rooms!"Si Zek na ang kumausap sa front desk. Mayamaya ay lumapit na siya samin. "Lets go."Sabi niya dala ang dalawang susi. Sa isang kwarto ay si Mrs Park at ang anak ko na si Zander then samin naman ni Zek yung isa. Hinatid namin si Mrs Park at si Zander sa kwarto nila.

Dahil sa pagod ay nakatulog si Baby Cassy nagyaya naman itong si Zek na mamasyal kaming dalawa sa buong Resort. Si Mrs Park naman ang naiwan sa mga bata.

"Hon, Pangako sayo hinding hindi na ako lalayo hindi ko na kita iiwan kayo ng mga bata at hindi na rin ako maglilihim sayo." Sabi nito at hinawakan ako sa kamay. "Lahat ng pagkukulang ko sayo babawi ako."

"Hon, Kalimutan na natin yun okay?" Hindi ko na nahintay ang sagot niya dahil sa tumawag Si Anna.

"Hello, besh?" Bungad ko sa kanya.

"Besh, free ba kayo this week?" Tanong niya.

"Nope besh, nasa resort kasi kami kasama si Mrs Park."

"Ganon ba? Sayang plano sana namin ni Yannie na magreunion ang buong B.E and tutal may mga kanya kanyang pamilya na rin ang bawat isa. Then Christmas party narin."Sabi niya mula sa kabilang linya at halata mo na may lungkot sa boses niya.

"Saan ba gaganapin?" Tanong ko at tumingin kay Zek na mukhang nakikinig.

"Sa Resort sana nina Yannie at Rhenn."

"Huh? Nandito kami ngayon." Sabi ko at may tuwa na akong narinig mula sa kanya.

"Really? Okay i'm going to tell this to Yannie right now."Hindi na ako nakapagsalita dahil binabaan na niya ako.

"Tss, nakakainis naman eh moment ko na sana eh, moment NATIN ." Sabi nito at nagwalk out.

"HOY! Hala grabe. Akala ko ba hindi mo na ako iiwan!"Sabi ko at ngumuso. Tsk, di man lang ako nilingon. Babalik na nga lang ako sa kwarto namin gabi na rin naman eh.

Ezekiel's PoV

Nakagising ako dahil sa ingay mula sa labas.

Nakakaasar talaga eh enang yan daming epal eh. Pagbangon ko ay agad ako nagmugmug pagkatapos ay kumuha ng wine saka nilagay sa wine glass.
Lumabas ako sa kwarto namin ni Annya.

"My gosh ang laki na ni Chriss."Sabi ni Annya habang karga panganay na anak ni Yannie at Rhenn. Napansin naman nila ang pagsandal ko sa pinto.

"Bro!"Sabi ni Rhenn at tinapik ang likod ko lumapit naman ito sa tinga ko. "Malas mo lang di ka makakaisa kay Annya ngayon." Sabi niya at tumawa ng mahina. Akma ko naman siyang babatokan pero tumakbo ito palapit kina Annya at Yannie.

"Saka nga pala parating na rin yung iba."Sabi ni Yannie.


Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon