Chapter30.1_My pain and past

13 4 0
                                    

Daniel's  PoV

"Shit!" Napabangon ako mula sa pagkakahiga dahil sa nakita ko. Katabi ko si Kimmy at nakayakap ito habang tulog. Mukhang nagising ko rin siya dahil sa gulat ko.

"Hey!" Tapik ko sa kanya. Ngunit ungol lang sagot nito saka tumalikod sakin. "Hey, may nangyari ba satin kagabi bukod sa kiss? Hindi ko na kasi maalala. "Dahan dahan siyang bumangon.

"Anong mangyari kagabi?" Antok na tanong niya saka kinusot ang mata. "Shit, may nangyari satin kagabi?"Ulit na tanong nito pagkakita niya sa hubad kong katawan at dahan dahan ding tumingin sa sarili.

"Shit! Shit! shit!"Sabi nito at nagbihis inabot nya rin ang pantalon ko pati sana damit kaso may suka. May kinuha siya sa kabinet niya na damit. "Ito, suotin mo. Damit mo rin naman yan eh. Nilabhan ko nong na tapunan kita." Sabi niya sabay abot sakin ng polo ko.

"Salamat. " Sabi ko na lang pagkakuha ko sa kanya.

"Anong oras na ba?" Tanong niya kaya tumingin ako sa relo ko.

"Tss, 8:45 am!" Sabi ko habang nagbibihis din.

"Patay, gising na si Mama non! Please, act like nothing happened. Got me? " Sabi niya at agad na lumabas ng kwarto. Pagkatapos ko magbihis ay bumaba na din ako.

"Good morning ma!" Bati nito sa mama niya. "Good morning babies ko." Sabi nito at hinalikan ang dalawang bata.

"Kain na anak." Sabi ng mama niya at umupo naman ito sa tabi ng batang naka blue.

"Good morning po!" Bati ko kaya napatingin silang dalawa sakin. 

"Ma, Dito ko na lang siya pinatulog kagabi. Umulan kasi ng malakas saka medyo nakainum  na rin po siya." Tiningnan ako ng  mama niya bago binalik sa anak ang tingin.

"Teka,  saan ka natulog? Magkatabi  kayo?"Napalunok ako ng laway dahil sa tanong ng mama niya. Limungon naman ako kay Kimmy pinalakihan niya lang ako ng mata.

"Ahm, p..."

"No way ma, sa guestroom ako sa kwarto ko siya. Madumi kasi  yung guestroom kahiya naman na doon patulugin yung bisita ko." Sinabi niya ito habang kumakain.

"Buti, naman."Sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos nito kumain ay sumandal siya sa kinauupuan niya saka ako tinitigan.

"Matagal na ba kayong magkakilala ng anak ko?" Tanong niya.

"Hindi, po. Bakit po ninyo natanong."

"Weird man pero, kawahig mo talaga ang mga apo ko lalo na si Darwin. Sure ka bang hindi kayo magkakilala ni Kimmy kahit noon?" Umiling lang ako. Tiningnan ko naman si Darwin.

"Ma, Ano ba? Yan ka na naman eh. Hindi si Daniel ang tatay ng kambal okay?" Sabi ni Kimmy at tumayo.

Kimmy's PoV

Tumayo ako saka pumunta sa labas ng bahay saka umupo sa swing.

"Psst, Kimmy!" Tawag ni Daniel sinundan niya pala ako. Yes, kilala ko siya. Sino ba naman ang hindi makakakilala sa isang Daniel Maxwell na anak ng may ari ng mga malalaking branch of hotel in local and different countries. "Bakit ka nag walk out?" Tanong nito.

"Si Mama kasi nakakainis nagsisimula na naman siya sa pagiging imbestigador. For sure hindi ka non tatantanan." Sabi ko habang naka cross arms.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi kasi siya tumitigil hanggat hindi nalalaman kung sino ang tatay ng kambal. Like dah, as if naman makita pa niya yun eh maski nga ako hindi ko yun kilala. One think i know is, Broken siya nong time na yun same as me. Nagshare kami sa isa't isa kung bakit kami nagpapakalasing then boom may kambal na ako." Sabi ko with action pa ng pag explode.

"Wala ka bang naaalala maski ano sa kanya?" Tanong pa nito sakin.

"Wala naman, Lasing nga ako non saka sabog na utak ko kaya wala na akong ibang naaalala bukod sa may nangyari samin at may binigay siya saking singsing."

"Singsing? Anong singsing?" Napakunot siya ng noo because of Curiosity.

"Mamaya papakita ko sayo."Sabi ko at tumingin sa kanya. Ang pogi niya shit hindi ko maiwasang hindi kiligin. Kasi naman all of people siya pa ang nakilala ko.

"Kimmy talaga pangalan mo or Kimberly?"Tanong niya napatawa lang ako ng kunti. Kasi naman marami ng nagtanong kong Kimberly pangalan ko.

"No, its just my nickname anyway I'm Keyah May Ynrique, 24 years old." Sabi ko at nilahad ang kamay ko. Inabot naman niya ito at magsasalita sana siya pero hindi ko pinatuloy. "And I know that your name is Daniel  Maxwell. Right?" Ngumiti lang ito saka tumango sakin. "By the way,  bakit ka nga pala naglalasing kagabi? Is this because of your girlfriend? Ah you mentioned last day when were in my shop that its your first anniversary thats why you want to buy gift for her i'ma right?" Uniwas naman siya ng tingin saka nakita ko ang mata niya na parang iiyak.

"What's wrong did i say something wrong?" Umiling lang ito saka tumingin sakin.

"We brokeup last day in our first anniversary. She's a married woman and she have a child." This time tumulo na talaga ang luha niya. "Nakipag hiwalay siya sa asawa niya dahil akala nito ay iniwan sila mag-iina at pinagpalit sa kabit. But its all a lie, bumalik yung asawa niya kasama ang totoong nangyari kung bakit ito sumama sa babae. Its because that girl blackmailed her husband. Mahal parin pala talaga nila ang isa't isa kaya sila nagkabalikan. Bullshit ano nga bang laban ko sa asawa boyfriend lang naman ako na hindi dapat kung hindi sila naghiwalay. Nakakainis lang ipinagpalit ulit ako sa pangalawang pagkatataon at sa parehong lalaki pa.  Ano bang meron sa gagong yun na wala ako?" Yumuko lang siya at umiyak ng umiyak wala akong ibang ginawa kundi yakapin siya.  I feel the same way.

"Ilabas mo lang lahat ng sakit.  Iiyak mo lang yan dito lang ako." Sabi ko at habang hinahaplos ang likod niya nagulat naman ako ng yakapin niya ako pabalik.

"Salamat."Sabi niya.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon