Chapter42_Emergencies

9 2 0
                                    

Annya's PoV

"Hon, Are you sure okay ka lang?" Tanong ulit ni Zek pagdating namin sa kwarto. Tumango lang ako bilang sagot sa kanya. Tumakbo ako sa banyo dahil pakiramdam ko ay masusuka ako. Sinundan naman ako ni Zek sa banyo at hinilod ang likod ko suka lang ako ng suka.

"Teka sandali kukuha lang ako ng tubig." Sabi niya pero hindi ko siya nilingon. Sana lang hindi ulit ako buntis ayoko pang sundan si Cassy dahil maliliit pa sila masyado para sa bagong kapatid. Umupo lang ako sa tabi ng toilet dumating din siya agad na may dalang tubig at pagkain saka prutas.

"Gusto mong kumain? Dinalhan kita pati ng prutas." Sabi niya at nilagay sa mesa.

"Kung gusto mong kumain dito lang tapos magpahinga ka na para bukas pupunta tayo sa malapit na clinic o hospital. Pag may kailangan ka rin gisingin mo lang ako." Sabi niya saka ako hinalikan sa noo. Sumunod na rin ako sa kanya dahil parang wala akong lakas saka inaantok ako.

Daniel's PoV

Nakagising ako dahil sa maliwanag na sikat kaya gumalaw ako pero may nakahiga sa kaliwang braso ko.

"Kim?" Nakagising rin siya.

"Dan?" Dahan dahan siya bumangon maging ako. "Good morning."Bati niya, ngumiti lang ako ng bumaba ang tingin ko sa katawan niya na nakaundies.

"Teka, anong nangyari? anong ginawa mo sakin?" Gulat ko at kinapa yung mga damit ko.

"Anong ako? hinalikan lang naman kita para pa thankyou ko sayo dahil sa pagligtas sakin pero ikaw itong sinunggaban ako ano namang magagawa ko kumpara sa lakas mo."

"Hystt." Sinuot ko ang tshirt ko saka tumayo. "Bilisan mo diyan babalik na tayo sa resort baka may makakita pa satin dito at ma-viral pa tayo."

Bumalik kami sa resort at naabutan ko sina Sky at mga barkada nila na nasa hallway. At umiiyak si Zander na pinapatahan ni Alyanna. Habang karga ni Mrs. Park si baby Cassy.

"Anong nangyari? Bakit umiiyak si Zander? Asan si Sandra at Zek?" Tanong ko. Tiningnan lang ako ni Xyro at Blake.

"Sinugod si Annya sa Ospital bigla kasi siyang hinimatay." Sabi ni Xyro.

"Bakit?" Ulit kong tanong. Kinuha ko si Zander kay Alyanna at saka kinarga.

"Tito Dan, Is mommy gonna be okay?" Tanong nito at pinunasan ko ang luha.

"Yes, baby don't cry okay. I know your daddy will take care everything."Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Ezekiel's PoV

"Excuse Miss!"Kinausap ni Tin yung nurse. Habang buhat ko si Annya. Dumating naman yung ibang nurse at inilagay sa hospital stretcher.

"Hon? Dito lang ako." Wala parin siyang malay.

"Sir, hanggang dito na lang po kayo." Sabi ng Nurse pero si Tin lang ang sumama dahil isa rin siyang doctor at alam niya ang gagawin.

"Zek, ako ng bahala sa kanya." Tumango lang ako at umupo sa upuan.

Mga ilang oras din akong naghintay at dumating na si Tin.

"She's fine. " Sabi niya at dinala ako sa kwarto ni Annya na may malay na. At may mga luha ito sa mga mata niya.

"She's 3 weeks pregnant pero maselan ang pagbubuntis niya." Napatingin ako kay Tin. Dumating naman ang doctor ng hospital na ito.

"Excuse me! Can i talk alone to the patient for a while?" Tanong niya kaya tumango ako. Lumabas kami ni Tin ng kwarto.

"Zek, Kailangan niya ng regular check up, vitamins at healthy food, for the baby. At hindi siya pwedeng ma stress." Kinuha ko yung cellphone ko at dinaial ang number ni Xyro.

[Hello, boss? Kumusta si Insan?]

"She's Fine but we need to go back in manila."

[Bakit?]

"Basta si Tin na ang bahala magsabi. Ihatid mo yung mg gamit dito mamaya saka si Mrs Park at ang mga bata."

[Oh, sige ikaw ng bahala sa pinsan ko wag mo siyang pababayaan at ang mga bata.]

Agad ko ng binaba. Lumabas na yung doctor.

"Pwede nyo na siyang iuwi mamaya."

Pumasok ako sa kwarto.

"Hon? Nagugutom ka ba?" Tanong ko at bigla niya na lang akong niyakap. "Bakit? may masakit ba sayo?" umiling lang siya kaya pinunasan ko ang mga luha niya. "Babalik na tayo mamaya sa Manila kapag dumating na si Mrs Park at ang mga bata." Tumango na lang siya. Pagdating ni Mrs Park at ng mga bata ay agad kaming nagasikaso para umuwi.

"Mag-iingat kayo. Zek, ikaw na bahala sa kanila." Tumango lang ako.

"Baby kiss na kay tito at tita." Sabi ni Annya kaya tumakbo si Zander kina Tin at Xyro.

"Bye po."

"Alagaan mo si Mommy at yung bago niyong baby hah." Sabi ni Tintin.

"Yes, tita bye." sabi nito at saka humalik sa mga tito tita nya.

Annya's PoV

"Hon, okay kalang baka gusto mong bukas muna tayo umuwi or bumalik muna tayo sa resort bago umuwi?"

"Wag na, okay lang ako."

"Natutulala ka kasi eh." Sabi niya. "Ano nga palang sabi ng doctor kanina?" Tanong niya sakin. Umiwas lang ako ng tingin.

"Wala, pinayuhan niya lang ako na magingat dahil maselan itong pagbubuntis ko. Tapos cheneck niya kung okay na ako. Tapos nagbilin sa mga gamot." Sabi ko na lang.

"Huh? so bakit niya pa kami pinalabas kanina kung yun lang din sinabi niya." Sabi niya habang tumitingin tingin sakin.

"Iwan ko doon. Magmaneho ka muna sa bahay na tayo magusap."

"Hon, pano kung..."

"PLEASE!!! mamaya na tayo magusap." Inis na sabi ko. Tumahimik naman siya. Bigla naman may kung anong bumangga samin.

Xyro's PoV

"Ano daw balita?" Bungad na tanong ni Blake.

"She's 3 weeks pregnant but maselan ito."

"Woah, Zek is totally Intense."Biro ni Rhenn.

"Hysst, napakasipag na tao." Sabi naman ni Lionel.

"Sinabi niyo pa."Sabi naman ni Brix.

"Si kuya talaga ginabi-gabi ba naman hahaha." Biro din ni Ace tinapik naman siya ni Ika.

"Kain muna tayo." Aya ni Tiffany. May tumawag naman sakin. At number ni Zek ito.

"Sige mauna na kayo kausapin ko lang ito. Baka ma nakalimutan na naman." Sabi ko.

"Hello, Zek? napatawag ka?"

[Hello?]

Sinilip kong number nga ba ni Zek.

"Sino to?"

[Naaksidente po may-ari ng cellphone.]

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon