Chapter31_Threat

12 5 0
                                    

Ezekiel's PoV

"Good Morning? Daddy ko. " Sabi ni Annya habang nakayakap sa likod ko nakababa na pala ito galing sa kwarto.

"Good Morning din! Yung dalawang bata gising na?" Tanong ko habang nagluluto bumitaw naman ito mula sa pagkakayakap sakin.

"Si Cassy oo pero si Zander hindi pa eh teka silipin ko muna si Cassy sa kuna niya."Sabi nito at umalis. Tumunog naman ang cellphone ko.

"Manang, paki bantayan po kausapin ko lang po itong tumawag." Sabi ko pagdaan ni manang Belen. Paglabas ko ng bahay ay agad ko itong sinagot mula sa unknown number.

"Sino to?"

'Boss, si Lionel to! may nagiwan ng sulat sa labas ng tambayan natin. At nabasa namin na isa na namang banta. Walang ibang nakasulat na pangalan kundi S. Kailangan nating hanapin ang nawawalang anak ni Shaira. Imposible rin kay Hayashi yun galing nasa japan yun ngayon. At saka bakit pa tayo babantaan nun eh alam naman niya na wala satin yung apo niya.'

"Sige, kakausapin ko si Maxwell tungkol sa anak niya. Magkita na lnag tayo mamaya diyan, kumpleto ba kayong lahat diyan sa tambayan?"

'Oo, Liban kay sky, Xyro at ikaw lang ang wala.'

"Oh sige, salamat sa balita." Sabi ko at binaba na.

"Sinong tumawag?" Tanong ni Annya pagpasok ko.

"Si Lionel, may nagiwan kasi ng sulat at may nagbabanta na naman sa grupo. Kakausapin ko nga si Maxwell tungkol sa anak niya. Alam mo ba kung nasaan siya ngayon?" Tanong ko.

"Hindi eh, pero susubukan ko siyang tawagan."Sabi nito at kinuha sa mesa ang cellphone niya.

"Pwede ba akong sumama?"Tanong nito habang dinadial si Maxwell.

"Hindi pwede, ayokong madamay ka."

"Love, matagal na akong damay sa asawa mo kaya ako. Please gusto ko lang tumulong sayo." Napabuntong hininga lang ako.

"Ano pa nga bang magagawa ko."Sabi ko at bigla naman ako nitong hinalikan sa labi pero smack lang.

"Sinagot na niya."Sabi niya at tinapat sa tenga ang phone nito para marinig si Daniel.

"Please wag mong ibababa... Gusto kang kausapin ni Zek tungkol sa anak mo daw... Na saan ka ba ngayon?...a sige pupuntahan ka na lang namin diyan...  teka kaninong bahay ba yan?... Sorry, ang sungit." Binaba naman niya agad ito.

"Saan daw siya?"

Someone's PoV.

"Nay, Bibili lang po ako ng gatas ni Baby." Paalam ko kay nanay.

"Bumalik ka kaagad hah. Mag-iingat ka."Sabi ng asawa kong napakabait. Sumakay ako ng motor papunta sa groceries store. Hindi naman ako natagal dahil ilang kilometro lang naman ang layo. Paglabas ko ay may humarang saking lalaki.

"Marlon?" pagkumperma ko.

"Lumayo na kayo kasama ng bata. Pinaghahanap ka na ngayon ni Boss. Delikado ka na at ang pamilya mo. Pre, mag-iingat kayo, kung maaari wag na kayong magpapakita. Marami siyang tauhan na kumakalat at naghahanap sayo ngayon. Buti ako na tempuhan mo. "Sabi nito kaya kumaripas ako ng takbo papunta sa motor ko at pinaharurut ito papunta sa bahay.
Naabutan ko naman ang asawa ko na nagtutupi ng mga sinampay.

"Oi, bakit mukhang natataranranta ka?" Salubong na tanong nito sa akin.

"Kailangan nating umalis dito sa manila. Agad agad mag impake ka na."Utos ko at pinangkuha ang mga baril ko sa taguan nito. Mga ilang oras pa ay nakapag impake din ito.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong nito.

"Sa Palawan doon na tayo titira sa kapatid ko."Sabi ko.

"Pano naman ang nanay mo dito?." Sabi naman nito.

"Si Marlon na ang bahala sa kanya."Sabi ko at pinangbitbit ang mga gamit namin. "Kahit anong mangyari ingatan mo si Ira." Sabi ko at hinalikan siya sa noo pati ang baby. Nakarating kami sa pantalan.

"Mahal, bibili lang ako ng ticket natin."Sabi ko at pinaupo sila sa waiting Area. Agad akong nagtungo sa bilihan ng ticket papuntang Palawan. Pabalik na sana ako ng mapansin ko na may lalaking sumusunod sakin kaya tumago agad ako. Naisip ko agad yung asawa ko at ang bata. Hinugot ko ang cellphone ko sa bulsa saka tinawagan ito.

"Oi, saan ka na? Aalis na ata yung barko." Sabi nito mula sa kabilang linya.

"May sumusunod sakin ililigaw ko lang sila. Iiwan ko itong mga ticket sa bilihan ng ticket kunin mo na lang dito. Ilalayo ko lang sila para hindi nila makuha yung bata. Mahal, mahal na mahal kita tatandaan mo yan palagi. Kapag wala parin ako within 10 minutes umalis na kayo tatawagan ko na lang si Berto at sunduiin na lang kayo pagdating nyo sa Palawan. "

"Sige mahal, mag-iingat ka."Sabi nito at mukhang umiiyak sa kabilang linya agad ko itong binaba. Iniwan ko naman kaagad sa kahera yung mga ticket.

"Sanitago! San ka pupunta ha? Hindi mo kami pwedeng taksan." Sabi nito at sinikmuraan ako. Ipinasok naman nila ako sa puting van. At piniringan saka tinali ang mga kamay sa likod ramdam ko ang pag andar ng van.
Mga ilang minuto pa ay huminto na rin kami. Binaba nila ako sa van, kahit nakapiring ramdam ko ang presensya ng buong Mafia ni Hayashi. Alam kong dinala nila ako sa sekretong lungga nila. Pinaupo ako sa upuan at saka itinali doon.
Tinanggal naman nila ang piring ko sa mata.

"Kumusta Santiago nagkita ulit tayo."Sabi ng kanang kamay ni Hayashi at hinila ako sa buhok para itingala sa kanya. Nakita ko naman si Marlon na walang malay at nakahandusay sa sahig.

"Anong ginawa nyo kay Marlon?" Pumiglas ako.

"Iyan ang mga napapala ng mga taong tumatraydor kay boss."Sabi niya sinuntok ako sa sikmura.

"Na saan yung bata?"

"Hindi ko alam! Bkit na ako ang hinahanapan nyo?"Sabi ko at sinuntok naman niya ako sa mukha.

"Sinungaling. Ang dapat sayo pinapahirapan pa lalo!"Sabi niya at sinuntok ulit.

"Tol, tama na baka mapatay mo yari tayo kay Boss."Sabi ni Frank. Binitawan din ako nito.

"Paghindi mo parin samin sinabi kung nasaan ang anak ni Shaira dika na sisikatan ng araw bukas." Sabi nito.
Wala na akong kinakatakutan maging ang kamatayan. Sana lang ay nakalayo na silang dalawa dito.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon