Ezekiel's PoV
"Bro, saan ka pupunta?" Tanong ni Xyro sakin.
"Hahanapin si Ira alam kong may kumuha sa kanya at yun ang aalamin ko." Sabi ko at tumalikod.
"Pero sandali hindi ka pa malakas." At saka nya ako sinundan ganon din si Blake.
"Sasamahan ka na namin." Sabi naman ni Blake.
Cristine's PoV
"Cass, nakita mo ba si mal?" tanong ko sa kanya na kasama si Daniel.
"Uwalis sila kasama si Blake."
"Teka, saan naman sila pupunta? Hindi okay si Zek hah. Mamaya kung mapapano yun." Napabuntong hininga sya.
"hysst, hayaan mo sya ginusto nya rin at mas mahalaga pa sa kanya yung anak ni Shaira."
"Teka, Saan galing itong may Black ribbon na bulaklak?"
"May nagiwan daw sa labas nyan."
"Babe, mauna na ako may lakad pa kasi ako." Biglang paalam ni Daniel.
"Saan? kailangan mo na ba talagang umalis?" Tanong naman ni Sandra.
"Oo, eh. Promise babawi din ako sayo." Hinalikan nya si Sandra sa labi saka umalis. Hindi sa pagaano hah pero para sakin hindi sila bagay solid EzeNya ako eh.
"Sandra, ito payong ate lang hah. Wala na bang chance na magkabalikan kayo ni Zek? Kasi sa totoo lang mali eh. Kasal kayong dalawa tapos may mga anak kayo. Pero dahil lang sa isang away o hindi pagkakaintindihan masisira ang samahan nyo. Alam kong masakit para sayo yun. Dapat consistent kayo sa tiwala nyo sa isa't isa. Kasi bago palang kayo at alam kong marami pa kayong pagdadaanan. Alam mo sa mga ginagawa nyo na yan maraming maaapektuhan at masasaktan. Tulad na lamang nyang si Maxwell. Alam mo lalo mo lang pinahihirapan yang sarili mo. Pagsubok lang yan para pagtibayin kayo kaya sana wag kang susuko. Sana lang naging malinaw sayo ang point ko. Sige akyat lang ako sa kwarto."
Ezekiel's PoV
"Tol, Saan ba punta natin?" Tanong ulit ni Blake.
"Sa hideout." Sabi ko at lumiko sa isang eskinita. At pagdating sa isang malaking bakuran at may magandang bahay ay hinito ko na ang sasakyan. Saktong pagbaba ko ng kotse ay dumating si Maxwell.
"Anong ginagawa mo dito?" nanggigigil na lumapit sa kanya.
"Relax tutulong lang ako para malaman kung nasaan ang anak ko." Sabi nya.
"So may pakialam ka rin pala sa anak mo akala ko kasi ipagpapalit mo sya sa hindi nya kaano ano."
"Bakit ikaw? Nagaalala ka sa batang hindi mo rin kaano ano pero sarili mong pamilya pinabayaan mo." Kwinelyuhan ko sya dahil sa inis.
"Tol, tama na yan." Sabi ni Xyro at Blake.
"Ito ang lagi mong tatandaan babawiin ko sayo ang mag-ina ko sa oras na masiguro kong ligtas sila at si Ira." Sabi ko at binitawan sya. At pumasok sa hideout namin. Buti na lang nandito si Inigo.
"Boss, kumusta? Ayos na ba pakiramdam mo?" Tanong niya at tumango na lang ako.
"May gusto sana akong ipahanap sayo at malaman." Sabi ko.
"Sige ba ano yun?"
"Gusto ko sanang malaman kung sino ang kumuha kay Baby Ira nong mga panahong naaksidente kami." Sabi ko at kumuha ng beer. Pumunta naman sya sa lugar nya kung saan marami syang nahahack or tinatawag nyang technoroom. Kaya sumunod kaming apat.
"May cctv ba sa lugar kung saan kami naaksidente?" Tanong ko.
"Hindi ko alam pero ako nang bahala." Nagumpisa na syang maghanap. Ang bilis nya pagdating sa technology.
"Ayun nakita ko na! At meron isang lalaki." Sabi nya kaya nagsilapitan sina Maxwell, Blake at Xyro.
"Galing mo talaga tol!" Puri ni Xyro sa kanya. "Teka kilala ko yang damit na yan. Tauhan yan ni Hayashi." Sabi ni Xyro.
"Sino? Si Shaira?" Tanong naman ni Maxwell.
"Hindi, sa tatay nya." Teka sya ang kumuha kay Ira? Lumabas agad ako sa quarter saka sumakay ng kotse.
Kumatok naman si Xyro sa bintana ng kotse ko. Kaya binuksan ka ito.
"Saan ka pupunta?" Tanong ng kumag.
"Saan pa idi kay Hayashi." Sabi ko at nagpaharurot ng sasakyan.
Sa bilis ng patakbo ko ay nakarating agad ako mansion ng mga Hayashi. Sinalubong ako ng mga tauhan nito. Kaya bumaba agad ako.
"Hindi ako pumunta dito para makipag away gusto ko lang makausap ang boss nyo." Sabi ko at sinamahan naman nila ako. Saka dinala ako sa opisina nito.
"Ang lakas ng loob at napasugod dito ang leader ng B.E Government." Sabi nito habang nakatingin sa bintana.
"Na saan si Ira?"Diretsang tanong ko.
"Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Hindi ba't ikaw ang ama nya?" Sagot naman nito na walang halong emosyon akong nakikita.
"Nagkakamali ka, Kahit hindi ko sya anak tinuring ko parin na akin dahil na pa mahal na sakin ang bata. Sabihin mo lang kung na sayo ang bata at ligtas aalis ako ng kusa."
"Bakit ako ang pinagbibintangan mong kumuha sa apo ko? nawala na nga ang bunso kung anak tapos naiwala mo pa ang apo ko tapos ako ang hahanapan mo. Anong klase kang tao?" Sabi nya at nanggigigil na tumingin sakin.
"Isa lang naman sa mga tauhan mo ang kumuha sa bata nong araw na nadisgrasya kami. Kaya sabihin mo sakin bakit hindi ako pupunta sa lugar mo hah? Isa lang naman ang gusto kong malaman kung ligtas ba sya at aalis ako ng tahimik."
"Pano kung sabihin kung wala! anong gagawin mo?" Tanong nito kaya napaisip ako.
"Hindi ko masisiguro sayo. Kaya pwede ba sabihin mo na ng matahimik na ako."
"OO!!!" Napa sigaw sya sa inis. "Kaya umalis ka na." Kaya kinaladkad ako paalis ng mga tauhan nya.
Mr. Hayashi's PoV
Hinintay ko munang makaalis si De Ocampo bago ko pinapasok ang mga tauhan ko.
"Sabihin nyo nga saakin? sino sa inyo ang kumuha sa apo ko? SAGOT???!" Napatayo ako sa kinauupuan ko dahil sa galit.
"RONNIE!!!" Tawag ko at lumapit din ito kaagad. "Magsama ka ng mga tauhan mo at hanapin kung sino man ang tumangay sa apo ko at patayin agad. Ibalik nyo agad saakin ang apo ko bago pa malaman ng kalaban."
Someone's PoV
"Anak! kaninong bata yang dala mo at napakagandang bata? mukhang anak mayaman ito hah?" Sabi ni nanay at kinarga si Ira.
"Simula ngayon sa atin na sya titira hangga't na bubuhay pa si Hayashi. Hindi sya ligtas sa Lolo nya. Please nay simula ngayon anak ko na ang bata na yan."
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomantizmKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...