Chapter21_Hospital

15 4 0
                                    

Cassandra's PoV

"Sandra, nakikiusap ako sayo. Patawarin mo na ang pinsan ko. Mahal na mahal kayo non pero may mga rason sya kaya nya nagawa ang mga bagay na iyon. Intindihin mo na lang sya dahil para rin ito sa pamilya nyo." sabi ni Sky. "Ayaw nyang malaman mo ito pero Sandra gipit na gipit ang pinsan ko." Ano bang pinagsasabi nya. "Alam kong magulo. Ang pinsan ko lang ang makakapaliwanag sayo nito." Sabi nya.

"Gusto ko syang makita." Sabi ko.

"Hindi pwede. Maging kami nga hindi nakakadalaw sa kanya sa hospital."

"Huh? Hindi kita maintindihan." Sabi ko anong bang pinagsasabi ni Sky.

"Maraming nakabantay na tauhan ni Shaira sa labas ng Room ni Zek. Kahit kami hindi rin namin alam kung anong nangyayari. Hindi kami pinayagang pumasok. Maging sina tito Rence ay hindi rin pinalapit kay Zek." Sabi nito.

"At bakit naman gagawin yun ni Shaira?" Tanong ko.

"Hindi ko alam. Pero bilang asawa mo si Zek ikaw na ang bahala kung papaano mo malulusutan lahat ng butas at maayos ang mga gusot." 

"Kilan pa ito?" Tanong ko sa kanya.

"Isang linggo na at hanggang ngayon wala kami balita kay Zek. Sandra, nakikiusap ako sayo. Hindi ko nga dapat ito sinabi sayo pero naaawa lang ako sa pinsan ko. Sandra pagisipan mo lahat ng sinabi ko sayo." Sabi nya. Napahinto naman sya dahil sa pagdating ni Xyro.

"Anong pinaguusapan ninyo? Mukhang napakaseryoso ata?" Sabi ni Xyro at tumabi kay Sky.

"Wala naman, nagkakumustahan lang at saka nagkwentuhan lang sa mga moments ng B.E na namissed ko."

"Mommy, Tito Xyro, Tito Sky! Is Daddy coming?" Tanong ni Zander.

"I don't think so baby."

Sky's PoV

Pagkatapos ng kasal nina Wyatt ay pumunta ang B.E sa Hideout maliban sa gonggong na yun. May honeymoon pa yung gagong yun eh.

"Grabe, ano na bang nangyayari sa paligid natin?" Tanong ni Lionel.

"Nakakamiss yung dati." Sabi naman ni Inigo.

"Kaya nga eh." Singit ni Ace.

"Gusto nyo bang sugurin ko na?" Tanong ni Rhenn.

"Kung pwede lang matagal na nating ginawa. Pero alam nyo naman ang plano ni Zek. At saka pagginawa natin manganganib ang pinsan ko at mga pamangkin ko. Lalo na't may anak pa ulit silang dalawa ngayon." Sabi naman ni Xyro.

"Yeah tama ka dyan." Sabat naman ni Brix.

"Kaya nga hindi dapat malaman ni Sandra ang lahat ng nangyayari dito." Sabi pa ni Xyro. Sorry guys naaawa na talaga ako sa pinsan ko.

"Psst, Sky. Tagay ka naman dyan." Nagulat ako sa pagtawag ni Ace.

"Hoy pre, okay ka lang ba? Namumutla ka ata?" Tanong nya sakin.

"Ah wala to sumasakit lang ulo ko sa antok at gutom." Sabi ko. Biglang namang bumukas ang pinto ng napakalakas. At iniluwa nito ang napakagandang nilalang sa aming harapan. Blonde ang buhok at may kulay pink sa dulo.

"Queen! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Rhenn.

"Kailangan ko ng tulong nyong lahat."

"Para saan? Bakit may nangyari bang masama?" Tanong ni Xyro.

"Wala naman."

"O? Ano namang tulong yun?" Tanong pa nito sa pinsan nya.

"Gusto ko syang makita!" Napatingin ako sa kanilang dalawa na ngayon ay nakatingin pala sakin si Sandra.

"Impossible yang sinasabi mo. Hindi ba't galit ka sa kanya at alam mo namang kasama nya si Shaira at ang anak nila." Sabi ni Xyro, Sorry Xy! sorry talaga!

"Alam kong na sa hospital sya at gusto ko syang makita sa tulong nyo." Napakunot ang noo ni Xyro.

"Ppa-pano mo nalaman?" Utal na tanong ni Xyro.

"Hindi na mahalaga kung pano ko na laman. Ang gusto ko lang ay makita sya bago kami bumalik sa Korea." Sabi ni Sandra.

Cassandra's PoV

"Naririnig mo ba ako?" Tanong ni Xyro gamit ang earpiece

"Yes." Sabi ko.

"Merong nagbabantay na tatlong lalaki sa Corridors. Para makapasok ka kailangan mo mag panggap na nurse na magchecheck sa patient." Sabi naman ni Sky.

"Copy."

"Girl, bilisan mo na malalate na tayo. Magbihis ka na agad."

"Teka lang antayin mo na lang ako sa labas." Rinig kong pinaguusapan ng dalawang babae. Kaya sinundan ko yung nurse na magbibihis. Inantay ko syang makalabas.

"Ms, pwede ko bang mahirap yang uniform mo?" Tanong ko sa kanya at tinuro ang uniform na hawak nya.

"Hindi po pwede eh. Ano po bang gagawin nyo dito?" Tanong naman nya sakin. Inilabas ko yung sobre na may lamang pera.

"Here, tanggapin mo na ito. Kailangan ko lang talaga hiramin yan. Pupuntahan ko kasi yung asawa ko na coma ngayon. At hindi ako makapasok sa kwarto nya. Kaya kailangan kong magpanggap na nurse para lang makapasok doon. And don't worry kaibigan ko ang pamilya na may-ari ng hospital na ito." Sabi ko. Mga ilang minuto pa ako nakiusap bago ko tuluyang nakuha ang uniform ng babae.

"Bakit hindi ka na lang nagpatulong kay Tin?" Tanong ni Xyro sa kabilang linya.

"Tss, i know naman na busy yung asawa mo. At ito na nakuha ko rin naman." Sabi ko habang nagbibihis. Nagbihis na ako at pagkatapos ay pumunta na sa Room ni Zek.

"Nandito na ako."

"Sige, sabihin mo lang sa nagbabantay na check up lang." Sabi naman ni Ace.

"Saan ang punta mo miss?" Tanong ng lalaking malaki ang katawan.

"Check up for patients."

"Sige, bilisan mo lang baka kasi dumating yung boss namin at magalit. Ayaw non kasing may babae sa loob." Sabi nito at binuksan ang pintuan kaya pumasok na ako.

"I'm here na."

"Good, bilisan mo lang baka dumating si Shaira." Sabi naman ni Sky. Kawawa naman sya ang dami nyang pasa at sugat.

Umupo ako sa tabi ng hospital bed at hinawakan ang kamay nya.

"Sorry, ikaw kasi eh mas pinili mo pa yung kabit mo kisa samin ng mga anak mo. Bakit mo ba hinayaan masira ang pamilya natin? Patawarin mo ako pero aalis na kami ng mga anak mo at magpapakalayo layo na kami. Hindi mo na kami makikita pang muli..."

"Queen, papunta na dyan si Shaira." Rinig kong sabi ni Inigo mula sa kabilang linya. Kaya inayos ko na ang sarili ko. Hinalikan ko muna sya sa mga labi nya bago ako tumayo. Saktong palabas na ako at pumasok na si Shaira. Tinarayan lang ako nito. Nakasuot kasi ako ng mask kaya I'm sure hindi nya ako nakikilala.

"Paalam mahal ko. Mahal na mahal kita. Hindi kita malilimutan. Siguro nga dapat nakitang pakawalan. Mas okay na yung sinaktan mo ako ng ilang besis pero okay na ako doon kaya tama na. Ayoko ng mas mahirapan pa tayo. Ako na lang ang lalayo at iiwas sayo. Paalam!" Sabi ko sa aking isipan.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon