Chapter43_Snake Bite

14 3 0
                                    

Wyatt's PoV

Agad kaming pumunta nina Inigo at Rhenn sa lugar ng pinangyarihan habang ang iba ay umuwi muna at si Xyro, Sky, at Blake ay dumireto sa hospital kasama si Tin.

"Sir, ano pong nangyari."

"Inararo po sila ng truck na magdedeliever ng gulay sa palengke. At nakainum yung nagmamaneho nito."

"Gago yun ah, alam niyng lasing siya tarantado talaga." Sabi ni Rhenn. Pero parang may mali.

Blake's PoV

"Papunta na daw dito si Tito at Tita." Sabi ni Kuya. Dumating naman sina Rhenn.

"Xy!" Tawag niya kay kuya. Saka lumapit sila samin.

"Planado lahat!" Sabi niya napakunot noo naman kami sa sinabi niya.

"Planado?" Tanong ko.

"Hindi yun basta aksindente lang. May nagtangka sa kanila." Sabi ni Rhenn.

"Nalaman namin na ninakaw lang niya ang truck at hindi talaga siya ang nagmamaneho non. Dahil may nakita kaming License ng driver at iba ang mukha ng lalaking nagmamaneho. May nakita rin kaming marka ng mansanas at ahas sa batok niya. Saka imposibling siya ang nagmamaneho non dahil hindi siya mukhang driver at alam niyo bang pamilyar ang mukha niya and the mark in his nape." Sabi ni Inigo.

"Yes, nong kinausap namin siya paiba-iba na ang mga detalye na sinabi niya mula sa mga pulis. Kung baga nagsisinungaling siya."

"Dalhin niyo ako sa kanila. And Inigo take a research about that mark in his nape." Sabi ni Kuya.

"Pakisabi kina tita may aasikasuhin lang kami. Ikaw na muna bahala dito." Sabi niya saka sila umalis. Mga ilang minuto pagkaalis nila kuya ay tumating din si tita Rose kasama si tito Jake at dumating din si tito Rence.

"Anong nangyari?" Tanong ni Tito Jake.

"May bumangga daw pong truck sa kanila. Inaalam pa nila kuya Xy at ng mga B.E ang totoong nangyari." Sabi ko.

"Kumusta sila, ang mga bata?" Tanong naman ni Tita.

"Si Mrs. Park at Zek maayos na nagpapahinga lang. Pati ang mga bata pero wala pa ring malay. Pero si Annya na sa operating room at dinudugo." Sabi ko.

Sky's PoV

Pumunta kami sa Police Station kung saan dinala yung gagong bumangga kina Zek.

"Xy, Kalma lang." Sabi ko.

"Tol, Sabihin mo nga pano ako kakalma eh alam nating nanganganib sina Zek!" Inis na sabi niya.

"Oo, alam ko pero relax ka lang maayos natin ito." Dagdag ko.

"Good morning, anong maipaglilingkod ko?" Sabi ng front desk officer.

"Gusto ho sana naming makausap yung truck driver na nakabangga ng isang pamilya." Sabi ni Rhenn.

"Pero tatlo lang ang pwedeng pumasok." Sabi ng Officer. Pumasok kami ni Xy, at Rhenn sa loob. Umupo kami sa mga upuan.
Wala akong mabasang kahit ano na reaksyon sa mga mukha nya. Para bang kilala niya kami at alam niyang dadating kami rito.

"Sino ka? Anong kailangan mo't bakit mo nagawa yun." Inis na tanong ni Xyro. Hinawakan ko naman siya sa balikat ganon din ang ginawa ni Rhenn dahil alam naming anytime susuntukin niya tong lalaki. Hindi man lang siya sumagot. Kaya sa sobrang inis ni Xyro at sinugod niya ito wala kaming nagawa dahil biglaan ito. 
Hindi ininda ng lalaki lahat ng suntok ni Xy ngunit ngumiti lng ito kahit may dugo ang mga labi.

"Sinong nagutos sayong gago ka para gawin yun hah? Pati mga pamangkin ko dinamay niyo. Sabihin mo yung matandang Hayashi ba nagutos sayo?" Kwenilyuhan niya ito.

"Hoy, gago umamin ka na!" Sigaw din ni Rhenn. Pero ni buka ng bibig wala kaming natanggap na sagot. Dumating naman ang ibang mga pulis para pigilan kami. Wala silang ibang ginawa kundi palabasin kami sa Police station.

"Anong sabi?" Bungad na tanong ni Brix.

"Ayaw magsalita ang gago."Sabi ni Rhenn.

"Bakit ba kasi ginawa niyo yun wala tuloy tayong nakuha kahit anong information." Sabi ko at sinindihan ang sigarilyo. Nagring naman ang cellphone ni Xyro.

"Si Ace tumatawag." Sabi niya.

"Loudspeaker mo tol." Sabi ni Wyatt.

[Guys, si Inigo to! Alam na namin kung ano yung marka na yun.] - Inigo

[Isa itong Mafia group from China. Kung titingnan niyo isang mansanan na may kagat ng ahas at pinalilibutan ito ng cobra.] - Ace.

[Isang malakas na Mafia Group ito sa China. Lahat ng membro nila ay may tatak nito sa batok. Pero iba ang sa Leader nila isang Chinese letter na Phyton.] - Inigo.

"Pero ang nakakapagtaka bakit sina Zek ang pinunterya nila?" Tanong ni Lionel.

"Anong pakay nila?" Tanong ko.

"Guys, may naisip ako." Napalingon kami sa nagsalita na si...

"Mizzy?!"

"Babe, anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Wyatt sa asawa.

"Pumunta ako ng ospital at ang sabi kasi ni Blake nandito daw kayo sa police station kaya pumunta ako dito. Saka narinig ko lahat ng sinabib ni Inigo at Ace. Alam ko kung sino ang makakatulong satin..." Sabi nito.

"Ang Musji?"Tanong ni Rhenn.

"Yes, alam narin nila ang mga nangyari kina Zek at Sandra."

Mizzy's PoV

Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang number ni Terrence sa Skype.

[Miz, kumusta napatawag ka?]

"Kasama ko ang B.E at kailangan namin ng tulong niyo. Tungkol ito sa Phyton."

[ANO?! Phyton? yung Mafia group sa China!]

"Yun na nga."

[Delikado yun at malaking grupo ito. Miz, marami silang connection sa mga gang group sa Pilipinas at dito sa Korea.]

"Tol, yun nga eh ang pinagtataka namin bakit sina Zek ang pinunterya nila. Di basta aksidente ang nangyari tinangka silang patayin. At isa pa yung driver ng truck merong tatoo na mansanas na may kagat at Phyton." Sabi ni Sky.

[Teka kakausapin ko lang ang ibang musji. Tatawag na lang ako ulit.]

Ibinalik na sakin ni Sky yung cellphone ko. Lumapit naman sakin si Wyatt.

"May number ka parin niya sa cellphone mo?" Inis na sabi ni Wyatt.

"Tsk, babe ngayon ka pa ba magseselos? saka pang-emergency lang naman yun eh tulad ngayon." Paliwanag ko.

"Tss tol, di ngayon ang time para magselos mag-Ex lang naman sila ikaw ang mahal.  Saka may pamilya na si Terrence no."Sabi naman ni Brix sa kapatid at tinapik ito sa balikat.

"Sa Headquarters tayo dumiretso. "Sabi ni Xyro.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon