Ezekiel's PoV
"Daddy, kilan po tayo babalik sa bahay? namimiss ko na si Chemchem saka si Mrs. Park. Pagbumalik po tayo doon kasama po ba natin si tito daddy?" Napalingon ako sa anak ko.
"No, baby! his not part of our family." Sabi ko.
"But, his my tito daddy." Sabi nito.
"Yes, his your tito daddy but his just a friend of your mommy okay. I Promised to you i'm going to be your best daddy than tito dad mo okay." Tumango lang ito. Tuwang tuwa kanina si Mrs. Park ng makita kami. Kay tagal na kasing hindi nakakabalik itong si Zander sa Mansion.
"Daddy, why tito dad's car is here?" Tanong ng anak ko pagbalik namin sa bahay ng lola niya. Hindi kaya nag-usap na sila? Nagulat naman ako pagbukas ko ng gate ay nakita ko agad itong lalaki na to.
"Tito dad! aalis ka na po ba?" Tanong ng anak ko. Tumigil ito saglit saka lumuhod para maging ka pantay si Zander.
"Yes, baby! Babalik na rin ako sa states. Wag kang magpapakulit kay mommy okay?"Tumango lang sa kanya ang anak ko. Pagkatapos niyang magpaalam sa anak ko ay nagkatitigan kami at halata mo sa mga mata niya ang pag-iyak nito. Agad kong naisip si Annya kaya hindi na ako nagdalawang isip na puntahan ito. Naabutan ko siyang pinupunasan ang mga luha sa mga mata niya.
"Baby, pasok ka na sa loob. Kakausapin ko lang si Mommy mo." Sabi ko at sumunod din siya agad. Pagkaalis ni Zander ay agad kong pinuntahan si Annya saka niyakap ito.
"Hon, okay kalang? Don't worry dito na ako." Hinarap ko ito sakin saka pinunasan ang mga luha. Ngumiti naman siya saka nagsalita.
"Naayos ko na! nakipaghiwalay na ako sa kanya." sabi nito kaya niyakap ko ulit siya. Kasabay ng pag-iyak niya ulit but this time nandito na ako.
"Sorry, hon! Iiyak mo lang yan kung yan ang makapagpapagaan ng loob mo." Sabi ko at hinalikan siya sa ulo habang hinihimas nito.
Daniel's PoV
Kitang kita ko kung pano siya icomfort ni De Ocampo. Talagang mahal na mahal siya nito. Hindi ko maiwasan ang hindi masaktan. Sa pangalawang pagkakataon nasaktan na naman ako dahil lang sa iisang lalaki. But this time mas masakit kisa nong una.
Ano bang meron yang De Ocampo na yan na wala ako? Una si Shaira at ngayon pati si Annya.Pinaharurut ko ang sasakyan ko hindi ko alam kong saan ako pupunta. Sobrang sakit, puta ayoko na. Dahil sa bilis ng pagtakbo ko ay muntik akong madisgrasya. Kaya napagisipan ko nalang na pumunta sa bar para magpakalasing.
"Kuya bigyan mo ako ng pinakamatapang na alak na meron kayo." Sabi ko sa bartender na naghalo ng alak.
"Here sir." Sabi niya at inabot sakin. Agad ko itong tinungga, napakatapang nga talaga. Umorder pa ako ulit.
"Hinayhinay lang!" Sabi ng babae at tumabi sakin. Teka si...
"Kimmy?! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"Dinaanan ko lang pinsan ko dito. Ikaw? sinong kasama mo? at saka bakit ka nagpapakalasing." Sabi niya at tinungga ang huling alak ko.
"Ang tapang naman nito masyado." Sabi niya.
"Kumusta na pala yung anak mo?" Tanong ko.
"Sino sa kanilang dalawa?" Tanong niya.
"Bakit ilan ba anak mo?" Tanong ko naman at tumunga ulit ng alak.
"Actually dalawa, at may kambal si Darwin. Hindi ko siya na pakilala sayo kanina. Nasa tagaytay kasi siya kasama yung kapatid ko." Nilabas nito ang cellphone niya at pinakita ang picture ng kambal ni Darwin.
"Siya si Marvin, tahimik at mabait yan di tulad ni Darwin laging umiiyak at malikot." Sabi niya pa.
"Eh, yung tatay nila na saan?" Tanong ko at umiwas lang siya ng tingin sakin. Tutungain ko sana ang alak ko ng agawin niya ito at siya ang uminom.
"Hayaan mo na iyon. Hindi ko rin naman kilala kung sino ang tatay nila. Basta lasing ako nong mga gabing iyon at breakup din namin ng boyfriend ko. Nakagising ako na nasa hotel na ako at mag-isa na lang. Dito ko siya nakita sa bar na ito. Ang natatandaan ko pa lasing na lasing kami pareho." Pareho na pala kaming may tama.
"Ganon ba? fine kalimutan na lang natin yun. Mabuti pa hatid na kita sa inyo. Gabi na rin naman eh." Sabi ko at tumayo. Inalalayan ko naman siya pero mukhang mas lasing siya kesa sakin. Habang naglalakad papunta sa kotse ay pareho kaming pagiwang giwang kung maglakad tapos umaambon pa, feel ko uulan ata ng malakas.
"Mas lasing ka pa ata sakin ah." Sabi ko sumimangot naman ito.
"Ano? ako lasing? ikaw kaya." Sabi niya at binatukan ako pero mahina lang. Sinakay ko siya sa kotse ko para ihatid. Dahan dahan lang din ang pagmamaneho ko syempre nakainum narin ako no. Mga ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa bahay nila. Tawanan lang kami ng tawanan kahit di namin alam kung may nakakatawa ba.
"Shsss! Wag kang maingay. Tulog na sila Mama okay." Tumango lang ako ay inalalayan siya pagpunta sa kwarto niya.
Dahan dahan kong sinara ang pinto ng kwarto niya."Dito ka na matulog. Delikado pag umalis ka pa lalo nat lasing karin." Sabi niya at tumawa ulit. Ipapahiga ko sana siya sa kama niya kaso na out balance ako kaya pareho kaming nakahiga. Tumingin siya sakin at bigla na lang akong sinukahan nito saka sabay pa kami napatawa.
Pero tumayo agad ito para pumunta sa CR niya at doon ulit sumuka sa kalasingan. Hinubad ko ang damit ko na sinukahan niya ay napahandusay na lang sa kama niya. Lumabas siya habang tumatawa. Bumangon ako mula sa pagkakahiga."Shit na sukahan ko rin damit ko."Sabi nito at napatingin ako sa kanya. Mukhang hinubad niya rin ang damit niya. Tumayo ako dahil pakiramdam ko ay susuka na rin ako kaya a akong tumakbo sa banyo ng kwarto niya. Paglabas ko ay mukhang magbibihis ito. Pinigilan ko siya dahil mukhang huhubarin niya lahat.
"Hoy, hindi ka ba nahihiya at dito ka magbibihis sa harap ko." sabi ko.
"Hindi, lasing din naman ako EH." sabi niya at tumawa. May kung ano akong naramdaman pagkakita ko sa katawan niya. Hindi mo mahahalata na nagkaroon na siya ng kambal na anak. Nagulat ako ng bigla ko siyang halikan sa labi. Dala siguro ng kalasingan. Nabitawan naman niya ang damit na dapat na susuutin niya. Hindi ko napansin na nilock na pala niya ang pinto.
-A/N-
Ang manyak din pala ni Daniel. Si Kimmy pa napagnasaan.
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomanceKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...