Chapter32_Reunion

16 4 0
                                    

Annya's PoV

"Kaninong bahay ba ito? Mukhang simple lang ang nakatira dito. Hindi siguro sila kayamanan or mahirap yung saktolang. Pero anong ginagawa ni Daniel dito?"Tanong ni Zek.

"Hindi ko rin alam basta ito yung address na tenext niya sakin."Sabi ko at luminga linga.

"Yun ba yung kotse niya?"Turo niya sa di kalayuang bahay.

"Yun nga, tara puntahan natin."Sabi ko. Naggarahi si Zek sa tabi ng bahay kung saan yung kotse ni Daniel. Pagbaba namin sa Kotse ay nagdoorbell agad itong si Zek. Nagulat ako ng hawaka niya ang kamay ko pero hinayaan ko na lang. Lumabas naman ang dikatandaang babae.

"Yes, po? Ano pong kailangan nila?"tanong niya samin.

"Tita, Ellen?"Takang tanong ni Zek. Kumunot naman ang noo ng babae na tinawag ni Zek na Tita Ellen na parang inaalam kung kilala niya si Zek.

"Kilala mo siya?"Tanong ko. Lumingon naman sakin si Zek.

"Kapatid ng mommy ni Sky."Sabi ni Zek.

"Ezekiel ikaw na ba yan? Yung pinsan ni Sky na anak ni Lawrence?"Tumango lang si Zek sa tanong nito. "Ang laki na ng pinagbago mo. Tagal na nating hindi nagkita simula nong bata pa kayong magpinsan."Sabi nito at tumingin sakin.

"Ay tiya si Annya po, Asawa ko."Sabi ni Zek.

"Hi po!"Bati ko.

"Abat kagandang bata." Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

"Pasok kayo, Pano niyo natuntun itong bahay namin?"Tanong niya bahang binubuksan ang gate.

"Actually po tita may hinahanap kaming lalaki at ito yung address na binigay niya samin."Sabi ni Zek.

"Uhm, ito po kasi yung kotse niya."sabi ko at tinuro yung kotse ni Daniel na itim na nakaparada sa garahe nila.

"Ah, baka yung hinahanap nyo is yung bisita ng anak kong si Kimmy. Yung Daniel ang pangalan tama ba ako?"

"Ay opo siya na nga po yun."Sabi ko sa kanya.

"Hala sige tuloy kayo."Binuksan niya ang pinto at bumungad samin yung babae sa sala habang karga yung batang lalaki ganon din si Daniel na may kargang bata at mukhang kambal ang hawak nila.

"Annya?" Pagtataka niyang sabi.

"Kilala mo sila?"Tanong ng babae at tumango lang sa kanya si Daniel.

"Nak, natatandaan mo pa yung pinsan ni Sky? si Zek?"Tanong nong Tita Ellen. Tumango naman yung babae. "Nak si Zek saka yung asawa niya si Annya."Sabi pa niya.

"Weh, di nga? ikaw na yan? yung batang takot sa daga?"Tanong nito tumango at ngumiti lang si Zek. Napatingin ako kay Daniel na nakatingin sa sahig.

Kimmy's PoV

"So ikaw pala si Annya yung ex ni Daniel?"Sabi ko. Dalawa lang kaming naiwan sa sala habang si Daniel at yung De Ocampo ay naguusap sa labas saka yung dalawang bata ay naglalaro sa sahig. Tumango lang siya sa tanong ko. "Grabe, girl ang haba ng hair mo. Sana all may dalawang lalaking nagmamahal sayo."Napangiti lang ito ng pilit sa sinabi ko.

"Gano katagal na kayong magkakilala ni Daniel?"Siya naman ang nagtanong sa akin.

"Actually 2 or 3 days palang kami nagkita pero ako matagal ko na siyang kilala. Di nga ako makapaniwala for all people in the world ako pa ang makakabuhos ng juice sa damit niya."Sabi ko umiwas lang siya ng tingin. Bumalik naman si Daniel at yung poging si De Ocampo.

"Kim, alagaan mo si Daniel hah mahalin mo siya ng buo. Alam kong may pagtingin ka sa kanya ramdam ko yun. Ibigay mo sa kanya yung mga bagay na hindi ko nagawa noon. Wag kang mangako gawin mo?" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko para akong napipi.

"Hon, Tara na!"Sabi nito kaya tumayo si Annya nagsalubong naman sila ng tingin ni Daniel. Halata mo parin talaga na may feelings parin sila sa isa't isa. Tumabi sakin si Daniel at bumuntong hininga.

"Hindi mo naman sinabi sakin na si Zek pala yung tinutukoy mo na gago. Pero sabagay gago nga talaga yun naging ex ko rin yun ng first year highschool kami at napakaplayboy ng isa na yan. Pero alam mo bata palang kami laging bukang bibig niya samin yung naging kaibigan niya AC yung tawag niya doon eh. Nabanggit rin sakin ni Sky yung pinsan namin na yung batang matagal na niyang gustong makita ay Annya ang pangalan. Sandali, So ibig sabihin yung batang AC na bukang bibig niya noon at ang babaing Annya na minahal niyong dalawa ay iisa?"Bago ko narealize ang mga sinabi ko. "Pero may taste si Annya hah pogi kaya ni Zek."Sabi ko habang nakatingin sa mga bata napalingon naman ako kay Daniel.

"Ibig sabihin pangit ako ganon at hindi kami bagay ganon?"Sabi nito at nag-irap.

"Oo, hindi kayo bagay..." Hahaha ang cute pag naggagalit siya hahah i like this guy. "Hindi kayo bagay kasi tayo ang bagay ayiee..."Biro ko at pinisil ang pisngi niya.

"Tsk!" Hahaha.

"Pikonin ka naman." Sabi ko.

Alyanna's Pov

"Besh, ano kaya kung magreunion tayo sa resort niyo buong B.E? Tutal December narin tapos isama natin yung mga bata for short mag eenjoy sila. Then set tayo nga Christmas party ng B.E kahit isang linggo lang naman tayo doon. Parang bakasyon narin, ano game?"Yaya ko kay Yannie.

"Sige sige, kausapin ko si Rhenn hindi makakatangi sakin yun dahil may kasalanan pa siya sakin."Sabi ni Yannie at habang kumakain ng cake.

"Sige ako ng bahalang magsabi kay Annya." Sabi ko. Tumunog naman ang Cellphone ni Yannie.

"Oh?...Dito kina Anna...Sige...Bilisan mo hah."Sabi nito at binaba na.

"Hay, ang harsh mo talaga sa asawa mo." Ngumiti lang ito.

"Kahit ganon ako sa kanya mahal ko yun. Nakakainis lang kasi malapit sa mga babae." Napailing lang ako.

"Oh, ayan na pala sundo mo!"Sabi ko kaya napatingin din siya sa kotse ni Rhenn.

"Sige, besh dito na ako. Ikaw ng bahala kay Annya hah?" Tumango lang ako saka kumaway sa kanya.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon