Chapter14_Nothing without you

17 3 0
                                    

Annya's PoV

2 months later

"Insan, Saan ka pupunta?" Tanong ni Terrence.

"Sa clinic magpapa ultrasound sana ako. Iiwan ko muna sayo si Zander kung pwede?" Tanong ko.

"Oo naman. Pero teka sino ang kasama mo?" Tanong naman ni Terrence.

"Si Daniel, sasamahan nya ako pagkatapos babalik din kami kaagad. Baka kasi maghanap yung anak ko pagnagtagal ako. Sige na alis na ako nandyan na sya sa labas." Sabi ko at umalis na. Paglabas ko ng bahay ay nakasandal si Daniel sa tabi ng kotse nya. Ang angas nya dyan tingnan.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko sa kanya kaya ngumiti sya ng malapad.

"Not much actually i think half hour I've waited here for you." Napatawa lang ako ng konti. "Joke lang, hindi naman. Kakarating ko lang rin. So tara na?" Sabi nya at tumango na lang ako.

*Clinic*

"Congratulations, ma'am. Your 3 months pregnant." Alam ko matagal ko ng alam yun. "And its a healthy baby girl." Sabi ng nurse na Amirekano.

"Annya, Daddy's need me at his office." Sabi ni Daniel pagpasok nya ng clinic.

"Ganon ba? Sige tara na tapos na rin naman eh." Sabi ko.

"You must be her husband. Congratulations sir its a healthy baby girl." Sabi ng nurse.

"I'm sorry but I'm not I'm just a friend of her." Sabi ni Daniel.

"Oh I'm so sorry i didn't know." Sabi ng nurse saka nagbow paulit ulit.

"No its okay. Besides, Its not your fault. Thanks a lot but we gonna go now." Sabi ni Daniel at inalalayan. Lumalaki na rin kasi itong tiyan ko.

"Are you going to tell this to him?" Tanong ni Daniel sakin pagsakay ko ng kotse nya.

"Of course not, after what he do to me" Nakakunot kong sabi.

"Kahit na tatay pa rin sya ng bata na yan." Hindi na ako kumibo kaya nagmaneho na lang sya.

*Flashback*

"Kapag nagkaanak ulit tayo anong gusto mo babae o lalaki." Tanong ko kay Zek.

"Kahit ano sa dalawa basta ikaw ang nanay." Sagot naman nya sakin.

"Pano kapag nagkaanak tayo ng babae ano gusto mong pangalan nya?" Tanong ko ulit.

"Pangalan? Uhm...Cassandra."

"Cassandra?! Bakit Cassandra? Pangalan ko yun eh."

"Yun na nga eh. Ang Gusto ko tulad mo sya. Maganda, mabait, mapagmahal. Sunod sa pangalan mo Cassandra De Ocampo. Tapos itatawag natin sa kanya Cassy."

"Aba maganda yang naisip mo."

*End of Flashback*

"Ms Sandra?" Tanong ng babae pagbaba ko ng kotse ni Daniel sa tabi ng bahay. Tingin ko pilipino rin sya siguro mga 18 years old lang sya.

"Bakit po? Ano pong kailangan nila?"

"Matagal ko na po kayong hinahanap. Ako nga po pala si Mika Fernando.
Kasama nyo ho ba si Mr De Ocampo?" Tanong nya.

"Uhm, matagal na..." Hindi man lang nya ako pinatapos magsalita.

"Ibibigay ko lang po sana itong Letter na pinapabigay nya sayo. Actually matagal na to sya. Kaso nagkaproblema sa Pamilya ko kaya hindi ko agad na bigay sayo." Inabot nya sakin ang sulat. "Hindi ko naman po akalain na dito pa tayo magkikita. Kumusta na nga po pala kayong dalawa?"

"Matagal na kaming wala mga dalawang buwan siguro." Sabi ko.

"Halaka bakit sayang naman po. Sayang din yung mga plano ni Mr De Ocampo para sa inyo."

"Plano? Anong plano?" Tanong ko pero may tumawag sa cellphone nya.

"Sige po Ms Reyes dito na po ako." Paalam nya saka umalis. Naaalala ko ko na sya. Sila ng ate nya yung nag asikaso ng kasal namin ni Zek.

Nagpaalam na rin si Daniel.

Ezekiel's PoV

"Zek! Iho, bakit dito ka natulog sa sala at bakit ka naglasing? Nako kang bata ka." Rinig kong sabi ni Mrs Park kaya napamulat ako ng unti. "Maligo ka na! Ang baho mo amoy ka alak. Hala sige na magluluto na rin ako para makakain ka na." Sabi nya saka umalis sa harap ko.

Bumangon ako sa Couch at nagpahimasmas. Naapakan ko naman ang mga lata ng beer naininum ko kagabi. Shit ang dami ko palang ininum. Ang bantot ko na rin isang araw na akong hindi nakakaligo simula kahapon.
Kain, tulog, inum lang naman ang gawa ko. Walang gana kasing lumabas ng bahay lalo na kung sasalubong sayo yung babae na yun nakakabadtrip.

Walang kulay itong Mansion kapag wala ang mag-ina ko. Yung feel na parang nakakatamad bumangon sa higaan. Kasi wala yung taong bubuo ng araw mo. Yung gigising sayo na halik nya ang dadatnan mo.
Yung tawanan nilang dalawa habang binubulabug ako sa pagtulog.

Yung hindi mabubuo ang araw mo kung hindi sila ang makikita mo paggising. Hindi ka titigilan hanggat hindi ka bumabangon. Nakakainis bakit kailangan pang umabot sa ganito? Pinaparusahan ba ako? Dahil sa hindi magandang pag-uugali ko noon. Ito na ba yung tinatawag na nilang ' BIG KARMA'?

Sana bumalik na sa dating sigla itong mansion. Sana bumalik na sila. Hindi ko alam ang mangyayari sa akin kapag wala sila sa tabi ko. Sana isa lang masamang bangongot ang lahat ng ito. Na sana pag-gising ko nandyan na silang dalawa sa tabi ko.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon