Chapter27_Fight lang

15 4 0
                                    

Annya's PoV

"Babe? Kanina ka pa ba dito?" Lumapit ako sa kanya at niyakap ito.

"Kararating ko lang din, si Cassy?" Tanong niya at nilingon si Ezekiel na kunot noong naka tingin samin.

"Nasa garden kasama si mommy."

"Tara sa baba! May mga pasalubong nga pala akong dala."Sabi ni Daniel at muling tumingin kay De Ocampo.

"Tara." Na ngayon ay masamang nakatingin sa kanya. Dinala ko si Daniel sa sala kasabay ng pagpasok ni mommy karga si Cassy.

"Tito daddy!" Masayang tawag ni Zander at niyakap si Daniel.

"Oh, Daniel nandito ka pala."Sabi ni mommy at napasulyap sakin. "Pakikuha nga muna si Cassy."Sabi ni mommy kay Zek na sumunod pala sakin pababa. Pumunta si mommy sa kusina kaya sumunod ako para kunan si Daniel ng makakain. Naabutan ko siyang umiinom ng tubig.

"Nak, payo ko lang ito sayo bilang magulang mo. Hindi ko masisisi na mahulog ka sa iba lalo na sa tulad ni Daniel. Pero nak, wag mo sanang kalilimutan kung anong meron kayo ni Zek. Tandaan mo kasal kayo. Kaya hangga't maaga pa pumili ka ng alam mong makakabuti sa dalawang bata. Nak, pagpinatagal mo pa maraming madadamay at masasaktan. Nak, pagnagmamahal ka dapat mero karin nito..." Tinuro niya ang ulo ko. "...wag puro ganito lang." At ngayon puso ko naman ang tinutukoy niya. Bumalik siyang muli sa sala habang iniwan niya ako ditong tulala. Hindi ko alam kung saan magsisimula, at aayusin itong mga problema ng hindi lumala at makasama sa iba. Masakit man isip na kailangan kong mamimili sa dalawa kung sino ba talaga ang mahalaga at makakabuti sa mga bata. Ayokong masaktan silang dalawa.

Bumalik ako sa sala dala ang meryenda para kay Daniel. Tumabi ako sa kanya dahilan upang mapagitnaan ko silang dalawa. Napasulyap lang ako kay Zek na karga karga si Cassy.

"Salamat." Sabi niya pagabot ko ng meryenda sa kanya. Sinusubuan naman niya si Zander nq nakakalong sa kanya. Nagmukha tuloy silang dalawa na tatay ng mga anak ko haha kaso ang awkward lang sa part ko. Pinunasan ko naman yung pisngi ni Zander dahil ang kalat kumain. Biglang tumayo si Zek karga si Baby Cassy.

"Babe, Free ka ba sa susunod na bukas?" Tanong ni Daniel.

"Di ko lang alam. Bakit?" Ngumiti lang siya saka umiling. Bumalik naman si Zek pero hindi na karga si Cassy.

"Si Cassy?" Tanong ko sa kanya.

"Na kay Mommy." Sabi nito habang papalapit sa kunaruruuanan ko. "Halika magusap tayo!" Sabi nito saka ako hinala.

Ezekiel's PoV

"Teka san mo ko dadalhin?" Tanong nito pero di ko kinibo. Umakyat kami sa hagdan at pumasok sa kwarto. "Ano ba bitawan mo nga ako!"Pumipiglas ito sa pagkakahawak ko. "Ano bang problema mo?" Nilock ko ang pinto.

"Mag-usap tayo."

"Mag-usap? Para saan pa eh maghihiwalay na rin naman tayo." Sabi niya bigla ko namang sinipa ang mesa sa tapat ng kama niya.

"Pano kung ayaw ko? Dahil ba to sa lalaki mo?" Napatawa lang siya ng kunti dahil sa sinabi ko.

"Sa lalaki ko? Sino ba satin dalawa ang nagloko? Hindi bat ikaw? Sino ba satin dalawa ang sumama sa iba dahil nalamang nabuntis ito? di ba ikaw? Sino sating dalawa ang mas inuna ang iba kesa sa sariling pamilya hindi bat ikaw? Kaya mag mo akong masisisi kung mahulog ako sa iba."

"Sino ba sating dalawa ang nag sakripisyo para sa kaligtasan ng mga mahal sa buhay hindi bat ako? kaya wag mo rin sakin isisi lahat dahil ginawa ko lang naman kung anong makakabuti sa inyong mag-ina at sa mga malalapit sakin. Kasi sa totoo lang sobrang sakit na sa tuwing gabi uuwi ka na may guilt sa puso kasi hindi mo pwedeng ishare ang problema mo sa asawa mo. Sobrang sakit na hindi mo man lang siya matabihan sa pagtulog. Sobrang sakit isipin na dahil sa pagsakripisyo mo mahuhulog siya sa iba. At sobrang sakit na nakikita mong unti unti ng lumalayo sayo ang pamilya mo. Ang sakit kasi mag-isa ka lang kumalaban." Umupo siya sa kama at umiyak.

"Alam mo sa dalawang pagpipilian ko wala akong ligtas kasi lahat yun masakit at hindi ko kaya. Ayoko naman mawala kayo ng tuluyan sakin mas okay na yung lumayo kayo at kamuhian nyo ako pero mas masakit kong makita ko kayong wala ng buhay. Tiniis ko lahat para sa inyo kasi mahal ko kayo. Hindi ako sumama kay Shaira dahil gusto ko siya kasi ikaw lang naman ang babaeng gusto kong makasama at maging ina ng mga anak ko. Una palang may kutob agad ako na hindi akin yung bata. Pero kahit alam ko naman na hindi akin yun wala parin akong choose kasi kayo na ang pinaguusapan. Ayoko namang madamay kayo. Patawarin mo sana ako kung nasaktan kita. Kung gusto mo kong sampalin, sampalin mo na ako." Sabi ko habang umiiyak pa rin. Walang ano ko siyang niyakap ng mahigpit at saka doon bumuhus ang luha ko.

"Ako sana ang patawarin mo dahil naging makasarili ako." At saka niya ako niyakap pabalik. "Uminom ka ba?" Hindi ko siya sinagot. Tumingin lang ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya. Dahan dahan itong lumapit sa mukha ko saka ako hinalikan sa mga labi.

Annya's PoV 

Nakatulog din siya agad dahil sa pagod na din. Pinagmasdan ko lang ang gwapo niyang mukha. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Alam ko mahal ko pa rin siya talaga, nasaktan lang nga siguro ako sa mga nangyaring hindi maganda. Hinalikan ko siya sa mga labi niya at na sagi naman ng kamay ko ang maiinit nitong alaga. Naalala ko nakahubad pa rin nga pala kami napalunok lang ako ng laway sa naisip ko. Kaya humiga na lang ako at nagtagilid saka na tulog na lang, hating gabi na rin eh. 

[Morning]

Nagising ako sa masarap na pagkaing na amoy ko. Bukas pala ang bintana. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napansing nakabihis na pala ako ng pangbahay. Naghilamos ako sa banyo bago bumaba. 

"Yaya, sinong nagluluto? Mukhang masarap po ah." Sabi ko sa isang maid. 

"Ay ma'am si sir Zek po ang nagluluto." Rinig kong sabi ni manang. Pumunta ako sa kusina at nakita ko sila mommy at daddy kasama ang dalawang bata sa mesa. 

"Ito na!" Sabi ni Zek at nilapag ang adobo, at ginisang itlog at hatdog na may gulay saka fried rice. 

"Daddy, isa pa po. Yung may veggies." Sabi ng anak ko. 

"Aba good boy ang apo ko ah kumakain ng gulay." Sabi ni Daddy. Si mommy naman ay sinusubuan si Cassy. 

"Oh, nak kain na!"Napansin na pala ako ni Mommy na nakasandal dito. 

"Goodmorning!"Bati ni Zek saka lumapit sa akin.

"Kain na, masarap ako." Napatingin ako sa kanya. "Iste, masarap ang niluto ko. Yung paborito nating adobo remember?" inalalayan niya akong maka upo.

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon