Annya's PoV
Nangdumating ang Rhenn's and Blake's Family lumabas ako ng kwarto para salubungin sila. Sinamahan ko sila sa Room nila para maghatig ng mga gamit. Magkakalapit lang naman yung Room namin. Tawanan at kwentuhan lang kami habang naglalakad para pumunta sa restaurant nito Resort para kumain ng agahan. Sandali kaming huminto sa kwarto nina Mrs Park para sabihan. Katabi lang naman nito ang kwarto namin.
"Besh, Wala ka bang balak na sundan yung dalawa?" Muntik akong masamid sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Yannie. Napatingin naman kami sa tumatakbong bata papunta samin at hinahabol ng yaya nito.
"Si Chriss na yan?"Tumango lang si Yannie. "My gosh ang laki na ni Chriss." Sabi ko at binuhat paglapit samin. Mamaya pa ay bumukas ang pinto ng kwarto namin at iniluwa si Zander na nakatopless at may dalang wine saka nakasandal sa pinto. Mukhang kagigising lang nito. Nakakunot ang noo niya na mukhang nagising sa ingay ng mga kasama ko. Ngumiti ako sa kanya pero hindi ako pinansin mukhang may tampo parin siya sakin.
Lumapit sa kanya si Rhenn."Bro!"Sabi ni Rhenn at tinapik ang likod ni Zek lumapit naman ito sa tenga niya at mukhang may binulong dahilan para akmang siyang babatukan pero tumakbo ito palapit kina Annya at Yannie.
"Saka nga pala parating na rin yung iba."Sabi ni Yannie binaba ko na si Chriss. Pinauna ko na sila bumaba sumunod na din si Mrs Park karga si Cassy.
"Annya, si Zander sa inyo na daw sasabay."Tumango lang ako at hinawakan si Zander sa kamay.
"Hon!" Tawag ko pag sarado ko ng pinto. "Baby, wait mo si mommy dito sa couch okay? Kakausapin ko lang ang daddy mo. Don't go outside without us okay? Saglit lang ito."Sabi ko at pinaupo siya saka binuksan ang tv. Pumunta naman ako sa Bedroom malaki rin kasi itong pinili ni zek na kwarto pati kina Mrs Park.
"Hon?"Tawag ko, tiningnan ko siya kong na sa cr pero wala. Pumunta na lang ako sa tarrace nitong kwarto. Nakatayo siya dito habang walang pangitaas at umiinom ng wine. Lumapit ako sa kanya saka niyakap siya sa likod niya. "Hon, still upset about yesterday?" Di siya kumibo kaya hinimas himas ko siya sa kahinaan niya. Hoy wag kayong ano diyan kung ano ano iniisip niyo. Batok lang naman kahinaan niya paghinahawakan ko. Lakas kasi ng kiliti niya doon. Dahil sa ginawa ko ay humarap siya sakin na nakangiti at parang may epilepsy.
"Hon, ayoko munang tumawa pwede?" Sabi niya kaya tumigil ako.
"Alam mo para kang bata, nagtatampo ka sa maliit na bagay."Sabi ko at tumalikod sa kanya paalis. Tingnan mo mga 3 second lalapit sakin yan.
"Hon, Sorry! Nainis lang naman ako noong nalaman kung pupunta dito yung mga unggoy nayun. Kaya nga sinama ko si Mrs Park para masolo kita at may magbabantay sa mga bata tapos...Maririnig ko na may reunion with them alam mo namang magugulo ang mga yun."Bumitaw ako sa pagkakayakap niya mula sa likod ko at humarap sa kanya.
"Hon, anytime pwede mo akong masolo pero pagbigyan mo na sina Yannie pasko naman eh. At saka tagal ko ng hindi nakikita ang B.E at ang mga pamilya nila. Please, wag ka ng magtampo minsan lang to oi wag kang kj. Hindi naman buong araw nila tayong kasama diba."Yumakap ulit siya at siniksik yung ulo niya sa leeg ko.
"Sorry na po di na mauulit. Wag ka lang magalit sakin."Sabi niya, niyakap ko na lang siya ng mahigpit.
"Mommy! Daddy! I'm hungry let's eat na po."Sabi ng anak ko at yumakap sa binti namin ni Zek.
"Sorry, baby lets ko?"Kinarga siya ni Zek.
"Teka, magdamit ka nga muna."Sabi ko at inabot sa kanya yung pang Hawaiian shirt.
"Pogi mo diyan."Sabi ko pagkasuot niya.
"Tsk, so it means dito lang ako pomugi?"
"Yezz daddy."
"oh, di ako nagsabi non."Sabi ko at pinigilan ang pagtawa. Pagdating namin sa Restaurant ay bumungad samin ang isang grupo na sobrang ingay. Tawanan, Kwentuhan ang maririnig.
"Kita mo na?"Sabi ni Zek. Dumating na kasi ang buong B.E kasama ang mga sariling pamilya.
"Nandito na ang royal family." Sigaw ni Lionel. Na miss ko ang isang to.
"Psst tumigil ka nga ang ingay mo masyado." Sita ng asawa nito nagsitawanan sila dahil sa tumahimik si Lionel para kasing nakaharap ng mabagsik na Lion.
"Opo na kayo, nireserve namin talaga yan para sa inyong tatlo."sabi ni Ate Cristine. Umupo kami sa bakanteng upuan katabi ko si Cassy na nakaupo sa upuang pang bata at may seat belt para hindi mahulog. Dumating naman yung mga staff para magserve ng mga pagkain.
"Wow, mommy ang daming food."Sabi ni Zander at pumalakpak pa. Pagkatapos nila ilagay lahat ng mga pagkain at nilagyan ni Zek ang plato ko at lahat yun may gulay ganon din kay Zander.
"Naks, sana all alagang alaga ni Zek."Sabi ni Erika asawa ni Ace. Ngumiti lang ako sa sinabi niya habang si Zek ay seryoso ang mukha sa paglagay ng mga pagkain.
"Mrs Park ako na pong bahala kay Cassy magpakain! kumain na lang po kayo ng maayos." Ngumiti lang siya at tumango si Zek naman ang nagsubo kay Zander.
"Ang sweet naman ng pamilyang ito."Sabi naman ni Brix.
"Tss, kumain ka na nga lang ugok."Sabi ni Zek kay Brix tumawa lang ng mahina ang sagot niya kay Zek.
"Zek, ano ba na sa harap tayo ng pagkain ayusin mo nga mga words mo remember may mga bata."Saway ko.
"Sorry po."Sagot niya nagpigil naman sila ng mga tawa.
"By the way guys. I invite my cousin at mother side tagal ko na kasi hindi nakasama yun. Iwan lang kung pupunta yun dito. " Sabi ni Sky. Napatingin naman sa kanya si Zek. Oo nga pala ex niya nga pala yun. Walang iba kundi si Kimmy.
"Nak, ito pa."Sabi niya kay Zander at sinubuan. Napansin naman niya siguro na nakatingin ako sa kanya kaya lumingon din ito sakin. Sabay taas ng mata at kilay na paramg nagtatanong kung 'bakit?' ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomanceKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...