Chapter48_Last Mission

13 0 1
                                    

Ace's PoV

"Ace, saan ka ngayon?" Tanong ni Brix mula sa kabilang linya. "Sa bahay pa. Bakit?"

"Tumawag sakin si Cristine at nagkamalay na daw si Zander. Na sa Hospital na si Blake at Inigo para sunduin si Zander. Magkita kita na lang tayo sa Mansion." Ibinaba na rin agad ni Brix ang linya. Agad kung kinuha ang susi ng kotse ko saka hinalikan ang mag-ina kong tulog pa. Hinalikan ko rin ang tiyan ni Ika na sa mga oras na ito alam kong tulog rin ang magiging pangalawang anak namin na papangalanan namin na si Athena.

Agad akong tumungo sa Mansion nina Zek. Malapit na ako ng may humarang sa kotse ko na dalawang itim na Van. Bumaba ang isang lalaki na may hawak na baril. Itinutok niya ang kanyang baril sakin mula sa labas.

"GET OUT ON THE CAR!!!" Sigaw nito habang nakatutok ang baril sakin. Mukha palang alam kong hindi sila pilipino at isa silang Chinese. Isinakay nila ako sa Van at itinali ang mga kamay ko sa likod. Nakita ko rin si Ika na may piring sa mga Mata at ang anak namin na si baby Akie na natutulog at may mga takip ang mata. Agad ako nagpumiglas pero pinagtulungan nila akong pagsusuntukin at tadyakan. Binusalan nila ako at nilagyan ng piring sa mga Mata. Muling umandar ang van pero nanghihina ako dahil sa mga suntok at tadyak na natanggap ko kaya ipinikit ko ang mga Mata at tuluyan ng nawalan ng malay. 

Sa sandaling nagkamalay ako ay rinig na rinig ko naman ang mga iyakan na tulad ko ay may busal din ang mga bunganga. Unti-unti kong narealize na nakatali pala ang mga kamay ko sa kadena habang nakatayo. Nilingon ko naman ang mga na sa tabi ko na gaya ko ay nakakadena rin pero mga wala silang malay di tulad ko. Nakita ko naman sina Ika na nakaupo sa sahig kasama ang mga bata lahay sila ay may tali. Si Baby Cassy na buhat ng isang Chinese at si Zander na may benda sa ulo. Lahat ng mga asawa't anak ng B.E ay naririto. Anong balak gawin ng mga lalaking ito samin pati mga bata ay idinamay nila sa gulong ito.

Ezekiel's PoV

"Nabigo man akong maghiganti sa inyo noo pero hindi na ngayon." Lumuhod naman si Sandra.

"Hayashi, nakikiusap ako sayo wag mo ng idamay ang mga bata dito. Wala silang alam sa nangyari." Pakiusap niya kay Hayashi. Pinatayu ko siya at bumulong. "Annya, anong ginagawa." Pero hindi niya ako pinansin. Tumawa ng malakas si Hayashi mula sa screen.

"It's nice to here that." Sabi nito. "But, papakawalan ko lang sila kapag isa sa inyo ay mamamatay."

"You're such a insane." Bulyaw ko.

"Zek?" Tristan ask from the other line. Naalala kong na sa hotel pa pala sila ni Rhenn.

"Do something." I whisper.

"Yes, ako ng bahala naririnig ko lahat. May tinawagan si Rhenn na tutulong kina Brix sa Pilipinas. Papunta na rin sila Minho at Yohan dito sa China."

"Good, sabihin mo kay Rhenn na sabihin niya kay Brandon na dalhin sa ligtas na lugar ang mga hostage. At ingatan nila ang mga bata." I whispered again.

"Copy that, hihintayin lang namin ni Rhenn na dumating yung anim saka kami susugod diyan." Nagkatinginan lang kaming lahat dahil sa pag-asang makakarating agad ang mga tulong bago mahuli ang lahat.

"Alam niyo naman kung anong gusto ko hindi ba? Ang mawala kayong lahat sa mundo."

"Guys, maghanda kayo dahil parating na kami. Papunta na rin sina Brandon sa kinaruruonan nina Brix. Tumawag narin sila ng  backup na agent. Tinawagan ko na rin si Harabouji at siya na daw ang bahala kay Steven." - Tristan

"Everyone, narinig niyo ba ang sinabi ni Tristan? Be ready." Mahina kong sabi na pwede ng marinig ng lahat mula sa earpiece.

"Anong ginagawa niyo bakit kayo nagtitinginan lahat?" Tanong ni Steven mula sa Screen na may galit ang tono.

"Where here!" - Tristan

"None of your business asshole." Pagsabi ko non ay sabay sabay kaming nag circle at inilabas ang tig dadalawang baril kasabay din ng pag pasok nina Tristan at ang pagtutuk ni Harabouji ng baril kay Staven mula sa Screen kung saan si Steven. May hawak na baseball bat si Trissia habang si Alyssa at Mina naman ay may dalang baril. Pinakawalan ni Mizzy sina Wyatt at Angel.

At doon nagsimula ang putukan.

Ace's PoV

Nagkamalay ako dahil sa pagsapak sakin ng isang Chinese na mukhan chongo.
Pinagsusuntok nila kaming apat isa isa. Iyakan lang ang narinig ko mula sa pamilya ng mga B.E lalo na ng magina ko.

Nakarinig naman kami ng putok ng baril mula sa labas at iniluwa si Brandon kasama ang mga taga cebu na Black Eagle. Kasama rin ang mga agent ni Inigo. Inilabas nina Brandon ang mga pamilya ng B.E kung saan ligtas. Pinakawalan naman kami ni Rico at ibinigay samin ang mga baril pero nadaplisan ako sa tagiliran. Nakipag barilan kami kahit may mga pasa at sugat para lang sa mga pamilya namin. Tumulong na rin ang mga agent natamaan naman si Brix sa balikat ganon din si Blake sa kanyang binti. Hindi nag tagal ay naubos din yung mga gagong Chinese. Inalalayan kong makatayo si Blake ng may marinig kaming putok ulit ng baril.

"ACE!!!" Sigaw nilang lahat pero lahat ng na sa paligid ko ay parang nagslow motion. Nakita ko naman si Erika na nakatayo sa dikalayuan at umiiyak. Saka tumakbo sa kinaruruunan ko.

Annya's PoV

Pagkatapos ng nangyari sa China at nakatakas kami ni Mizzy kasama si Angel at Wyatt mula sa labanan. Agad kaming bumalik ng pilipinas nag paiwan naman ang musji at B.E para tapusin ang Laban. Ayaw ko sanang iyan sina Zek pero kailangan ako ng mga anak ko. Tumawag rin sa akin si Harabouji at nag-explain kung bakit niya tinulungan si Staven lahat at lahat ng iyon ay ginawa niya para tumigil at pang-blackmail kay Hayashi na tatay ni Steven. Sinabi rin ni Harabouji na tinapos na niya si Steven at nakita rin namin ang ginawa niya mula sa Screen.

Sana lang ito na ang huling misyon at gulo na mangyayari.

-Note-

Ilang chapter na lang po at matatapos na tayo. Salamat sa inyong mga nagbabasa. Support lang po hanggang dulo. Thank you so much
😊🙏😊😘

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon