Daniel's PoV
Nagpaalam si Sandra na ihatid si Zander sa kwarto nila dahil tulog na ito. Gusto sa na siyang tulungan ni Ezekiel pero tinanggihan lang ito ni Sandra.
Dumating naman yung barkada ni Ezekiel yung si Rhenn at may dalang isang case ng Red horse at san mig apple para sa mga babae."Psst, lalaki! gusto mo?" Tanong ni Kim na may hawak na Beer at san mig. Tumango ako kaya inabot niya sakin yung beer.
"Okay ka lang? masakit pa rin ba yung mukha mo?" Tanong niya at hinawakan yung pisngi ko na may pasa. "Yan kasi eh. Alam mong malakas manuntok yun pinatulan mo pa."
"Nakaganti rin naman ako ah." Sagot ko sa kanya tumawa lang ito ng mahina na parang nang-aasar sakin.
"Pero parang wala lang naman sakanya yun. Remember isa siyang, you know? Tingnan mo nga yan parang walang siyang ka pasapasa manlang sa mukha maliit na sugat lang natamo niya oh kumpara sayo."
"Nang-aasar ka ba?"Tanong ko habang nagpipigil siya ng tawa.
"Hindi naman sa ganon. Pfft hahaha..." Tiningnan ko lang siya ng masama. "Sos, wag ka ngang emo diyan eh inum mo na lang yan. Kung masaya sila dapat masaya ka rin." Sabi niya na nakangiti. Kung hindi lang to babae baka na sapak ko na rin to. Lakas mang asar nakakainis.
"Guys, mamaya na yan! habang wala pa siya bumbalik." Sabi ni Zek.
"Tara na guys!" Sabi ni Yannie nagsitayuan naman yung iba.
"Bakit anong meron?" tanong ko kay Kim.
"Abay malay ko ako tinanong mo tayo magkausap dito." Sabi niya lang.
"Dali habang di pa siya bumabalik." Sabi naman ni Zek
Nagsipuntahan kami sa likod ng isang beach house.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Kim at narinig naman ni Yannie.
"Obvious ba idi tumatago." Mataray na sabi niya nakita ko naman si Kimmy na nagpipigil ng tawa.
"Bakit? Pano yung mga beer at pulutan doon?" Tanong ko at hawak parin yung beer ko.
"Tss, hayaan mo na di naman aalis yung mga yun." Sagot naman ni Cristine.
"Oo nga ang importante di tayo makita ni Annya." Singit naman ni Yannie.
"Bakit naman?"Tanong ko.
"Basta magtago ka na lang at tumahimik." Dagdag nito. Habang ganon parin si Kim at nagpipigil. Kanina pa to nagpipigil tawa niya mamaya makaihi na ito sa sobrang pigil.
Umalis naman sina Ezekiel at ang grupo niya ako lang ata naiwang lalaki dito ah at puro babae sila. Ano kayang pinaplano nila. Tumayo si Ace sa tabi ng isang puno at may dala siyang isang piraso ng rosas. Nagsitakbuhan naman ang iba sa kung saan. Alam ko na kung ano ang binabalak nila.
Dumating naman si Sandra at pumunta sa bonfire nagtaka siguro siya kung bakit wala kami doon kaya tumingin siya kung saan saan nakita naman niya si Ace sa isang puno kaya lumapit siya doon. Pagkuha niya ng rosas ay sumasa siya doon. Agad kong tinungga ang kalahating beer na hawak ko at inagaw pati yung hawak ni Kim."Hoy? okay ka lang? akin yan." Sabi niya at babawiin sana yung san mig niya pero naubos ko ito. Nagsilabasan naman sila sa tinataguan namin at bumalik sa aplaya . Umupo ako sa buhangin habang inaalalayan ni Kim.
"Ano ba okay lang ako bitawan mo ko." Sabi ko at kinuha yung isa pang beer.
Kung masaya sila dapat masaya ka rin
Kung masaya sila dapat masaya ka rin
Kung masaya sila dapat masaya ka rin
Kung masaya sila dapat masaya ka rin
Paulit ulit na pumapasok yang mga sinabi ni Kim sa utak ko.
"Hoy, hinayhinay lang baka malasing ka niyan!" Pilit na kinukuha sakin ni Kim yung bote.
"Oo na masaya na ako para sa kanila. Okay?"
"Psst, wag kang masyadong maingay." Pilit niya rin akong pinapatahimik.
"Di naman ako maingay eh ikaw kaya."
"Nako lasing ka na ata niyan eh."
"Di nga." Sabi ko at agad na hinalikan siya sa harap ng mga barkada ni Sandra at Ezekiel na ikinagulat ni Kim. Oo lasing ako pero hindi masyado alam ko parin ginagawa ko. Talagang masakit lang talaga. Kung masaya sila dapat masaya ka rin!
Rhenn's PoV
"Ano? ayos ba plano natin?" Tanong ni Yannie pagbalik namin nina Sky.
"Syempre, ikaw pa da-best ka magplano eh." Sabi ni Brix.
"Hay, nako iwan lang kung hindi matuwa yun." Sagot naman ni Inigo.
"Teka, sino nakaubos ng tatlong red horse na to?" Tanong naman ni Lionel.
"Wag niyong sabihing ito ininum niyo girls?" Tanong din naman ni Wyatt.
"Nako, tingin mo hindi kami malalasing niyan." Sagot naman ni Mizzy kay Wyatt.
"Oo nga naman." Singit ni Sky.
"Si Maxwell naginum niyan ayaw ngang mag paawat kay Kim." Sabi ni Aira.
"Teka na saan si Kim at Daniel?" Tanong ni Sky sa asawa na si Aira.
"Iwan ko kanina nandito lang silang dalawa." Sagot ni Aira.
"Oo nga, hinalikan pa nga siya ni Maxwell sa labi." Pagsangayon ni Alyanna sa sinabi ni Aira.
"Aruii, Tol! Baka mabiktima rin si Kim ng kamandag ni Maxwell. Patay tayo diyan." Singit ni Blake.
"Tol, ayun siya oh!" Turo ko sa papalapit na si Kim.
"Kimmy, san ka galing?" Pag-alala ni Sky sa pinsan.
"Sa Cr, umuhi. Bakit?" Takang tanong ni Kimmy.
"Eh si Daniel kasama mo ba?" Tanong ko.
"Wala iniwan ko siya dito na naka higa sa buhangin at tumutungga ng alak." Sabi niya kay Sky na lumuwag ang awra.
"Eh saan naman kaya yun pumunta?" Tanong ni Lionel.
"GUYS!!!" Napalingon kami sa gawi ni Xyro na tumatakbo. "May...prob...blema tayo!" Putol putol na sabi nito dahil sa hingal.
"Bakit anong nangyari?"
"What happened?"
"Problema?"
"Bakit?"
"Saan?"
Sabay na sabay na tanong ng lahat.
"Teka, tubig." Inabot ko sa kanya yung baso na may tubig.
"Si Daniel."
"Anong nangyari sa kanya?" tanong ni Kimmy.
"Saan siya?" Tanong ni Sky."
"Nagsulpot si Daniel doon sa resto at lasing na lasing paniguradong magkakagulo doon." Sabi ni Xy.
"Shit, ano na namang kalukuhan ang ginawa ng lalaking yun." Sabi ni Kim at tumakbo. Agad din kaming tumakbo para sumunod kay Kimmy.
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomanceKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...