Chapter08_Birthday

16 6 0
                                    

Annya's PoV

Tomorrow ay birthday ko na at busy na rin ang mga tao lalo na si Zek. Iwan ko kung saan yun pumupunta gabi gabi at minsan laging nagmamadali. Nakalimutan ko pang itanong sa B.E kung may nangyayari bang hindi maganda. Hayaan nyo mamaya pag may nakita akong isa sa mga member tatanungin ko.

"Bes, Saan kayo pupunta?" Tanong ko kina Yannie at Alyanna.

"Ahhh..." - anna

"Kailangan kong pumunta sa Rest house namin sa Tagaytay may ipapaayos kasi si Daddy at kailangan ko syang samahan at the day after tomorrow pa ng madaling araw ako babalik."-Annie

"Huh!?... eh hindi ka pupunta bukas?" malungkot kong sabi.

"Sorry bes alam kong special day mo bukas pero kailangan talaga eh. Pero babawi ako pagbalik ko."

"Eh ikaw saan ka naman pupunta? wag mo sabihing aalis ka din at sa susunod na bukas ka pa babalik?" Nagkatinginan lang silang dalawa.

"Actually, tama ka hehehe. May business meeting si Daddy sa Cebu kaso hindi sya makakapunta at ako na lang daw ang pupunta. Sorry bes babawi kami ni Annie pag balik."-Anna

"Tss, sige na umalis na kayo..." niyakap nila ako.

"Salamat bes...Advance happy birthday na lang." Sabi nila ng sabay. Saka sila umalis actually na sa school kami tapos nakita ko silang nagmamadali. Grabe naiiyak ako...T_T Dumaan ako sa tambayan at wala akong nakita ni isang B.E member. Ano ba yan...T_T iiyak na talaga ako. Wala na ngang masyadong klase kasi sa saturday graduation na din namin. Limang araw na lang kaya.

Uuwi na lang ako saka dadaanan si Zander sa Nursery. Teka na saan na si manong dado? Dapat nandito na yun ganitong oras. Tss, ano to magko-commute ako? Nakakainis naman wala pang battery tong cellphone ko. Tss, wala pang dumadaan na Taxi. Anong Oras na to baka magisa na lang yung anak ko doon.

After 1234567890 hours

May biglang huminto sa harap ko na kotse. Imposibleng amin to at saka wala akong kilala samin na may ganitong kotse. At bumukas ang bintana ng driver.

"Daniel?..."

"Ako nga, teka anong ginagawa mo dito sa labas ng School wala ka bang sundo?" Sabi nya habang tinanggal yung shades nya.

"Tss, Obvious ba?" Sarcastic kong sabi.

"Taray nito. Nagtatanong lang naman tara hatid na kita." Sabi nya. No choice for the sake of son.

"K, thanks." sabi ko at binuksan nya ang pinto ng kotse sa tabi nya. Kakapalan ko na rin mukha ko.

"Uhm, Daniel. Can i borrow your phone? makikitawag lang ako."

"Sure, kunin mo dyan sa bulsa ko."

"What? ikaw na lang." sabi ko.

"Tss, nagmamaneho kaya ako! saka ikaw naman may gustong humiram di ba." naka ngiting sabi nya.

"eh di huminto ka muna." Naka kunot noo kong sabi. Napangisi lang sya.

"Bakit ba ayaw mo?" sumulyap sya sakin.

"Basta kunin mo na lang." kaya ang end ay kinuha nya yung cellphone nya gamit ang isang kamay habang nagmamaneho yung kabila. Tinawagan ko agad yung number ni Zek. (Hello? sino to?) 'Ako to si Annya. Wala si Manong Dado kaya nagcommute na lang ako. Si Zander?' (Commute?!...Tss, ito na nasundo ko na. Nasaan ka na?) 'to pauwi na... sige nakitawag lang kasi ako. Bye' Saka ko binalik kay Daniel yung cellphone nya.

"Saan ka bababa?"Tanong nya habang nakatingin sa daan.

"Sa bahay na lang."

"Malay ko ba kung saan yung bahay nyo!" Ay oo nga pala di nya nga pala alam bahay namin. Teka dadaan pala ako kila mommy para kunin yung mga naiwang gamit ni Zander sa school at para makabisita rin namis ko na sila eh. Ginaide ko sya kung saan yung daan papunta kina mommy.

Ezekiel's PoV

Nandito ako sa bahay nila Villareal at Yannie. At birthday na ngayon ng Asawa kong maganda. Maaga akong umalis kanina hanggang ngayon dito pa ako nakatambay. For sure nagtatampo na yun or galit. Kasi kahapon palang di na kami nagpakita. Balak sana namin syang isurprise.

Flashback...

(Nasa tambayan)

"Guys, anong magandang surprise para kay Annya?" Tanong ko habang nakaupo at naglalaro ng ML.

"Iwan nga eh." Sagot naman ni Lionel.

"Wag kaya natin sya pansinin or iwasan hanggang sa birthday nya..." Napakunot ang noo ko.

"Anong klaseng surprise yan?" kontra ni Drix.

"Wait lang kasi patapusin nyo muna kasi ako. Ganito kasi yan. Di ba hindi natin sya papansinin hanggang sa mismong birthday nya? Tapos haharanahin natin sya pagkatapos lalabas din si Zek at sya na ang magmomoment. For sure matutuwa yun. Oh di ba bright idea?" Pagpapaliwanag ni Cross.

"What!? ako!? Kakanta? No way alam nyo namang di ako magaling dyan." Pagtangi ko.

"Tss, its for Queen its her birthday, right?. Look pang bawi mo na rin to sa lahat ng atraso mo. Zek think of it." Sabi ni Cross.

"Yeah Cross has a point. Just for your wife." Sabat ni Drix

"Eh hindi naman ako magaling dyan." sabi ko.

"Makukuha natin yan sa practice..." Napatingin kami sa nagsalitang si Inigo.

"Ika nga 'Practice always make perfect' kaya mo yan Zek ikaw pa. Wala kang inaatrasan di ba?" Nakangiting sabi nya at saka sumubo ng lollipop.

END Of Flashback...

So ayon nga kaya nandito ako kila Rhenn kasi pinapractice ko yung kakantahin ko. Shit sana maganda ang kalabasan nito. Teka lang alam nyo bang naiinis ako. Kasi kahapon susunduin sana namin ni Zander si Annya sa School.

Kaso nong malapit na kami sa school may humintong kotse sa harap nya at bumukas ang bintana ng driver. Nakaramdam ako ng selos ng makita kong lalaki ito at parang kasing edad lang namin pagkatapos sumakay sya sa lalaking yun. Trinay kong tawagan sya pero di macontact nakapatay ata yung cellphone nya.

Biglang nagring yung cellphone ko at unregistered number ito. Sinagot ko kaagad baka importante kasi eh. At si Annya lang pala tinanong mya kung nasundo na si Zander. Wala daw kasi si Manong Dado kaya nag commute na lang daw sya. Sinungaling... At nakitawag lang daw sya.

Kaya pinatay nya kaagad. Nakakainis, hindi ko mapigilang hindi magselos at magalit. Pero ganon din naman ako eh nagsinungaling sa kanya. Pero para din yun sa kanila eh. Sa Mansion ang venue ng birthday nya at ang daming tao.

Karamihan is mga business partner ng pamilya namin at ng pamilya nila Annya. Parang Reunion ata ito ng mga businessman and businesswoman. Nandito din ang mga sikat na model galing na U.S ganon din ang mga pinsan nya completo ang Musji dito. Sana gumana ang plano. 

Do You Think Love is enough?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon