Mizzy's PoV
Nagkayayaan ang boys magpunta sa tabing dagat habang kaming mga girls ay na iwan dito sa restaurant ng resort.
"Girls, Anong gagawin natin ngayon?"Tanong ni Aira asawa ni Sky. Ang ganda nya ah Morena then sexy at ang laki ng balakang.
"Swimming tayo girls sa pool then kwentuhan." Yaya naman ni Erika asawa naman ni Ace. Maliit na babae at maputi then ang taba ng Cheeks, sexy at short hair na color brown.
"Sige sige game ako diyan." Singit naman ni Ella asawa ni Brix.
"But, what about our babies?" Tanong ni Mizzy.
"Dalhin natin."Sagot ni Yannie.
Mizzy's PoV
"Yaya mel! paki dala po si Baby Steve sa room at pakibantayan na lang din po."Sabi ko kay yaya at kinarga si Steve nakatulog na kasi pagkatapos namin kumain.
"Sige po ma'am." Umalis na ako at pumunta sa pool nandoon naman ang mga girl habang nakababad ang kanilang mga paa sa tubig. Tumabi ako kay Sandra.
"Girl, yung mga baby mo?"Tanong ko
"Naka'y Mrs Park. Si Zander ayon nakikipaglaro sa mga pinsan niya." At tinuro ang kinaruruonan ng nga anak ni Rhenn at Xyro.
"Girls, kilala niyo ba yung anak ng pinakamayamang businessman sa buong mundo?" Tanong ni Erika ang asawa ni Ace.
"You mean Maxwell?"Tanong ko.
"Yup, yung Daniel bayun." dagdag niya pa.
"Oh? bakit anong meron siya?" Tanong naman ni Yannie.
"Napaka babaero pala non? tuwing dumadaan kasi ako sa mga bar para ideliver yung mga order na wine lagi ko siyang nakikitang may kasamang babae. Minsan iba iba minsan naman yung isa-isa."
"Oo nga, nakita ko rin yun nong sinundo ko yung anak ko sa school. Pagkakaalam ko kayo pa non eh pero nakita ko siyang may kasamang babae sa isang coffee shop at mukhang nagda-date sila. Kasi malabong maging kapatid niya yun, binigyan pa nga niya ng bulaklak. Alam mo ba kung ano pang ikinagugulat ko? Si Shaira. Naguusap sila girl tapos may pa flower pa. Kung ikaw nakakita non ano una mong iisipin? Hindi ko lang agad sinabi sayo baka kasi namimilik mata lang ako. Pero na laman ko na lang na anak nilang dalawa ni Shaira si Baby Ira." Kwento ni ate Cristine.
"Oh my gosh! it means pinagplanuhan nilang paghiwalayin kayo ni Zek at ginamit nila yung bata sa mga plano nila?" Singit ni Alyanna.
"Pero hindi naman ganon ang pagkakilala ko kay Daniel. Mabuti siya tao at naging mabuti siya samin ng mga bata." Sagot ni Sandra sa kanila.
"Malay mo lang naman besh eh." Sabi naman ni Yannie.
"Alam niyo, malay niyo din naman may dahilan yung mga nakita niyo at isa pa, girls wag one sided lang." Singit naman nitong si Tiffany.
"Nakita ko rin siya kasama yung pinsan ni Sky dalawang beses pa nga eh. Doon sa Bar at sa Mall." Sabi ni Aira asawa ni Sky.
"Teka nga, ano bang ginagawa natin dito sa pool? pumunta ba tayo dito para pagusapan buhay ni Maxwell at mga kaluhan niya?" Inis na sabi ko. Agad akong sumilyap kay Sandra at makikita mo sa kanya na parang nasaktan ito. Masisisi mo ba siya? napamahal na kaya siya doon. Bumalik din agad si Zek pero hindi niya kasama ang mga kaibigan niya.
"Hon, bakit ikaw lang na saan yung mga B.E?"Tanong ni Sandra sa asawa saka ngumiti.
"Nagpaiwan pa! balak atang pumunta sa bar yung mga yun."Sabi niya at hinubad ang damit saka lumusong sa pool. Pinuntahan naman nito ang anak sa kids pool saka nakisali.
"Hay! ang hot naman nito!" Sabi ko na nakatingin kay Zek. Syempre walang makakatalo kay Wyatt syempre lalabs ko yun eh. Balak ko lang naman asarin si Sandra mukha kasing ang lalim ng iniisip dahil sa sinabi ng mga kasama namin.
Annya's PoV
"Hay! ang swerte mo talaga sa kanya. Bukod sa pogi mapagmahal pa. Alam mo kung di ko lang na laman noong una na fiance mo siya balak ko sana siyang angkinin... Kaso iyo na pala. Haaay! Ang pogi talaga." Napabuntong hininga naman ito habang nakatingin kay Zek.
"Ahmmm!" Sabi ko dahilan para tumingin siya sakin. "Excuse me asawa ko ata yang pinagpapantasyahan mo dai." Sabi ko tumawa lang ito ng kunti. Lumangoy naman si Zek pabalik dito.
"Wow naman super hot! kuha lang ako ng ice tea." Tiningnan ko ulit siya habang tumatayo at nagpeace sign lang ito saka dinilaan ako.
"Oh? bakit nakabusangot ka diyan?" Tanong ni Zek at lumangoy palapit sa kinauupuan ko. Niyakap naman ako nito habang siya ay nasa pagitan ng mga binti ko.
"Woh, ang init!" Rinig kong sabi ni Ace saka hinubad ang damit at tumalon sa pool.
"Tss, akala ko ba pupunta kayo sa bar?" Tanong ni Zek sa kararating lang na mga barkada.
"Syempre wala ka eh." Sabi ni Rhenn.
"So parang pinapalabas niyo na ako nagyaya?"
"Syempre leader ka namin eh kaya sayo kami susunod." Sabi naman ni Brix.
"Hon oh! pinagtutulungan nila ako." Napa ngiti lang ako na nakatingin kay Zek na nag mamaktol na parang bata.
"Tsk, di bagay para kang sira."Sabi ko saka tinakpan ng kamay ko yung mukha niya na nakabusangot.
"Guys, laro tayo?" Aya ni Yannie na hilahila si Rhenn papuntang pool. Lahat ng girls sumakay sa balikat ng mga asawa nila. "Kung sino unang malalaglag iinumin itong kalahating baso ng lemon juice. Kaya boy gawin niyo ang lahat para hindi malaglag mga partners kundi pati kayo iinum din nito." Sumakay ako sa balikat ni Zek ganon si Mizzy kay Wyatt.
"First Challengers for red team, Zek team vs Blue team, Wyatt team." Sigaw ni Yannie. "Let the battle begin." Sabi naman ni Anna.
_A/N_
Sensya na sa matagal na update. Busy lang sa school masyado. Babawi ako next time. Thanks, and don't forget to Vote or comment. Free Critique 😁😊 .Thanks again Loveyouall. lovelove... _Lovemsauthor_
BINABASA MO ANG
Do You Think Love is enough?
RomantizmKwento tungkol sa pagpapahalaga sa isang relationship hindi lang basta relationship kundi specific marriage relationship👰. Book 2 po ito ng A Good Boy Love A Bad Girl. Sad Story rin po ito at pero syempre di lahat meron ding part na happy. Basta pr...