HINDI na natuloy nila Donna at Chesca ang pag-uusap dahil dumating na ang kanilang professor. Nang sumapit ang lunch break ay mag-isa lamang siyang nagtungo sa canteen dahil may inaasikaso si Donna para sa sinalihan nitong club. Batid niyang sinusundan siya ng tingin ng mga naroong estudyante dahil tuwina ay kasama niya si Chain sa panananghalian. She doesn’t have lots of friends, though. Sa mga nangyari sa buhay niya, inilayo na ni Chesca ang sarili sa mga tao. Lalo na ngayon.
Because the last time she opened her world, ito pa ang napala niya.
“Hey, may I share a table with you?”
Mula sa paghahalo ng spaghetti ay nag-angat ng tingin si Chesca sa nagmamay-ari ng baritonong boses na iyon. Nakalagay ang isang kamay nito sa gilid ng mukha na parang may pinagtataguan. Sa tatlong taon niyang pananatili sa university ay 'yon ang unang beses na nakita ni Chesca ang lalaki kaya hindi niya napigilan ang sarili na pag-aralan ang itsura nito.
She immediately recognized his expressive eyes that were darker than a night and long thick eyelashes like it was naturally curled.
Undoubtedly, the guy was really gorgeous—surely would make the girls go wild. Sa taas nitong sa palagay niya ay naglalaro sa six-feet and above, napakatikas ng tindig ng lalaki. His hair was ruggedly disheveled but it made him appear more attractive. Matangos ang ilong nito at mamula-mula ang mga labi na para bang nang-aanyayang mahalikan. He has prominent jaw and broad shoulders.
Kahit nakasuot ito ng t-shirt na pinatungan ng itim na Vans jacket ay pupusta siyang maganda ang pangangatawan nito—a body that women would totally yearn for. Maputi ang kulay ng lalaki—almost resembling a vampire’s skin—na bagay na bagay lamang sa physical features nito. It just made him hotter and sexier
In short, he was the most handsome guy she had ever seen. Saglit pa siyang napatulala at hindi alam ni Chesca kung saan galing ang kaba sa dibdib niya habang nakikipagtitigan sa estranghero. He looked like an angel—minus the halo. And that was the first time she had ever been so descriptive about a guy’s look.
Okay. C’mon, Chesca! Get a grip of yourself! Don’t forget what you’ve been into recently. Saway ng kanyang sarili.
Ipinilig niya ang ulo at muling ibinalik ang tingin sa lalaki na noo’y kunot-noong nakatingin sa kanya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi dahil sa kahihiyan habang pilit na hinahagilap sa isip kung ano ang sinabi nito. Nang maalala 'yon ay atubili siyang tumango.
“S-sure. You can sit down. Pasensya na—“
“Siya ba? Siya ba ang ipinagmamalaki mong ipinalit mo sa akin, ha, Caige? Ang babaeng 'yan ba?”
Gulat na napamaang si Chesca sa nanggagalaiting babae na bigla na lamang sumulpot sa kanilang harap. Pulang-pula ang mukha nito at sigurado siyang dahil 'yon sa galit. Mabilis na nabaling sa puwesto nila ang atensyon ng mga estudyanteng naroon. Natauhan lamang si Chesca nang mapagtanto na nasa gitna siya ng isang eskandalo.
“Damn! Calm down, Shay. 'Wag kang gumawa ng eksena dito!” mahina ngunit mariin na saway ng lalaki sa bagong dating bago ito hinawakan sa braso na mabilis namang tinampal ng babae. Bumaling sa kanya ang huli sa nanlilisik na mga mata at idinuro-duro siya.
“You have the guts to take Caige away from me! How dare you, bitch!” sigaw nito sa kanya.
What?
“Teka, hindi—“ Hindi na naituloy ni Chesca ang sasabihin nang mabilis na kinuha ng babae ang baso na may lamang mango shake sa ibabaw ng lamesa at walang anu-ano ay isinaboy 'yon sa kanyang mukha dahilan para marinig niya ang pagsinghapan ng mga taong naroon.
“Shaylene! What the hell?!”
Muntik nang mapatalon si Chesca sa lakas ng boses ng lalaki na halos magsilabasan na ang mga litid sa lalamunan sa galit. Naihilamos niya ang kamay sa mukha para alisin ang shake na sumaboy doon. Naramdaman kaagad niya ang panlalagkit ng katawan dahil umagos sa kanyang damit ang shake. Sa sobrang gulat ni Chesca sa ginawa ng babae ay hindi kaagad siya nakahuma.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...