Chapter Fourteen

404 19 2
                                    

“This is the St. Joseph Spouse of Mary Catholic Church. Ang ipinagmamalaking simbahan ng Gasan, Marinduque..”

Napa-“wow” si Chesca nang makita ang kabuuan ng simbahang pinagdalhan sa kanya ni Caige. Maikli lamang ngunit mataas ang kalsadang nilakad nila upang marating ang simbahan. Ngunit lahat ng pagod at hingal ay nakalimutan niya nang makarating doon.

Ikinukuwento ni Caige kanina na ang St. Joseph Church daw ay isang heritage na simbahan na nakatirik sa burol. Kitang-kita ito kahit nasa baba dahil may pagka-reddish ang kulay ng simbahan. Mayroon itong tinatawag na “Meditation Garden” kung saan may rebulto ng nakaluhod na Panginoon. At sa taas ng simbahan ay makikita ang buong kabayanan ng Gasan pati ang malawak na karagatan. Kaya naman na-excite si Chesca ng sobra na marating ang simbahan. And now she’s here. And she hadn’t been wrong!

Pinag-aralan ni Chesca ang exterior design. Hangang-hanga siya sa pagkakabuo niyon!

May nakatayong mga saints replica sa labas pa lamang. May terrace rin kung saan pwedeng umakyat upang makita ang kabuuan ng simbahan at ang tanawin. Naroon din ang malaking rebulto ni Mama Mary Lourdes na katabi ng isang sementeryo na natatabingan ng matataas na pader. Mayroon ding matayog na kampanyero na nasa gilid ng simbahan. Parang bata siyang nagtatatalon at inakyat ang hagdang gawa sa bato para marating ang entrance ng simbahan.

“Whoa! Ang ganda!” pigil na pigil ni Chesca ang mapatili nang makapasok sa simbahan.

The interior design of the church was the massive yellow fan-like etched on the ceiling. Ang mga bintana at ang kisame sa pinakaharap ay nauukitan ng iba’t-ibang religious representations. Ang krus sa harap ay natatabihan ng iba’t-ibang rebulto ng mga santo. Napakarami pang bulaklak ang nakalapag sa harap ng altar na nakasisiyang pagmasdan.

In short, the church was simply marvelous! She immediately fell in love with it!

“So…?” wika ni Caige na nakasunod sa kanyang likuran.

“God, Caige! What a sight!” parang maiiyak na sambit niya.

She really has a fascination for churches! Lumaki kasi siyang relihiyosa at gustong-gusto niyang nabibisita sa iba’t-ibang simbahan. Marami na siyang napuntahan but this one is excellently stunning. Just by the ambiance of the church made her at peace.

“Dito ikinasal ang si Lolo Teodolo at Lola Feling. Maraming mga magkasintahan ang gustong magpakasal dito. May mga naririnig akong kasabihan na lahat nang nagpapakasal dito, talagang hanggang kamatayan ang pagmamahalan,” nakangiting pagpapaalam ni Caige sa kanya.

“Do you want to be married here?” wala sa loob na tanong niya.

“Depende kung saan mo gusto.”

“Ha?” Napalingon siya kay Caige.

Mabilis itong nag-iwas ng tingin.

“Depende kung saan gusto nang mapapangasawa ko.”

Ah. Nagkamali lang nga siya nang dinig.

Naglakad si Chesca patungo sa mga upuan at lumuhod sa altar. Taimtim siyang pumikit at sinimulan ang tahimik na pagdadasal. Nang dumilat siya ay nagulat pa si Chesca nang mapansing nakaluhod din pala sa tabi niya si Caige at nagdadasal.

Hinayaan niya ang mga matang pagmasdan ang nakapikit na binata. Kitang-kita ang mahahaba nitong pilik-mata at madepinang panga. He really looked so gorgeous whatever angle it is.

Nang dumilat ito ay mabilis niyang ibinaling ang tingin sa harap.

“Ano’ng pinagdasal mo?”

“Na sana matupad ang mga dasal mo,” sagot nito.

Lumingon siya kay Caige at saktong nakatingin lang din ito sa kanya. Hindi niya maiwasang analisahin ulit ang nangyayari sa kanila. Alright, umamin na nga si Caige na gusto siya nito. And then what? What are they now? Are they officially together? Friends with benefits? Sa totoo lang kasi, hindi na sila mga bata upang magtaguan pa nang ganoon.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon