Chapter Seven

492 22 0
                                    

“BAKIT tayo nago-grocery?” tanong ni Chesca habang naglalakad sila ni Caige sa supermarket na malapit lamang sa bahay niya. Doon sila dumeretso pagkatapos niyang kumain.

“Sabi ng ate mo, tayo na raw ang mag-grocery. Wala na raw kasi kayong stock ng pagkain,” tugon ni Caige habang tinutulak ang cart nila patungo sa meat section.

Tumaas ang isang kilay niya kasabay nang pagnguso. Naubusan ng stock? Kaka-grocery lamang nila ng kapatid noong isang araw kaya’t imposibleng wala nang makakain sa bahay nila!

Her sister is obviously up for something else. Halatang nagsisimula na itong magpaka- “Cupid” sa kanilang dalawa ni Caige. Napaka-advance kasi ng utak ng Ate niya dahil kung ano-ano ang pinag-iiisip nito kahit pa wala namang katotohanan.

Gayunman, hindi na niya 'yon sinabi kay Caige dahil mukha itong engganyong-engganyo sa pamimili.

Oo. Engganyong-engganyo ka pati na panoorin siya. Singit ng kanyang isip. Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo para mabura ang kalokohang 'yon.

“Bakit ikaw pa? Kaya ko naman mag-isa.”

“Bakit naman kita hahayaang mag-isa kung nandito naman ako para samahan ka?” sagot ni Caige na walang ano-ano ay nagpatalon sa puso niya. Parang iba ang pakahulugan niya sa sinabi nito.

Buti na lamang at abala ito sa pagsipat ng mga karne kaya hindi nito mapapansin kung namumula man siya ngayon.

“Saka wala naman akong gagawin ngayon. Leave this to me,” dugtong nito. Amuse na amuse pa rin siya sa panonood sa galaw ni Caige. Bihira naman kasi siyang makakita ng lalaking tila expert na expert sa pamimili ng grocery.

Nang mag-angat siya ng tingin sa saleslady na nagbabantay doon ay halos matunaw na si Caige sa ginagawa nitong pagtitig. Ngiting-ngiti pa ang kalahi niya na tila gustong kainin ng buhay si Caige. Sa kung anong kadahilanan ay bigla siyang nainis.

“Grocery, ha? Eh, nagpapa-cute ka lang yata sa mga babae dito, eh,” Napangiwi si Chesca sa tono ng kanyang boses. Sa halip kasi na nang-aasar na tono ang gawin niya ay tila galit pa 'yon.

Nag-angat ng tingin sa kanya si Caige nang mailagay nito sa cart ang karne. Kumunot ang noo nito. “Ha? Anong nagpapa-cute? Kanino? Wala nga akong kinakausap na iba bukod sa’yo.”

Nag-iwas siya ng tingin dahil sa pagkapahiya.

Okay, she should calm down. She should stop being unreasonable. Sanay na sanay na siya na hinahabol ng tingin si Caige kahit saan man sila magpunta. Hindi naman niya masisisi ang mga babae dahil napakaguwapo naman talaga ni Caige at malakas ang appeal nito. Hindi na dapat siya maapektuhan.

Hell, she shouldn’t be affected at all! Gawain lang 'yon ng mga babaeng… ng mga babaeng…

“Nagseselos ka ba, Chesca?” muling sambit ni Caige na parang sumagot sa tanong sa isip niya. Naglalaro ang pilyong ngiti sa mga labi nito.

Matigas siyang umiling at tinalikuran ito. Para siyang hinahabol ng sampung demonyo sa bilis niyang maglakad na parang ikamamatay niya kapag huminto siya. But it was really hard to stay away from demons dahil hayun at muntik na nga siyang atakihin sa puso sa biglaang kabog ng kanyang dibdib nang maramdaman ang pagpigil ng mainit na kamay sa kanyang braso.

“C’mon, Chesca. It was just a ‘yes’ or ‘no’ question. Bakit nananakbo ka na?” nakangising tanong ni Caige na halatang inaasar siya. Pinalis niya ang kamay nito pero muli rin nito 'yong ibinalik. At sa pagkakataong 'yon ay kamay na talaga niya ang hawak ng mga kamay nito.

“M-may… May hahanapin akong item,” pagdadahilan niya. Her heart is thumping like crazy at hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang reaksyon niya sa simpleng pagkakadaop ng kanilang mga kamay.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon