Chapter Twenty-Six

393 18 0
                                    

NAKATINGIN lamang si Chesca sa malawak na hardin habang nakaupo sa isang bench na nasa gitna ng garden. Buti na lamang at may mga bulaklak sa paligid kaya’t kahit papaano ay nakakalma ang kanyang kalooban. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ng mga kamag-anak ni Caige sa pagwo-walk out niya but she wanted to be alone. Salamat na lamang at walang sumunod sa kanya para mag-usisa dahil hindi alam ni Chesca kung ano ang sasabihin niya kung sakali.

Nasa ganoong lagay siya nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng kanyang pantalon. Kinuha niya 'yon at agad na sinagot nang makita kung sino ang tumatawag.

“Jayth,” She called out. Kay Jayth niya nalaman na bumalik na sa Pilipinas si Caige dahil nakita raw nito 'yon sa diyaryo. Kaya bago pa man ikumpirma ni Janelle na darating ang pinsan nito sa kaarawan ni Lolo Teodolo ay natunugan na niya 'yon.

“Chesca, how are you doing? How is everything going?”

“Toxic,” matipid niyang sagot bago bumuntong-hininga. Bukod kay Donna at kay Ate Chelle, alam din ni Jayth ang tungkol sa kanila ni Caige. “He’s here.”

“And?”

“What do you expect?” malungkot niyang balik-tanong bago pumeke ng tawa. Narinig ni Chesca ang mga pagkaluskos sa kabilang linya bago niya narinig ang pagsasalita nila Donna at ng kanyang kapatid. Hula niya ay ni-loud speaker ng magaling niyang pinsan ang phone nito.

“Gusto mo bang i-rescue kita diyan?” Boses 'yon ni Donna. “Mag-isa ka lang diyan. Baka apihin ka.”

Hindi niya napigilan ang matawa. “Wala silang gagawing masama sa akin. You can calm down now.”

“Hindi mo pa siya nakakausap?” singit naman ni Ate Chelle sa seryosong boses.

“Hindi pa. At hindi ko alam kung mabibigyan niya ako ng pagkakataon para makausap siya,” She felt her eyes watered. Agad tumingala si Chesca upang hindi matuloy ang nakaambang pagluha. “Pero, okay lang ako, Ate. Kaya ko na ito,” Hindi alam ni Chesca kung pagpapakampante niya 'yon sa kapatid o para sa kanyang sarili.

“I know. Just be smart enough to stop when the pain is already consuming you. Ingatan mo rin ang sarili mo. Umuwi ka na lang kaya?” suhestiyon ng kapatid.

Matigas siyang napailing kahit hindi nito 'yon nakikita. She can’t go home yet. Kailangan niyang sulitin ang tatlong araw para man lang makausap si Caige at makapagpaliwanag. Hindi niya alam kung paano 'yon gagawin pero hindi siya pwedeng umalis sa lugar na 'yon nang walang anumang nagagawa para kay Caige. Kahit hindi na nito kailangan ng explanation ay gusto niyang marinig pa rin nito ang kanyang mga dahilan. And that’s when she’ll decide what to do next.

“I can’t. Three days lang naman ako dito, Ate. Mabilis lang 'yon,” aniya. “Saka—“ Napatigil si Chesca nang makarinig ng malakas na pagtikhim sa kanyang likuran. Walang paalam na in-end niya ang tawag at tumingin sa likuran. Nakahalukipkip na nakatayo doon si Caige at seryosong nakatingin sa kanya. Nang maglakad ito papalapit ay muli na namang naramdaman ni Chesca ang kung anong paghaklit sa kanyang puso.

“Am I interrupting something?” pormal na tanong nito. Damn. People say that love is always a wonderful feeling. Pero bakit ganito kasakit? Hindi niya inakalang may ganitong klaseng sakit. Iyong pakiramdam na tingnan lamang at marinig lamang niya si Caige ay nasasaktan na siya.

Calm down, heart. You already saw this coming. Pagpapakalma niya sa sarili.

Marahan siyang umiling. Tila napako siya sa kinauupuan at kapag tumayo siya ay manghihina naman ang mga tuhod niya. Pumuwesto si Caige sa gilid ng bench. Dahil blangko ang ekspresyon nito ay hindi niya mahulaan kung ano ang itinatakbo ng isip ng binata. Walang anumang recognition sa mga mata nito pero kahit papaano ay nakaramdam siya ng relief dahil ito ang unang nag-approach sa kanya. Whatever the reason might be, he was the one to start the conversation.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon