Chapter Three

650 22 0
                                    

“KAPATID, may hindi ka sinasabi sa akin.”

Napatigil sa pagnguya ng Piattos si Chesca nang magsalita ang kanyang Ate Chelle habang nanonood sila ng TV. Umayos siya ng pagkakaupo sa sofa at binalingan ito na nasa tabi niya. Sa kaseryosohan na mababanaag sa mukha ng kanyang kapatid ay parang alam na ni Chesca kung ano ang tinutukoy nito.

“Na ano?”

“Break na raw kayo ni Chain.” Hindi 'yon tanong kundi kumpirmasyon.

I knew it. Tumango-tango siya at ibinalik ang tingin sa telebisyon. Hangga’t maaari ay ayaw niyang alalahanin 'yon dahil bumabalik ang pamilyar na kirot sa kanyang dibdib. Pero mukhang desidido ang ate niya na malaman ang buong istorya dahil inagaw nito ang remote na nasa kanyang kamay at in-off ang TV.

Naipakilala niya na noon si Chain sa kanyang kapatid. Ilang beses na nga rin na nagkita ang mga ito. And from the way she looked it before, gusto naman ni Ate Chelle si Chain para sa kanya. Her sister never interfered with their relationship but she can feel her support.

But some things weren’t meant to stay the way it is. Because just like seasons, people change, and feelings fade. And so did Chain.

“Kung hindi pa sinabi sa akin ni Donna, hindi ko pa malalaman,” wika nito na may himig nang pagtatampo. Huminga siya ng malalim at humarap sa kapatid. Nag-indian sit siya. Magkakilala na ito at ang kaibigan niya dahil madalas na pumupunta sa kanila si Donna. Naging malapit na nga rin ito sa ate niya. Kulang na lang ay ampunin na ng Ate niya si Donna.

“Ayokong mag-alala ka, Ate. Marami ka nang iniisip. Ayoko nang makadagdag,” mahinahong paliwanag niya.

Sumimangot ito. “You know you’re my first priority, sis. Akala ko ba wala dapat tayong secrets? Bakit may ganito?”

Nakonsensya si Chesca sa sinabi ng kapatid. Tama naman ito. Simula noong naiwan silang dalawa, nangako sila sa isa’t-isa na magiging open at magdadamayan sa lahat ng bagay—masaya man o malungkot. She lets her sister knew the details of everything that happened in her life. Pero pinili niya munang maglihim sa kapatid dahil ayaw ni Chesca na pag-aalahanin pa ito.

“Sorry, Ate. Ayoko lang na mag-alala ka pa.”

“Of course, mag-aalala ako, Ches. You’re my sister. What do you expect? Ingat na ingat nga ako sa’yo tapos paiiyakin ka lang ng iba?”

Umisod siya palapit sa kapatid at mahigpit itong niyakap. She was touched by her sister’s words. “Sorry na.”

Gumanti ng yakap ang kanyang kapatid at hinagod ang buhok niya pababa sa likod. “Okay. Just tell me what happened.”

Kumalas si Chesca sa pagkakayakap sa kapatid. Bumuntong-hininga siya at sinimulang ikuwento ang mga nangyari noong nakaraang araw. Tahimik lamang na nakikinig ang ate niya hanggang sa matapos siyang magkuwento.

Surprisingly, she didn’t cry though she felt like doing so. Tila napagod na ang mga mata niya sa pag-iyak dahil walang mga luhang nalaglag mula roon. She thought it was more okay not to cry. Pero na-realize niya na mas maganda pala na iniiyak ang sakit para kahit papaano ay makabawas 'yon sa bigat ng dibdib. Dahil sa pagkakataong 'yon ay naiipon ang sakit sa loob niya at wala siyang choice kundi tiisin 'yon.

And that’s the cruelest thing about pain. It was created to be felt. 'Yong tipong paulit-ulit kang sinasaksak pero buhay ka pa rin at nararamdaman mo ang bawat kirot. Eventually, you’ll get torn between choosing to die to feel the pain no more or live and wait for the pain to subside.

“So, hinayaan mo na? You could have done something, you know,” komento ng kapatid niya makalipas ang ilang sandali na pananahimik nito.

“I am not going to beg again, Ate Chelle,” kagyat niyang sagot kasabay nang mariing pag-iling. “Ayokong makakita ng mga taong kakaawaan lang ako ulit.”

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon