Chapter Thirty-Seven

560 20 0
                                    

PARANG minamaso ang ulo ni Caige nang magising siya kinabukasan. Pakiramdam niya ay may bloke-blokeng hollowblocks na nakadagan sa kanyang ulo. Halos wala na siyang maalala sa nangyari kagabi. Ang natatandaan lamang ni Caige ay uminom lamang siya ng alak katulad noong mga nagdaang araw ngunit mukhang naparami siya ng inom kagabi kaya ganoon katindi ang hangover niya.

Pinilit ni Caige na bumangon nang marinig ang tawanan na sa palagay niya ay nagmumula sa hapag. Mabilis lamang siyang nag-shower bago bumaba ng kuwarto. Natigil siya sa paglalakad nang makita ang kanyang ina na kumakain kasama si Miley habang nagkukuwentuhan ang dalawa. Wala na si Kuya Rolf at malamang ay nasa trabaho na ito.

“'Ma,” bati niya bago lumapit sa ina at hinalikan ito sa noo. “Kailan ka pa bumalik? Hindi ka man lang nagpasabi, ah.”

“Well, I did this to surprise you. Effective naman ba?” biro ng kanyang ina na ikinangiti niya. “Si Miley ang nagsundo sa akin kanina kasi tulog ka pa raw.” Lumingon siya kay Miley na matipid lamang na ngumiti habang kumakain nagpapalaman ng bacon sa sandwich nito. Kumunot ang noo niya sa inasal nito. He couldn’t point it out pero nararamdaman niyang may mali ngayon kay Miley. Lalo na nang tumayo ito kapagkuwan.

“May lakad pa ako. Aalis muna ako saglit, tita,” paalam ni Miley sa kanyang ina bago siya binalingan. “Nasa kusina 'yong gamot para sa sakit ng ulo mo, Caige. Inumin mo iyon pagkatapos mong kumain,” seryosong bilin nito sa kanya bago sila tinalikuran. Kunot-noong sinundan ni Caige ng tingin si Miley.

“May problema ba siya?” tanong ni Caige sa ina bago siya umupo sa harap nito at kumuha ng sandwich na nakahain.

Nagkibit-balikat ang ina niya. “Kayo ang laging magkasama. Dapat alam mo.”

Saglit na hindi nakakibo si Caige bago inalis sa isip ang anumang pagkabagabag. “How are you, mom? How was the flight? Bakit pala bigla kang napadalaw dito?”

“Na-miss ko lang kayo ni Rolf. I want to see how the two of you are doing,” nakangiting sagot ng kanyang ina.

“How are the businesses there?”

“Oh! It’s doing good! May mga maaasahan namang tao doon kaya hindi ako nahihirapan,” sagot ng kanyang ina bago ito nag-iwas ng tingin. Her mother seemed bothered by something. Of course, he could easily recognize that. He wasn’t her son for nothing.

“What’s wrong, mom?” nananantiyang tanong niya, pilit na hinuhuli ang tingin nito. Just by looking at his mother, mukhang may ideya na siya kung ano ang dapat nilang pag-usapan.

Tumikhim si Mama Elizabeth bago siya hinarap. “This is long overdue, son. Wala rin naman akong reklamo sa inyong dalawa ni Miley. But my conscience won’t stop bugging me if I won’t tell this thing to you.”

“Na kinausap niyo si Chesca dati kaya siya lumayo? Is that it?” he inquired. Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mama Elizabeth dahil sa sinabi niya. Her reaction already showed that he was right.

“Paano mo nalaman?”

“Nagkausap na kami ni Chesca, 'ma. Actually, she’s our wedding planner before,” aniya habang pilit na inaalis ang maamong mukha ng dalaga na nagsusumiksik sa kanyang isip. Ngunit katulad noong mga nakaraang araw, his effort to forget her was very futile. Pakiramdam ni Caige, lahat nang nangyayari ngayon ay hindi na tama. “Why, 'ma? Why did you let me hate her all those time?” Hindi maiwasang malangkapan ng hinanakit ang tono ng kanyang boses. Of all people, his mother was the least person he expected to do something like that.

“Kung sinabi ko sa’yo ang tungkol doon, papayag ka ba? Will you go with me?”

No. His mind answered curtly. Ni minsan ay hindi man lamang niya naisip na iwan ang dalaga. Kung kaya nitong magsakripisyo para sa kanya, he can’t. He was willing to gamble everything to have her stay by his side. Letting go wouldn’t be one of his choices. He might be able to think of any amends, kaya lang ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon