NANG makarating sila Chesca at Caige sa restaurant ay nananatiling tahimik ang dalaga. Hindi pa rin kasi matanggal sa kanyang utak ang iniisip na kahalayan kanina.
Having this date with Caige was one thing. And being anticipated with his kiss is one heck of another issue. Nakakahiya kay Caige kung malalaman nito ang tumatakbo sa isip niya ngayon. Hindi 'yon “normal na ideya” para sa ipinagpipilitan niyang “friendly date”.
Pero anak ng pitumpu’t-pitong puting pating! Bakit ba siya na-e-excite sa imahinasyong mahalikan ang binata? God! There must be really something wrong with her!
Okay, okay. Erase. Erase. Paulit-ulit niyang chant sa sarili.
“Chesca, okay ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?” pukaw ni Caige sa kanya. Malamlam ang mga mata ng binatang nakatunghay sa kanya at bakas ang pag-aalala sa mukha.
“Ha? Oo naman. May naalala lang ako,” nakangiting tugon niya. Palihim na kinalma ni Chesca ang sarili at inalis sa isip ang kalokohan na tumatakbo doon.
“So… shall we order now?” tanong ni Caige na ikinatango niya lang. She was occupied. Halos walang ibang tumitimo sa kanyang utak sa sobrang gulo ng mga himulmol niyon. The last time she felt like this was when…
Kailan nga ba? Naging occupied din naman siya noon kay Chain pero hindi ganito. Hindi 'yong bawat pagsasalubong ng tingin nila ni Chain ay parang sinisilaban ang puwit niya dahil hindi siya mapakali. She became like this for the past few days. It seemed like she woke up one day and she just saw Caige in a different light.
Pero dahil ayaw niyang pumuna ng mga pagbabago, hindi na lamang niya 'yon pinapansin. Ayaw din niyang pansinin.
Tinawag ni Caige ang isang babaeng paikot-ikot sa mga table doon. Lumapit ang isang petite, maputi, at chinitang babae na kitang-kita ang paghanga sa mga mata habang nakatingin kay Caige. Inipit pa nito ang takas ng buhok sa likod ng tainga. The woman almost drooled in front of them. Hayagan nitong ipinapakita ang interes kay Caige. For some reason, she wanted to butt in and inform the waitress that she is Caige’s date.
Sinasabi na nga ba niya! Wrong idea talaga ang pagpayag sa paraan ni Caige para makabayad ng mga utang niya. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa kanyang isip ngayon!
Agad niyang ipinilig ang ulo at sinaway ang sarili. Kailan pa siya naging possessive sa bagay na hindi kanya?
Well, she hadn’t been possessive at all. Kahit kay Chain. Sa sobrang pagtitiwala niya sa dating nobyo ay hinahayaan niya ito sa mga gustong gawin. Paano pa kaya kay Caige na kaibigan lang naman niya? And besides, hindi naman 'yon ang unang pagkakataon na nakita niyang may nagpapa-cute kay Caige. He is a walking magnet for women. What’s new now?
Siguro dahil inamin mo kanina sa sarili mo na nagugustuhan mo siya. That makes a lot of difference. Sagot ng kanyang isip.
“Ano’ng order mo?” tanong ni Caige sa kanya. Tumingin siya sa hawak na menu. Napataas ang kanyang kilay bago nagkunot-noo nang mabasa ang mga dishes na nakalista.
Grilled Halibut with Peach and Pepper Salsa
Bourbon-Glazed Salmon
Southwestern-Style Shrimp Taco Salad
Seared Scallops with Warm Tuscan Beans
Mussels in Tomato-Wine Broth“I’ll just get a water,” wala sa loob na nasambit niya bago ibinaba ang menu at hindi na binasa.
Pati ba naman mga pangalan ng pagkain ay komplikado na rin? Ni wala siyang naintindihang putahe sa mga naroon. Sa mga pangalan pa lang ng pagkain ay halatang hindi biro ang mga halaga niyon. Baka mauwi pa siya sa paghuhugas ng mga pinggan o kaya ay mag-community service.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...