Chapter Twenty-Four

411 20 0
                                    

“INVITATION? Para saan?” kunot-noong tanong ni Chesca kay Janelle nang pumasok ito sa photoshoot studio habang break time nila. Isang kilalang clothing line kasi ang kumuha sa mga resident models ng Girlfriends bilang endorser ng mga branded clothes. At dahil empleyado na nga si Janelle ng Rising Star ay malaya itong lumapit at makipag-usap sa kanya, besides the fact that they really knew each other personally. In-excuse siya ni Janelle mula sa mga co-models at kinausap sa isang tabi.

“Do you still remember Lolo Teodolo?” nakangiting tanong ni Janelle.

Natawa siya dito. “Oo naman. Ano bang klaseng tanong 'yan?”

Pumalakpak si Janelle at hinawakan ang kanyang mga kamay. “Oh, great! Isi-celebrate kasi niya ang birthday niya next week sa Marinduque. Iimbitahan sana kitang pumunta. Lolo Teodolo would definitely be happy.”

Hindi kaagad nakahuma si Chesca sa paanyaya ni Janelle. Hindi niya naitago ang pagkabigla. It has been so long since her first and last visit at Marinduque. At parang hindi naman maganda na pumunta si Chesca roon lalo na at wala na rin naman siyang koneksyon kay Caige. Isa pa, batid niyang alam ng mga kamag-anak ni Caige ang tungkol sa hindi magandang paghihiwalay nila noon. Malapit si Caige sa mga kamag-anak nito kaya hindi na kataka-taka kung alam na ng mga ito ang tungkol doon lalo pa’t parang broadcaster din si Janelle.

“I… don’t think I could go,” Dahan-dahan siyang umiling. “Ano naman ang gagawin ko doon? It’s a family celebration. Ayokong maging gatecrasher,” natatawa niyang tugon.

Ngumuso si Janelle at nagmamakaawa siyang tiningnan. “Oh, c’mon, Ate Chesca. We already labeled you as a part of the family. Kahit pa, well, tapos na kayo ni Kuya Caige, hindi naman ibig sabihin niyon na pati kami, buburahin mo na rin sa buhay mo, 'di ba?”

Hindi ko man lang nagawang burahin si Caige sa buhay ko. Ngalingali niyang sabihin ngunit mariing itinikom na lamang ni Chesca ang bibig.

“Please, Ate Chesca?” Janelle looked at her with puppy eyes. “Actually, pinapaimbita ka rin sa akin ni Lolo. Can you really say ‘no’ to him? He’s old at gusto lang niyang makasama ang mga taong importante sa kanya bago tumunog ang alarm clock niya sa itaas,” pangongonsensya pa ng magaling na si Janelle na parang siya talaga ang lalabas na masama at walang konsensya kapag tinanggihan niya ang pamba-blackmail nito.

Huminga siya ng malalim at itinaas ang dalawang kamay. “Alright. I’ll come."

Napa-“yes” si Janelle at mahigpit siyang dinaluhong ng yakap. Yeah, right. She was totally cornered! Sana lang ay hindi niya pagsisihan ang desisyon.

“PUPUNTA ka sa probinsya ni Caige? Bakit?” nanlalaki ang mga matang tanong ng kaibigang si Donna nang ikuwento niya ang tungkol sa imbitasyon ng pinsan ni Caige na si Janelle na hindi niya nagawang tanggihan. Maayos pa rin ang samahan nila ng kaibigan kahit pa nagtampo si Donna noon sa kanya nang putulin niya ang komunikasyon dito para lang wala siyang marinig na balita tungkol kay Caige. Mas lalo nga silang naging malapit ngayon dahil pareho silang wedding organizer ng kaibigan sa boutique nito.

“Birthday kasi ng lolo niya. Inimbitahan ako. Hindi ko naman magawang tumanggi. I don’t want to disappoint him,” pagtatanggol niya sa sarili. Malamang kasi ay iniisip ni Donna na pupunta siya sa Marinduque para makita si Caige. Well, hindi niya alam kung dadalo nga rin ba ang binata. Pero kung ganoon nga, hindi niya pa alam ang gagawin kung muli silang magkita pagkalipas ng limang taon. Duda rin siya kung magagawa man lang siyang pansinin ni Caige matapos ang lahat nang nangyari.

“Nandoon ba si Caige?” tanong naman ng pinsang si Jayth habang karga nito si Keyjie na apat na buwang gulang na.

Nagkibit-balikat siya habang nakatingin sa sanggol. “I don’t know. Hindi ko na tinanong sa pinsan niya. Besides, what difference it could make? Nandoon man siya o wala, he’s still mad at me,” Nalungkot siya sa sariling sagot. Ngunit tila bula na nawala ang anumang pighati sa puso ni Chesca nang ngumiti si Keyjie.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon