Chapter Twenty-One

421 17 4
                                    

“SIGURADO ka na bang gusto mong gawin natin ito?”

Nag-angat ng tingin si Chesca sa kapatid mula sa pag-iimpake ng mga gamit. Tatlong araw nilang inasikaso ng kanyang ate ang lahat nang kailangang gawin sa paglilipat dahil naayos na naman ng ina ni Caige ang lahat. Nag-drop na siya sa St. Emiliani at sinabing kailangan niyang mag-transfer sa ibang university. Even her sister filed a resignation letter sa pinagtatrabahuhan nito. At ang bahay na ipinundar ng ate niya ay pauupahan na lamang nila. And she felt bad for putting her sister through this. Pero wala na siyang choice. Kailangan niya itong gawin.

Sa loob ng tatlong araw na 'yon ay iniwasan niya si Caige. Hindi siya sumasagot sa mga tawag at text nito kahit pa ang totoo ay kating-kati na siyang kausapin ang binata. Kapag pumupunta ito sa bahay nila ay hindi niya ito hinaharap at gumagawa na lamang ng napakaraming excuses. Nang malaman ng ate niya ang tungkol sa naging pag-uusap niya at ng ina ni Caige ay nagalit ito. Hindi raw dapat siya magsinungaling kay Caige kung pwede namang sabay nilang harapin 'yon. Pero paano? Ni ayaw nga siyang lubayan ni Caige. Paano pa kung pupunta ito sa ibang bansa at iwan siya ng matagal? Maaaring gumana ang long-distance relationship sa kanila ni Caige pero hanggang kailan? Baka hindi rin makapag-focus si Caige sa mga bagay na dapat nitong pagtuunan ng pansin dahil sa sobrang pag-iisip nito sa kanya. At ayaw niyang mangyari iyon.

She explained everything to her sister. Kahit pa kontra ito, sa huli ay naintindihan din nito ang gusto niyang iparating. At kahit pwede naman itong maiwan at siya ang lalayo, lubos itong tumutol. Kung nasaan daw siya ay naroon din ito. They shouldn’t be apart. And she’s grateful to her sister for being understanding.

“I need to do this, Ate,” aniya sa pilit na pinatatag na boses. Ngayong gabi ang alis nila patungong Sagada. May susundo sa kanilang sasakyan na ipinadala ng ina ni Caige na maghahatid patungo doon.

“Don’t you think it would be unfair to him?”

“Mas mahihirapan siya kapag hindi ko ito ginawa, Ate.”

Pumikit siya nang mariin nang maramdaman ang pamamasa ng mga mata. May mga pagkakataon talagang kahit may mga pwede kang pagpilian, mauuwi pa rin ang lahat sa sakit. Maaari niyang ipaglaban si Caige katulad nang ginagawa nito ngunit paano sa huli? She could give all her love for him. Pero hindi iyon sasapat. Kailangan niyang buksan ang isip na magkaiba ang mundo nila ni Caige. And they are still young. Life would always get in the way. She couldn’t restrain him from the things that was for him. Hindi na baleng masaktan siya basta makita lamang na nasa ayos ang buhay at pangarap nito. Sometimes, choosing the right thing could actually break you. You just have to make that right thing worth it to be chosen. And for the love she had, she knew that letting go is the right thing.

She knew he also had to let her go. She just hoped that he will understand everything in time. Kailangan niya munang isugal ang sarili para sa kapakanan ng taong minamahal.

“Sana lang hindi mo pagsisihan ang desisyon mo, Chesca. Because once you stand by this, marami kang consequences na dapat harapin. At isa na doon ang mawala si Caige sa buhay mo.”

Kahit nang makalabas na si Ate Chelle ay nananatili pa rin siyang nakatingin sa kawalan. Tama ang kapatid niya. Sa oras pa lamang na magdesisyon siya para sa kanilang dalawa, she knew she already lost him. If it’s Caige, hinding-hindi ito papayag sa pinili niya. He would do everything and risk all just for them to happen. Siguro nga maaaring may pag-asa naman. Knowing Caige, he would try every way possible to hold both things at once. It maybe would work. Ngunit hindi lahat nang pag-asa ay dapat na ipinipilit. At some point, what hurts the most is the best option.

“A-ano po ang dapat kong gawin para s-sumama siya sa inyo?” tanong niya sa ina ni Caige nang makapagdesisyon.

Mukhang hindi naman inasahan ng ginang ang pagpayag niya sa gusto nitong mangyari. She didn’t know if she saw an admiration on her eyes. Ang akala marahil ng ginang ay hindi siya makakapayag sa hinihingi nito. But Miss Elizabeth should know that her decision was the extent of her love for her son. Na hindi niya gustong mahirapan si Caige dahil sa pagmamahal sa kanya. Na kahit alam niyang magagalit si Caige ay papanindigan niya ang desisyon dahil 'yon ang makakabuti para dito. Miss Elizabeth should learn that the love she has for Caige is deeper than what she think it is. Dahil kung hindi, nuncang papayag siya na mawala si Caige sa kanyang tabi para sa sariling kapakanan.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon