Chapter Thirty-Four

444 21 5
                                    

“I’M NOT blind, Caige. Nakikita ko kung ano ang nangyayari.”

Nabitin sa ere ang pagtungga ni Caige sa hawak na kopita nang marinig ang sinabi ni Kuya Rolf. Dumeretso sila sa bar counter na nasa kitchen. Si Kuya Rolf pa mismo ang kumuha ng mga inumin sa ref at inilatag 'yon sa kanilang harap. Nakaupo ito sa tapat niya at matamang nakatingin sa kanya habang nakapatong ang dalawang siko sa counter.

“What do you mean?”

“Alam kong alam mo kung ano ang tinutukoy ko. What happened to you? Ano ba ang ginagawa mo? Hanggang hukay mo ba dadalhin iyang pride mo para sa isang babaeng walang ibang ginusto kundi ang mapakinggan mo?” sermon ni Kuya Rolf na agad niyang naintindihan.

Sarkastiko siyang ngumiti. “Ano ba ang dapat kong gawin, Kuya Rolf? Ang lumuhod sa harap niya dahil sa wakas nagpakita siya ulit sa akin katulad nang ginusto kong mangyari noon? Ganoon ba ang gusto mong makita? You knew how devastated I was when she left me. Nandoon ka ng mga panahon na 'yon. I surpassed those moments of hell. Tapos ngayon babalik siya nang ganoon na lang at gusto mong makinig ako?” naiinis niyang sagot. Parang sinasabi kasi ni Kuya Rolf sa kanya na siya pa rin ang mali ngayon. Siya ang may kasalanan ng lahat. At kahit ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa bagay na 'yon ay hindi mapigil ni Caige ang unti-unting pagdaloy ng mga masasakit na alaala na pilit niyang ikinubli sa loob ng mahabang panahon.

Kasama niya si Kuya Rolf noon and his brother saw how much he was ruined because of love. He grew tired and slowly accepted the fact that she didn’t love him at all. Napagod siyang umasa at maghintay. Tapos ngayong nakahanap na siya ng ibang babae na siguradong hindi gagawin sa kanya ang ginawa ni Chesca, bigla na lang itong babalik?

“But that doesn’t gave you the right to treat her like this. Baka nakakalimutan mo na minsan sa buhay mo, halos ikamatay mo nang mawala siya. Are you really happy to see her suffer because she was doing all of these to make you believe of something you didn’t even want to hear? Ito ba ang gusto mong mangyari? Ang pahirapan siya? Does this make you feel satisfied? Na sa wakas ay nararamdaman niya ang lahat nang ipinaramdam mo sa kanya noon? Is that it, Caige?” disappointed na tugon sa kanya ni Kuya Rolf. He knew his brother is watching him all the while.

“She hurt me, Kuya Rolf. I didn’t please her to do anything. Ni hindi ko na nga hiniling na bumalik pa siya. I am not making her suffer. I just…” Naputol siya sa pagsasalita. Ano nga ba ang ginagawa niya ngayon?

“Just what? She hurt you, Caige. Naiintindihan ko 'yon. At nakukuha ko rin ang punto kung bakit ka ganyan ngayon. Everybody has gone through something that has changed them in a way that they could never go back to the person they once were. Alam ko 'yon. At hindi rin ako natuwa nang makita kitang halos masira na ang buhay noon. Hindi man tayo magkasamang lumaki, kapatid pa rin kita. Pero masaya ka ba ngayon sa ginagawa mong pagganti sa kanya? Kung masaya ka ngayon na nakikita siyang nahihirapan dahil sa’yo, then answer me directly,” hamon ng kapatid sa kanya. Hindi kaagad siya nakasagot at piniling tumungga ng alak.

“I saw her cry this afternoon, Caige. I saw her broke down in front of me. Ako ang naabutan niya kaninang hapon at ako ang nagpapasok sa kanya dito. May usapan daw kayo na ngayong araw makikipagkita sa designer ng mga damit na gagamitin para sa kasal mo. Nakatulog na lang siya sa paghihintay sa’yo pero hindi ka dumating. I was trying to ask her to go home but she said she wanted to wait. Tinanong ko siya kung hindi siya napapagod pero alam mo ba ang isinagot niya? She was too tired but your forgiveness is all it takes to freed her from everything.

“Iniwan ka niya na ang alam mo, hindi ka niya nagawang mahalin. Pero sa kabila nang pag-iisip mo ng bagay na 'yon, hinintay mo pa rin siya. Minahal mo pa rin siya. What change does it makes now? Naniniwala ka bang niloko ka lang niya at pinaasa? Be a man, Caige! Stop being a chicken!” Kulang na lang ay sapakin siya ng kapatid para lang maintindihan niya ang mga sinasabi nito.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon