Chapter Twenty-Nine

404 16 2
                                    

PAGOD na pagod si Chesca nang makauwi siya galing sa photoshoot. Maraming takes pa kasi ang nangyari lalo na at kasabayan nila ang newbie models na halatang nasa training stage pa. Inaantok na rin siya at ang gusto na lamang niyang gawin ngayon ay ang humilata.

Nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya nang makita ang dalawang malaking maleta sa sala. Wala naman siyang natatandaang aalis ang kanyang kapatid kaya’t imposibleng ito ang may-ari niyon. As if to answer her question, nakarinig siya nang pagtatawanan mula sa kusina. Doon siya dumiretso.

Saying she was shocked was an understatement. Ilang beses siyang kumurap upang masigurado na hindi siya dinadaya ng paningin. Tinitigan niyang mabuti ang babae na katawanan ni Ate Chelle. Naka-side view ito ngunit hindi siya maaaring magkamali. Hindi siya matandain sa mga pangalan pero madali siyang makaalala ng itsura. Lalo pa at kung may malaking epekto ang taong iyon sa kanya.

Miley… Ano ang ginagawa ng fiancée ni Caige sa bahay nila?

“Chesca! You’re already here!” salubong ni Ate Chelle nang maramdaman nito ang kanyang presensya. Lumingon si Miley sa kanya at malawak na ngumiti. Kahit hindi niya alam kung ano ang nangyayari ay gumanti siya ng pilit na ngumiti. Kunot-noo siyang bumaling sa kapatid sa nagtatanong na mga mata. “Oh! Natatandaan mo iyong sinabi ko sa’yo kaninang umaga na dito muna tutuloy pansamantala ang kaibigan ko noong highschool?”

Napaawang ang bibig niya sa realisasyon. Alam niya ang tinutukoy ng kapatid. Sinabi nito na may kaibigan nga raw ito na galing sa ibang bansa na nakasalubong nito sa mall. Naghahanap nang matutuluyan ang kaibigan nito at nagprisinta naman ang ate niya. Wala namang problema iyon sa kanya. But what the hell is fate trying to play with her? Sa lahat ng tao ay si Miley pala ang tinutukoy ng kanyang kapatid! What a ridiculous coincidence!

“Chesca, right?” ani Miley bago tumayo at lumapit sa kanya. Napatda siya sa kinatatayuan nang yumakap ito sa kanya. Doon lang siya may napagtanto. Kahit sa Marinduque, magiliw nang makitungo si Miley sa kanya. Ikinagulat niya ang bagay na iyon. Alam kaya nito ang tungkol sa nakaraan nila ni Caige o pinili rin iyong itago ni Caige rito? Maybe, it was the latter. Not to underestimate pero kung alam ni Miley ang tungkol sa nakaraan nila ni Caige, marahil ay magiging ilag ito sa kanya.

“Yeah… Nice meeting you again, Miley,” Kulang na lang ay palakpakan ni Chesca ang sarili dahil nagagawa pa rin niyang magsalita ng hindi nauutal. She could even fake a smile. Sabagay, ilang ngiti na nga ba ang napeke niya mula nang magkahiwalay sila ni Caige? Kung nababayaran lamang ang mga iyon ay milyonarya na siya ngayon. Kahit papaano ay may katotohanan din pala ang binitiwan niyang mga salita noon kay Caige. She was really good at pretending. Kayang-kaya niyang maging masaya kahit ang sakit-sakit na. It was a God’s gift to her.

“Magkakilala kayo?” gulat na tanong ni Ate Chelle bago pinaglipat-lipat ang tingin sa kanila.

Masiglang umabrisete sa kanya si Miley. “Nagkakilala na kami sa Marinduque.”

“H-how?” tanong ni Ate Chelle na sa kanya nakatingin.

“Well, she happened to be a friend of my fiancée,” Napatingin siya kay Miley dahil sa sinabi nito. So, that was it. Kaibigan pala ang pakilala sa kanya ni Caige. At hindi na iyon pinasubalian ng mga kamag-anak nito. It’s okay, though. It’s really… okay.

Damn! Ang plastic mo! Sigaw ng isang bahagi ng kanyang isip.

Nang lumingon si Chesca kay Ate Chelle ay nakita niya ang pagkabahala sa mga mata nito. She just smiled at her to assure her she was okay. Hindi tanga ang kanyang kapatid. Batid niyang kahit hindi sabihin ni Miley kung sino ang fiancée na tinutukoy nito ay alam na kaagad iyon ni Ate Chelle. Besides, her sister might have noticed her reaction a while ago. Kilalang-kilala siya nito.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon