Chapter Sixteen

410 18 0
                                    

“Happy birthday, Lolo Teodolo!”

“Happy birthday, Tatay Teodolo!”

Napangiti si Chesca nang makita ang malawak na pagngiti ng lolo ni Caige nang salubungin nila ito ng malakas at sabay-sabay na pagbati nang lumabas ito mula sa kwarto. Napakaganda ng ngiti nito at maging ang mga mata ay nagningning sa kasiyahan. Muntik na siyang mapatalon nang maramdaman ang kamay na pumulupot sa kanyang baywang. Nalingunan niya si Caige na nakatingin sa lolo nito at mukhang hindi naman alintana ang ginawa nitong paghawak sa kanya na para bang normal na normal na nitong ginagawa 'yon.

“He’s happy,” bulong ni Caige sa kanya.

Tumingin siya sa lolo nito na tumatawa habang kausap ang mga anak at apo nito. Hula pa nga niya ay maiiyak pa si Lolo Teodolo.

“He is. Nandito kayo para sa birthday niya, eh,” aniya.

“Salamat sa pagsama mo sa akin dito,” sambit ni Caige na masuyong nakatingin sa kanya.

Tumango-tango siya at ngumiti. “Sus, wala 'yon. Maliit na bagay lang 'yon.”

“Okay! Kainan na!”  sigaw ng isang pinsan ni Caige.

Sabay-sabay silang nagtungo sa dining room kung saan nakahain ang maraming putahe na tumulong siya sa pagluluto kanina. Saktong lunch time sila natapos at sakto rin na kakagising pa lamang ni Lolo Teodolo.

May malaking tarpaulin na nakasabit sa dingding na may nakasulat na “HAPPY BIRTHDAY, LOLO!” at mga pictures nito na naka-collage. Kung tutuusin, masyadong marami ang handa para sa maliit na salu-salo na gustong mangyari ng lahat. Pero ang gusto ni Lolo Teodolo ay pamilya lamang nito ang makasama para sa sariling kaarawan dahil gusto raw nitong makipag-bonding.

“'Yan si Tatay, ilang beses 'yang na-basted ni Nanay noon. Laging dinadaan si Nanay sa panghaharana at pagdadala ng kung anu-anong bulaklak na nanggaling pa doon sa farm nila,” pambubuking ng panganay na anak ni Lolo Teodolo na si Tito Vin habang masayang nagsasalo-salo ang lahat.

“Eh, syempre! Mahal na mahal ni Tatay si Nanay, eh. Kung sinukuan siya ni Tatay noon, wala tayong lahat dito,” sagot naman ng bunsong anak ni Lolo Teodolo na si Tita Neng na siyang nag-aalaga kay Lolo Teodolo.

Lima ang anak ni Lolo Teodolo at ang ina lamang ni Caige ang hindi nakadalo. Kasa-kasama pa ng mga anak ng matanda ang buong pamilya ng mga ito.

“'Yong kaibigan kasi ni Tatay ang gusto ni Nanay noon. Eh, kaso ayaw no’ng kaibigan ni Tatay kay Nanay. Kaya ayun, naging knight-in-shining-armor si Tatay at siya ang na-inlove kay Nanay. Under nga raw si Tatay kay Nanay, eh,” natatawang kwento naman ng pangalawang anak na si Tita Rowie.

Humalakhak si Lolo Teodolo. “Saan mo naman nalaman 'yan, anak?”

“Kinukuwento po sa amin dati ni Nanay 'yon, 'Tay! Patay na patay ka raw sa kanya noon!” Ang pangatlong anak na si Tito Ed ang sumagot.

Nangingiting napailing si Lolo Teodolo. “Patay na patay pa rin naman ako sa kanya hanggang ngayon. Kahit hindi ko na siya kasama, hindi naman siya mawawala dito. Mga anak, ang pag-ibig, hindi iyan nasusukat sa kung gaano kayo katagal na magkasama upang mapatunayan ang pagmamahal sa isa’t-isa. Tungkol iyon sa kung paano mo pa rin minamahal at pinapahalagahan ang isang tao kahit pa hindi kayo magkasama. Iyon. Iyon ang tunay na pagmamahal,” madamdaming tugon ni Lolo Teodolo sabay turo sa dibdib nito.

Kinikilig siyang napangiti sa sinabi ni Lolo Teodolo. Someday, she wished to have a relationship like that. 'Yong kahit hindi na sila magkasama ng taong minamahal, alam niyang sila pa rin. Hindi mawawala ang pag-ibig kahit ano pa ang mangyari. Kaya hangang-hanga siya sa pagmamahal ni Lolo Teodolo sa yumaong asawa nito. They were really destined for each other.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon