Chapter Thirty-Three

433 17 1
                                    

HINDI na alam ni Chesca kung ilang beses na siyang bumuntong-hininga at gaano na katagal nag-iisip ng maaaring gawin. Nagpaalam kanina si Kuya Rolf na may pupuntahan lamang saglit kaya napagdesisyunan niyang hintayin na lamang ito bago siya umalis. Gusto sana niyang maglinis ng bahay ngunit wala man lamang siyang makita ni isang alikabok doon. It took her a while before deciding to go to Caige’s bedroom. Kahit ilang taon na rin ang nakakaraan ay alam pa rin niya ang pasikot-sikot sa malaking bahay nila Caige. She knew it was invasion of privacy. But she couldn’t help it. Tila may kung anong puwersa ang humihila sa kanya para pumasok sa kuwarto nito.

Nang marating ang kuwarto ng binata ay napamaang si Chesca sa gulo niyon. Parang dinaanan ng matinding bagyo ang kuwarto. Nakakalat ang mga damit kung saan-saan at maraming mga lukot na papel sa sahig. Hindi rin maayos ang asul na kama at nahulog na ang mga unan sa lapag. But nevertheless, maganda at malaki ang kuwarto ni Caige. Asul ang pintura niyon at kompleto sa mga kasangkapan. May isang pintuan doon na sa palagay niya ay banyo. Most of all, what she liked most is the scent of his room. Pakiramdam niya ay naroon pa rin ang presensya ni Caige.

Huminga siya ng malalim at sinimulan ang pagliligpit. Bahala na kung magalit si Caige mamaya. Tutal, sanay naman siya na galit ito sa kanya, lulubusin na niya. Tiniklop niya ang mga nakakalat na damit at inilagay 'yon sa laundry basket na kanyang nakita. She picked up the crumpled papers and threw it on the garbage can. Niligpit niya rin ang higaan ni Caige at pinagpagan ang kumot na nakalatag doon. Natigil lamang siya nang makita ang nahulog na maliit na notebook sa kanyang paanan. Pinulot niya 'yon at umupo sa kama. Ang tamang gawin ay ilapag na lamang 'yon sa bedside table but her curiousity is killing her. Pakiramdam ni Chesca ay hindi siya matatahimik kapag hindi nakita ang nasa loob niyon.

Nahigit niya ang hininga nang sa unang page pa lang ay makita niya ang kanyang pangalan. It was handwritten by Caige. Nang binuklat niya ang sumunod na page ay isang sulat ang kanyang nakita. It was dated by year 2010, five years ago…

My dear Chesca,
It’s been a week since you left me. Where are you now, my baby? Umaasa pa rin ako na babalik ka. I knew I am being desperate pero wala na akong pakialam sa kung ano ang lagay ko sa buhay mo. Magiging kontento na ako sa kaya mong ibigay at ako na ang bahalang magpuno para sa atin. I am not forcing you to love me. It’s alright. I am willing to take all the pain pero hindi ang iwan mo ako. I am going to find you. Hindi ako titigil hangga’t hindi kita nakikita. Mahal na mahal kita. Hindi pa ba sapat na rason 'yon para mapanatili ka sa tabi ko? Damn… I fucking missed you so much. I’d give everything to see you again. Please… please come back. Please just stay with me…

Naitakip ni Chesca ang mga kamay sa bibig dahil sa sunod-sunod na pagtakas ng hikbi doon. Tila may gripo ang kanyang mga mata dahil tuloy-tuloy sa pag-agos ang mga luha niya. Her heart is breaking by the letter. Ramdam na ramdam niya ang sakit sa mga salita ni Caige. How did she bear to hurt the only man she loved the most? Nanginginig ang kanyang mga kamay sa pagbuklat nang sumunod na pahina…

My dear Chesca,
Ito pala ang pakiramdam na buhay ka pa pero parang patay ka na. Kailan ka ba babalik? Hindi pa ba sapat ang panahon na umalis ka sa tabi ko? I want to see you… badly. Parang awa mo na. Kahit boses mo man lang ang marinig ko, magiging masaya na ako. I just wanted to feel you again. The pain is slowly being unbearable and it’s killing me. Ang sabi mo sa akin noon, mahal mo ako. Bakit ganito? Bakit biglang hindi na ako ang pinili mo? Now I didn’t know how to wake up every morning knowing that you’re already not with me… I love you so much, Chesca… At ang sakit-sakit na…

Parang patalim na tumatarak sa kanyang dibdib ang nabasa. Triple ang sakit na idinudulot niyon sa kanyang puso. Ni hindi na niya magawang basahin pa ang sumunod na mga sulat para sa kanya na halos araw-araw—o kung hindi man ay linggo-linggo—na ginagawa ni Caige. When she turned to the last page, it was dated few months after she left. 'Yon na rin ang last entry ng sulat doon. Inipon niya ang lahat ng lakas ng loob at binasa ang sulat habang walang ampat sa pagtulo ang kanyang mga luha.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon