Chapter One

1K 35 1
                                    

“CHESCA, I CAN’T…”

Padarag na nabitiwan ni Chesca ang mga kubyertos nang sa wakas ay magsalita si Chain mula sa kanina pang pananahimik nito. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin at nasalubong ang mga mata ng nobyo na punong-puno ng lungkot at pagsisisi. Nanatili lamang siyang nakatitig sa binata dahil hindi niya malaman ang sasabihin. She was too dazed to even speak. Kahit hindi naman dinugtungan ni Chain ang sinasabi nito ay batid na niya kung saan 'yon patungo. And that realization slowly pricks her heart in steady and slow process, tearing it into million pieces.

Lumipad ang tingin ni Chesca sa kanyang kamay na nasa ibabaw ng lamesa na ginagap ni Chain. As much as she wanted to slap his hand away, it seemed that all her strength went down the drainage. Sumasakit na rin ang lalamunan ni Chesca sa pagpipigil ng iyak. No, she wouldn’t cry without getting an explanation from him. An explanation she wanted to hear for the past few weeks.

“I’m sorry, Chesca. I thought I could make this work,” muling sambit ni Chain na lalo lang nagdagdag sa kirot ng kanyang puso.

Nag-iwas ng tingin si Chesca dahil nanlalabo na ang kanyang mga mata sa pagbabadya ng mga luhang pumatak mula roon.

She scanned the whole restaurant. Napaka-romantic ng ambiance doon. Halatang ginawa talaga ang restaurant para sa mga magkasintahan. The place is covered up with red curtains, matching round tables with red mantles. Masarap din sa pandinig ang instrumental ng mga mellow love songs na pumapailanlang.

Everything seemed to be perfect if it’s not for their situation. She thought of something magical when Chain brought her there for dinner. Hindi naman niya inakala na dinala siya nito roon para tapusin ang relasyon nila. He could have done it somewhere unromantic para hindi na sana siya umasa na may magandang patutunguhan ang araw na 'yon.

Chesca and Chain had been together for a year. He was her first boyfriend. Ito ang kaisa-isang lalaki na hinayaan ni Chesca na makapasok sa mundo niya. He was the only man who had been able to tolerate her attitude and didn’t give up on her. Ipinaramdam nito sa kanya kung gaano siya ka-espesyal at karapat-dapat mahalin.

Chain made her feel alive and complete—that she deserved every wonderful thing this world can give.

Nakilala niya si Chain noong ikalawang taon niya sa kolehiyo sa St. Emiliani University kung saan pareho silang nag-aaral ngunit sa magkaibang kurso. She’s a member of the school paper’s organization—“Latest”. Nagkataong na-assign si Chesca sa sports section at saktong kakapanalo lang din ng Blue Warrior—the university’s basketball team—sa ginanap na University Wide Competition sa lugar nila.

And Chain, being the captain and awarded as the Most Valuable Player, ito ang iniatas sa kanya na kuhanan ng interview.

Simula noon, hindi na siya tinigilan ni Chain. Para itong kabute na bigla-biglang susulpot sa harap niya at kung makipag-usap ito sa kanya ay para bang close na close sila at matagal nang magkakilala.

Chain Amarillo is well-known in their university—lalong-lalo na sa mga kababaihan na mayroon pang fans club para dito. Kaya ipinagtataka niya noon kung bakit nag-aaksaya ito ng oras sa kanya kahit pa sinabi na niya dito mula pa noong umpisa na hindi siya interesado sa pagpapahaging nito.

Besides, maraming babae ang humaling na humaling sa binata at kung tutuusin ay split ends lamang siya ng buhok kung ikukumpara sa mga 'yon. Chesca wasn’t a fan of too much attention, yet her name was easily dragged by Chain. Tuloy ay laman siya ng usap-usapan at mapanuring mga tingin ng mga estudyante doon.

Chain admitted that he liked her the first time they met. Kung ano ang ipinagkaiba niya sa ibang babae ay hindi niya alam. Sa ilang beses niyang pagtulak sa binata palayo ay lagi rin itong bumabalik. He never gave up pursuing her until her heart finally acknowledged him. Nagawang alisin ni Chain ang lahat ng takot at pag-aalinlangan sa puso niya hanggang sa masanay na lamang siya sa presensya nito.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon