Chapter Twenty-Two

408 20 0
                                    

Five years later…

NAPANGITI si Chesca at nakisabay siya sa palakpakan ng mga tao nang makitang tila walang pakialam sa mundo na naghahalikan ang kaibigang si Muse at ang “forever partner” nito na si Bench. Sa labas pa ng MuNch Tea—ang teashop na ipinagawa ni Bench para kay Muse—naisipang gumawa ng eksena ng mga ito. But nevertheless, she was happy for the both of them. Mula umpisa pa lang naman ay nararamdaman na niyang may pagtitinginan ang dalawa para sa isa’t-isa pero natatakot ang mga ito na aminin 'yon dahil baka ikasira ng pagkakaibigan ng mga ito. Kung hindi pa siya pumasok at ang pinsang si Jayth sa eksena, hindi pa magpapakatotoo ang dalawa sa damdamin para sa isa’t-isa.

Bench is her ex-boyfriend. Well, sinagot niya ito hindi dahil sa mahal ni Chesca si Bench kundi dahil may gusto siyang malaman. Niligawan siya ni Bench at nagpalakad pa ito sa bestfriend na si Muse para mapalapit sa kanya. Maaaring magaling na magtago ang dalawa sa nararamdaman pero hindi siya manhid para hindi mapansin 'yon.
l Kaya gumawa siya ng paraan para mapaamin ang dalawa. Sinagot niya si Bench at doon nga napatunayan ni Chesca na may itinatagong damdamin si Muse para kay Bench. At hindi naglaon ay si Bench na mismo ang kusang nagsabi sa kanya na itigil na ang kanilang relasyon dahil napagtanto nito na si Muse talaga ang mahal nito mula pa noon. She didn’t restrain the chance for them to be together kaya nakipaghiwalay siya kay Bench. At hindi niya pinagsisisihan ang ginawa dahil sigurado siyang masaya at nagmamahalan ang dalawa.

Muse is her co-model and friend. Kaya kahit pa nasaling ang kanyang pride sa katotohanang niligawan siya ni Bench para mapatunayan nito sa sarili na hindi nito mahal si Muse, gusto pa rin niyang maging masaya ang dalawa. 

Parehas sila ni Muse na talents ng Rising Star Agency—ang pinakakilalang modeling agency sa bansa. Ang Rising Star din ang publisher nang pinakasikat na fashion magazine ng Pilipinas—ang Girlfriends. Piling-pili ang mga nagagamit na models para mag-pose sa nasabing magazine dahil sobrang higpit ng mga standards niyon dahil nga sa taas na rin ng market expectations. Ang magkaroon ang isang modelo ng exposure sa Girlfriends ay malaking bagay na. And she’s too overwhelmed and blessed to be chosen as one of Girlfriend magazine’s resident models. Sampu silang modelo na napili at pinagbabasehan doon ay ang pagiging professional at work-oriented. 'Yong tipong kayang-kayang iangat ang magazine kahit sa simpleng endorsement lamang. Dahil doon, marami na ang nakakakilala sa kanya at sunod-sunod na offers ang dumadating para sa product advertising and commercial endorsements. Dahil kilala ang Rising Star, karamihan sa mga product companies—specifically beauty products and clothing lines—ay sa Rising Star kumukuha ng endorser.

Chesca never expected to be a model. Sa sobrang shy type at pagiging demure niya noon ay bagsak na siya sa standards nang pagmomodelo. Noong huling taon niya sa kolehiyo, napilit lamang siya ng kanyang mga kaklase na sumali sa university pageant ng course nila. Matindi ang training na ginawa doon dahil bigatin ang mga personalidad at judges na dadalo. Bago pa ang coronation night, tanggap na ni Chesca na hindi siya ang mananalo doon. Ano ba naman ang hilig niya sa modeling? Ayaw nga niya ang nabibilad sa harap ng maraming tao. She wasn’t a fan of exposure and attention. But the unexpected thing happened, she won the title. At dahil kabilang sa mga judges si Madam Chay—ang talent manager niya at ng siyam pa na kasama sa trabaho—inalok siya nito na subukang pumasok sa agency bilang modelo.

Noong umpisa ay nag-alinlangan pa siya. Pero magaling talagang mang-charmspeak si Madam Chay kaya napapayag siya nito. Nagsimula si Chesca sa ilang modeling seminars hanggang sumabak siya sa mga minor photoshoots. She could say that Rising Star gave justice to their tagline—“Bringing out the star in you!”. Dahil sa kalagitnaan nang kanyang mga ginagawa ay nagsimulang mahalin ni Chesca ang mundo nang pagmomodelo. And because she’s much dedicated with her work, nakitaan siya ng potensyal at binigyan ng exposure sa Girlfriends—isang bagay na hindi niya akalaing mapapabilang siya. At kung dati ay awkward siya sa exposure at atensyon, ngayon naman ay nasa harap na ng camera at limelight ang buhay niya. She grew confidence she thought she’d never have.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon