“KUNG may isang bagay akong ayaw na nakikita, 'yon ay ang babaeng umiiyak.”
Pinunasan ni Chesca ang mga luhang dumadaloy sa kanyang pisngi. Kahit ayaw niyang ipakita sa ibang tao ang kahinaan, hindi na niya napigilan ang sarili na mag-break down sa harap ni Caige nang ilayo siya nito kay Chain bago pa man sila makita ng dating nobyo. Kaya nga mabilis siyang nagtago sa likod ng isang malaking puno na naroon, malayo sa mga tao.
Hindi naman sumunod si Caige sa kanya pero batid niyang naroon lang din ito sa kabilang bahagi ng puno at nakikinita niyang nakasandal ito roon. Para silang nakasandal sa isa’t-isa, 'yon nga lang ay may punong nakapagitan.
Nevertheless, she appreciates his silence. Ni hindi nga nag-usisa ito.
“I saw my ex-boyfriend with his first love, Caige,” emosyonal na sabi niya. Gusto sanang sarilinin na lamang ni Chesca ang tungkol sa nararamdaman pero pakiramdam niya ay sasabog siya sa sobrang bigat ng loob kapag hindi niya 'yon nagawang ilabas.
“It’s been just what? Two days? Three days? Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung paano mawawala ang sakit sa loob ko tapos siya naman, masaya na sa piling ng iba. Am I not that worthy to be loved and have someone to stay with me?” punong-puno ng hinanakit na dugtong niya.
Hindi niya narinig ang reaksyon ni Caige at pakiramdam ni Chesca ay tinitimbang pa nito ang mga sasabihin. She took that as a gesture to continue.
“Minahal ko siya ng sobra. Minahal ko siya sa paraang alam ko. Kahit pinagkaitan ako ng pagmamahal ng ibang tao sa paligid ko, binigay ko sa kanya ang pagmamahal ko ng buong-buo. Iningatan ko ang mayroon kami. I thought everything was going well until he broke up with me because he realized I wasn’t good enough for him. I was never the one for him. At ang sakit na sa kabila ng mga nagawa ko, hindi pa rin pala sapat. Hindi pa dahil nagawa niya pa rin akong iwan.
“All my life, I begged for love. Umuungot ako ng pagmamahal sa ibang tao para lang maramdaman 'yon. But I always ended up disappointing myself. Hindi ko maiwasang isipin na may sumpa ang pag-ibig sa akin dahil hirap na hirap akong makuha 'yon. Bakit kaya? Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano ang mali sa akin. I was the only one who thought everything was okay. That finally, someone had loved me without even asking for it. Pero hindi pa rin, eh…”
Naitakip niya ang mga kamay sa bibig dahil sa paghikbi. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga ng malalim.
Natigilan si Chesca nang maramdaman ang isang kamay na basta na lamang tumakip sa kanyang mga mata. It was Caige’s. It’s funny how she memorized the feeling of his warm hand on her skin. Na parang sa simpleng gesture na 'yon ay gumagaan ang pakiramdam niya.
Hinawakan ni Chesca ang kamay ni Caige para sana tanggalin 'yon pero humigpit ang pagkakatakip niyon sa kanyang mga mata.
“No. Stay like that. I want you to imagine something,” wika ni Caige. Dahan-dahang ibinaba ni Chesca ang mga kamay niya hanggang sa bumagsak 'yon sa kanyang tagiliran. “Ano ang nakikita mo ngayon?”
“W-what’s this, Caige?”
“Just answer me, Chesca.”
Napabuntong-hininga siya. “Black. Darkness.” That reflects what I am feeling right now.
“Okay. Now, gusto kong isipin mo na nakatayo ka sa gitna ng dilim na 'yan. And that darkness was a maze, almost impossible to find your way out. Walang ibang tao para mahingan ng tulong.”
Nananatili siyang tahimik at kahit hindi niya alam kung saan patungo ang mga sinasabi ni Caige ay sinusunod niya ang mga sinasabi nito.
“You cried a lot. Unti-unti ka nang nawawalan ng pag-asa,” Naramdaman ni Chesca ang pagtanggal ni Caige ng kamay nito sa mga mata niya bagaman nananatili siyang nakapikit. Pero ngayon ay may liwanag nang tumatama sa mga mata niya kahit pa nakasarado 'yon.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...