Chapter Eleven

437 18 0
                                    

“Saan tayo pupunta?” tanong ni Chesca nang bigla na lamang siyang hilahin ni Caige patayo sa swing.

“Just come.”

Inabot niya ang kamay ni Caige at nagpahila siya sa binata.

Tumigil sila sa isang bakanteng puwesto ng parke kung saan damo lamang ang nakapaligid. Kitang-kita sa bahaging 'yon ang mabituing kalangitan. Parang gusto niya tuloy na mahiga sa damuhan at pakatitigan ang langit.

“Ano’ng ginagawa natin dito?” tanong niya kay Caige.

Umupo ang binata at nagpatianod siya nang hilahin siya ni Caige paupo sa tabi nito.

Ngunit bago pa maibuka ni Caige ang bibig nito ay biglang nagliwanag ang kalangitan kasunod ng mga putok at pagsabog ng iba’t-ibang kulay. Napaawang ang bibig ni Chesca nang mapatingala.

Fireworks display! Natutop niya ang bibig.

“Wow!” namamanghang sambit niya sa makukulay na fireworks na sumasabog sa kalangitan.

Masigla siyang tumawa habang pinapanood ang fireworks. Tumagal din ng ilang minuto ang fireworks. But what had gotten to her was the last blow...

Mula kasi sa mga fireworks ay nabuo ang pangalang “CHESCA” at may heart-shaped design pa sa huli!

Nang tuluyang matapos ang fireworks ay narinig niya ang pagpapalakpakan ng mga tao. Hindi niya napigilang yakapin ng mahigpit si Caige. Sa sobrang lakas ng impact ay sabay silang natumba sa damuhan. Bumagsak si Chesca sa ibabaw nito.

Nanlaki ang  mata niya sa nangyari. They were in an intimate position! Gahibla na lamang ang layo nila sa isa’t-isa. Hindi siya makagalaw dahil ang mga kamay ni Caige ay nakapulupot sa baywang niya bilang suporta.

Tumikhim siya at napalunok. Sa sobrang pagkakadikit nila ni Caige ay hindi na alam ni Chesca kung kanino nanggagaling ang malakas na pagkabog ng dibdib. Marahil ay sa kanya. Kanina pa walang awat ang pagtambol niyon, eh.

Well, hindi lamang kanina. Most of the time when Caige is around.

“Uhm… 'Yong kamay mo…”

“Oh!"

Inalis ni Caige ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya. Umalis siya sa pagkakadagan dito. Pakiramdam ni Chesca ay mapapaso ang mga pisngi niya sa sobrang pag-iinit niyon.

“Okay ka lang?” tanong ni Caige.

“Oo. Sorry,” mahinang tugon niya.

“It’s okay. There are things that men enjoyed that women don’t need to apologize,” makahulugang sagot ni Caige na ikinakunot ng noo niya.

Sinasabi ba nito na nag-enjoy ito sa posisyon nila kanina? My God! Mawawalan na yata ng kulay ang mukha niya.

“Shall we go home?” tanong ni Caige na inilahad ang kamay sa harap niya.

Atubiling tinanggap niya 'yon.

“Tara.”

Nagpatianod siya kay Caige.

Pero wala pa sila sa kalagitnaan nang paglalakad pabalik sa sasakyan ay napangiwi si Chesca nang matapilok siya. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi sa naramdamang sakit. Tila nabali ang buto niya sa paa dahil doon. Tiningnan ni Chesca ang suot na sapatos at nakitang nasira ang takong niyon.

“Okay ka lang?” nag-aalalang tanong ni Caige.

Wala sa loob siyang tumango at sinubukang ihakbang ang mga paa. Pero nang madiin ang pagtapak niya ay napaigik siya sa kirot na naramdaman. Yumuko si Chesca at hinubad ang sapatos. Huminga siya ng malalim at ngumiti kay Caige na nagtataka sa ikinikilos niya.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon