“ATE CHESCA? Hindi mo na sinagot ang tanong ko,” nakangusong untag sa kanya ni Janelle dahilan upang bumalik ang isip niya sa kasalukuyan.
Napakurap siya at hinamig ang sarili. “I’m sorry. What were you saying?"
“Hay! Ang sabi ko po, saan ka ba nagsususuot? Nabanggit mo kasi sa akin ang address mo dati. Pero noong nagka-time na akong pumunta doon, iba na ang nakatira. Pinapaupahan na raw 'yon. Hindi naman ako masagot noong mga nangungupahan kung saan kayo lumipat dahil hindi rin nila alam.”
Sasagutin ba niya ang tanong na 'yon? Wala naman sigurong masama. Tutal, matagal na panahon naman na 'yon. “Sa Sagada.”
Nanlaki ang mga mata ni Janelle at bahagyang umawang ang bibig. “Sagada? That far? Namundok ka roon?”
Natawa siya sa sinabi nito. “Hindi naman. Kailangan lang talagang lumipat doon for personal reasons.”
Tumango si Janelle bago umiling-iling kapagkuwan. “Kaya naman pala hindi ka mahanap noon ni Kuya Caige—Wait, hindi mo ba sinabi sa kanya ang tungkol doon?” Akma siyang magsasalita nang muling bumuka ang bibig nito. “Well, natural! Hahanapin ka ba niya kung alam niya kung nasaan ka? Malamang hindi. Stupid me,” natatawang saad nito bago itinirik ang mga mata. “So, what happened? Bakit naging wasted si Kuya Caige?” tanong sa kanya ni Janelle na bahagyang sumeryoso at humina ang boses. Hinila siya nito sa sofa at pinaupo na parang siya pa ang bisita nito. Pero hindi na niya 'yon pinansin at mas nakuha ang atensyon niya sa sinabi ni Janelle.
“W-was he?”
Tumango-tango si Janelle at napapalatak pa. “Sobra, ate! Para siyang nag-aadik sa drugs noong mga panahon na 'yon. Buti na lang guwapo pa rin siya kahit mukhang ermitanyo dahil parang nakalimutan na ang kahulugan nang paliligo,” ani Janelle na binuntutan pa nang pagtawa. Hindi niya magawang sumabay sa paghalakhak ni Janelle dahil hindi niya maisip na ganoon ang nangyari kay Caige sa ginawang niya pag-alis.
“Paano mo 'yan nalaman?”
“Pumupunta kasi sa bahay si Kuya Caige. Pabalik-balik siya doon para itanong kung nakita raw ba kita o kaya may nasabi ka sa akin kung saan ka pupunta. Ilang buwan din niyang ginagawa 'yon at naawa talaga ako sa kanya. I never thought he could be that devastated. Kahit ang mama niya, walang magawa para pakalmahin siya. Akala ko nga forever nang ganoon si Kuya Caige. Pero isang araw, nawala na lang siyang bigla. Tapos nabanggit sa akin ni mommy na sumama na nga raw si Kuya sa mama niya sa London.”
“G-ganoon ba?” basag ang boses na wika niya. She felt like crying pero pinigil niya 'yon.
“Tapos may laging pinupuntahan si Kuya Caige. “Queen” yata ang pangalan no’n. Nag-e-expect siya na makikita ka doon kapag nauubos ulit ang isang araw na hindi ka niya nakita. Though, I never seen that place even once. Ayaw kasi ni Kuya Caige na isama ako doon. Sacred daw ang lugar na 'yon para sa inyong dalawa lang. Akala ko nga deretso na siya sa mental, eh. Ano ba ang nangyari, Ate? Ano ang nangyari sa inyo? Noong huli ko kayong nakasama, hindi naman ganito,” tanong sa kanya ni Janelle na nahimigan niya ang lungkot at panghihinayang sa boses. “You know, I’m not blaming you for what happened to him. Gusto ko lang malaman kung bakit ka umalis at basta-basta mo na lang siyang iniwan. I thought you loved him.”
Malungkot siyang ngumiti. “I do. Kaya nga lumayo ako sa kanya.” Tila naguluhan si Janelle sa sinabi niya dahil halos mag-isang linya ang mga kilay nito sa pagkakakunot ng noo. “Maiintindihan at malalaman mo rin kung bakit. Pero hindi muna ngayon. Saka na lang. Teka, paano mo pala nalaman kung saan ako nakatira?” Pilit na pinasigla ni Chesca ang boses kahit pa ang isip niya ay lumilipad sa ibinahagi sa kanya ni Janelle na naging lagay ni Caige nang iwan niya ito.
Kahit mukhang marami pang tanong si Janelle ay hindi na ito nag-usisa pa at sinakyan na lamang ang pagpapalit niya nang usapin. “Nagtatrabaho na kasi ako ngayon sa Rising Star, Ate. New illustrator ako. Eh, dahil nga matagal ko nang alam na doon ang agency mo, nagtanong na rin ako ng information tungkol sa’yo kasi gusto talaga kitang makita. Buti na lang at pinagbigyan ako no’ng mga nasa Records Department dahil tita ko ang isa sa mga empleyado doon. Kaya nalaman ko kung saan ka nakatira. Nandito ka lang pala sa Marikina. I hope you don’t mind na inalam ko ang tungkol dito,” nakangiting sagot nito.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
Roman d'amourChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...