Chapter Thirty-Nine

630 22 0
                                    

Four months later…

“IYANG pinsan mo, namumuro na 'yan sa akin, ah! Akala niya kapag naiinis ako sa kanya, nagbibiro lang ako! Pinagtatawanan niya lang ako! Tapos kapag pinagbabantaan ko siya na magbi-break na kami, hahabol-habol siya. Ang lakas ng loob tapos hindi naman pala kayang mabuhay nang wala ako. Tapos—hoy, Chesca! Nakikinig ka ba?”

Nag-angat ng tingin si Chesca mula sa binabasang script. Kabilang kasi siya sa casting nang pinakabagong teleserye ngayon sa ABS TV kaya’t habang hindi pa nagsisimula ang shooting ay kakabisaduhin at ipa-practice na niya ang mga linya. Hindi ito ang unang pagkakataon na naisabak siya sa mga palabas ngunit gusto pa rin ni Chesca na hangga’t maaari ay hindi magkaproblema sa kanya ang team.

“Kapag magpapakasal na kayo ni Jayth, ako na mag-aasikaso,” nakangiting sagot niya kay Donna bago ininom ang juice na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nasa verandah sila ng kanyang kuwarto.

Sumimangot si Donna. “I’m not talking about the wedding here!”

Itinirik niya ang mga mata. “Doon din naman kasi kayo tutuloy. Puro kayo away pero hindi niyo naman kayang mabuhay ng wala ang isa’t-isa. So, cut the drama, Dons.”

“Ay, ang hard!”

“Oh, bakit? Kaya mo bang mabuhay nang wala si Jayth? Isang araw nga lang kayo na hindi magkita, kung makaiyak ka sa akin, kala mo namatayan ka,” natatawang wika niya. Tatlong buwan na mula nang magkaroon ng relasyon sila Donna at Jayth. Pero kung umakto ang mga ito ay parang mag-asawang hindi mapaghiwalay.

Inirapan siya ng kaibigan ngunit ngumiti rin ito kapagkuwan. “Maiba ako. It’s been four months. Had Caige contacted you already?”

Sumandal si Chesca sa upuan kipkip ang script sa dibdib. Matipid siyang ngumiti kay Donna at umiling-iling.

Yes, it had been four months. Marami nang nagbago sa loob ng apat na buwan na iyon ngunit hindi ang pagmamahal at paghihintay niya para kay Caige. Wala man siyang natatanggap na kahit ano mula kay Caige ay hindi pa rin siya bumitaw sa pangako nito na babalikan siya. And she was willing to wait no matter how long it takes because she just knew that it will be worth it.

“He needed space. Of course, it’s understandable naman kung bakit hindi niya ako kinokontak. It’s okay.”

Pumalatak si Donna bago siya binigyan ng nang-aasar na slow clap. “Ang tibay mo, teh! Ni hindi mo nga alam kung buhay pa 'yon.”

Kumuha ng isang kornik na nasa platito si Chesca at ibinato iyon sa kaibigan. “Sobra ka naman! I still heard him over news saka minsan, nagkikita naman kami ni Kuya Rolf and he said he was okay.”

“In short, better off without you,” pambubuska pa ng kaibigan.

Nginisian niya ang kaibigan. “Wow. Eh, kung sabihin ko kaya sa’yo na gustong makipagbalikan ng ex-girlfriend ni Jayth sa kanya at hindi malabo ang possibility na 'yon dahil madalas on and off ang relationship niyo at magiging better off din siya with someone else? How was it?”

Nanlaki ang mga mata ni Donna kasabay nang pagsinghap. “Seriously? Ex-girlfriend? Nakikipagbalikan? Kailan pa?” sunod-sunod na tanong ni Donna. Nagkibit-balikat lamang siya sa kaibigan at kumindat dito. Nagulat na lamang si Chesca nang hindi naglipat-segundo ay bigla itong pumalahaw ng iyak. Napamaang siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaibigan.

Seriously? Napatampal siya sa noo dahil sa ginagawang eksena ng kaibigan.

“Geez, seriously, Donna! I’m just kidding!” aniya sa kaibigan. Saglit itong natahimik ngunit kapagkuwa’y umiyak na naman.

“W-what if… what if he’s really better off w-without me?” humihikbing wika nito. Napailing-iling siya at marahas na bumuntong-hininga.

“What’s happening—Baby bunch! Bakit ka umiiyak?”

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon