Matapos ang nakakawindang na dinner ay dumiretso sila Caige at Chesca sa mall para maglakad-lakad. As usual, si Caige ang tagabasag ng katahimikan nang tila malulon na ni Chesca ang dila dahil sa mga sinabi ng binata kanina. Buti na lamang at hindi na nag-usisa pa si Caige nang piliin niyang hindi sumagot sa huli nitong sinabi.
God! What's wrong with him? Why is he making everything awkward for her? At siya namang si gaga, lutang na lutang dahil doon.
"Bakit ang tahimik mo, Chesca? Hindi ako sanay," ani Caige habang naglalakad sila.
Because you're making me too uncomfortable, damn!
Or was it just her? Pwede namang magaan lang ang atmospera pero hayun at siya pa yata ang nagpapabigat. Kung bakit ba naman kasi napakahirap basahin ng utak ni Caige. Hindi niya alam kung seryoso ito o nagbibiro lang. He looked so relaxed while she was so tensed.
Ayos 'yan! Opposite poles attract! Entrada na naman ng isang bahagi ng kanyang isip.
"Saan tayo pupunta?" Sa halip ay tanong niya sa pinasiglang boses para hindi makahalata si Caige na nagkakaroon na nang pagtatalo sa kanyang loob.
Ngumiti si Caige. "Manonood ng sine."
"What movie?"
"Your choice, my queen."
Natawa si Chesca nang bahagya pa itong yumukod.
Nagpatuloy sila sa paglalakad ngunit napatigil din siya nang mapadaan sila ni Caige sa isang flower shop na may pangalang Marinduqueno's Garden. Kahit nasa labas pa lamang sila ay nanunuot na sa kanyang ilong ang bango ng sari-saring bulaklak na naroon. Kahit ang entrance ng shop ay napapalibutan ng mga bulaklak na iba-iba ang disenyo.
She always loved flowers. Noong maliit pa siya ay katu-katulong siya ng kanyang ina sa pagtatanim ng mga bulaklak na simula nang iniwan sila nito ay hindi na niya muling sinubukan. Dahil doon ay nakaramdam siya ng lungkot.
"Gusto mong pumasok?" pukaw ni Caige sa kanyang tabi na masuyong nakatingin sa kanya.
"Okay lang?"
Tumango si Caige at halos tumalon ang puso niya sa gulat nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya siya papasok ng shop. Nanulay ang tila libo-libong boltahe ng kuryente sa kanyang katawan.
Nakakakilabot. Nakakanerbiyos. But for some reasons, she actually liked the feeling. She felt secured and protected. Kaya hinayaan na lamang niya si Caige. She let him tightly intertwined his fingers on hers.
Mamaya na lamang niya kakastiguhin ang sarili. Mamaya na lang niya iisipin na hindi dapat ganoon ang nararamdaman ng sarili.
Bahala na mamaya.
"Mahilig ka pala sa mga bulaklak?" tanong ni Caige habang naglalakad sila sa loob ng malawak na shop.
Matipid siyang ngumiti. "Oo. I used to plant those with my mom when I was a kid," aniya sa mababang tono.
Hindi alam ni Chesca kung nahalata ba ni Caige ang pagpiyok ng boses niya. Alam na ni Caige ang kwento ng buong buhay niya kaya hindi na siya magtataka kung magre-react man ito. Yet, hindi naman ito sumagot kaya inabala na lamang ni Chesca ang sarili sa pagtingin ng mga bulaklak upang maalis ang bikig sa dibdib. Napakaganda ng arrangements ng mga 'yon.
"Magandang araw po!" nakangiting bati ng isang matandang babae. "Ano pong hanap?"
Peace of heart. Hay!
"Tumitingin-tingin lang po. Ang ganda po ng shop niyo," nakangiting puri niya na halatang ikinatuwa ng ginang.
"Naku, salamat naman," nakangiting tugon nito. "May inaayos lang akong mga bulaklak. Pwede kayong magtingin-tingin muna ng nobyo mo. Puntahan mo na lang ako sa counter kung may kailangan ka," malumanay na dugtong ng ginang.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...