“So… who do we have here?”
Napatingin si Chesca sa nakangising lalaki na blonde ang buhok na nagsalita. Guwapo ito at matikas ang pangangatawan. Well, pati ang iba ay may ibubuga rin at walang itulak-kabigin kung tutuusin.
“Jeff, Mac, and Blue, meet Chesca,” pagpapakilala ni Caige sa kanya.
Agad namang lumapit ang tatlong lalaki at nakipagkamay sa kanya na buong-lugod niyang tinanggap. Nang magtagal ang hawak sa kanya ng huling lalaking nakipagkamay ay si Caige mismo ang bumawi sa kamay niya at inilagay siya sa likod nito na para bang pinoprotektahan siya.
“Don’t dare, Mac,” banta ni Caige sa lalaking mukhang bad boy ang datingan dahil sa ayos nito na nakaitim na shirt at pants. His hair was tousled at kumikinang din ang itim na hikaw nito sa kaliwang tainga.
Itinaas ni Mac ang dalawang kamay nito bago tumawa.
“Wala naman akong gagawin, ah. Wala na bang dugtong ang introduction mo sa kanya like she’s your girlfriend or what?”
“'Pag sinabi ko bang girlfriend ko siya, you’ll back-off?” tanong ni Caige.
“Probably,” tumatangong wika ni Mac sa naaaliw na boses.
“Then, she’s my girl. Back-off now,” tila nananakot na sagot ni Caige bagaman gumuhit na ang ngiti sa mga labi nito.
Hindi rin tuloy niya maiwasang mapangiti… at kiligin.
“Hold your balls, Mac. Baka mailibing ka ng buhay,” tumatawang wika ng lalaking nakilala niyang si Blue. “Pagpasensyahan mo na ang isang ito, Chesca. Kahit posteng paldahan ay papatulan niya. Nice meeting you pala.”
Nakangiting tumango siya. Sa obserbasyon pa lamang ni Chesca ay mabubuting tao ang tatlong lalaki at mukhang magkakasundo talaga. Nakita niyang napapailing na lamang si Caige sa sinabi ni Blue.
“So, what brings a girl here?” singit ni Jeff na tila hindi mabura-bura ang pagkakangisi at makahulugang tingin sa kanila ni Caige.
“Manonood siya sa atin ngayon,” sagot ni Caige.
Kumunot ang noo niya at nagtatakang nilingon si Caige.
“Manonood saan?”
“Actually, we are the strippers here, miss,” ani Mac na sinundan nang halakhak nila Blue at Jeff.
Nanlaki ang mga mata niya kasabay nang pag-awang ng bibig.
“Fuck, Mac! Shut up,” saway ni Caige pero sa huli ay nahawa rin ito sa pagtawa.
“Maghanda ka na ng death wish mo, Mac,” tumatawang sambit ni Blue.
“Puro kahalayan talaga ang alam mo. Kaya galit na galit sa’yo si Althea, eh,” segunda naman ni Jeff.
Matalim na tiningnan ni Mac ang dalawang lalaki pagkuwa’y tig-isang binato ng hawak na drum stick na nailagan din ng mga ito.
Hay, boys!
“Bakit ganyan pala ang suot mo, Miss? Na-kidnap ka lang ba ni Caige?” tanong ni Blue na pinasadahan siya ng tingin.
“Hindi naman. Nagmamadali lang kami saka hindi ko alam na dito pala kami pupunta,” sagot niya.
“So, you’re the girl,” ani Jeff.
“Huh?”
“May usapan kasi kaming magkakaibigan na kung sino ang unang babae na dadalhin dito sa—“
Hindi na naituloy ni Mac ang sasabihin nang mabilis na isinubo ni Caige sa bibig ng lalaki ang isang nilamukos na papel.
“Don’t mind them,” wika ni Caige sa kanya. Marahan siya nitong hinawakan sa siko at iginiya paupo sa couch na naroon. “May gusto ka bang kainin o inumin? Are you okay?”
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...