Chapter Eighteen

383 19 0
                                    

“CHESCA?”

Mula sa pagtitipa sa cellphone ay nag-angat nang tingin si Chesca nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Saglit siyang natulala nang makita si Chain na nakatayo sa kanyang harap. Hindi niya inasahan na magkikita sila nito sa restaurant kung saan din sila magkikita ni Caige. Nag-text ito sa kanya na mag-dinner date sila at susunduin na lamang siya ni Caige pagkatapos nitong maipasa ang requirement nito. Pero sinabi ni Chesca kay Caige na siya na lang ang didiretso sa restaurant para hindi na ito mapagod. Malapit lang naman sa kanila ang meeting place nila.
Nang mataman niyang matitigin si Chain ay agad na kinapa ni Chesca ang damdamin para rito. She just found herself smiling after realizing that she was completely over him.

“Chain,” She acknowledged him. Matagal-tagal na rin pala simula noong huli silang magkita nito. Chain looked different now. Kitang-kita ang glow sa mga mata nito. Mukhang maganda ang naidudulot ng bagong pag-ibig sa dati niyang kasintahan. And she’s happy for him. Kung anuman ang galit at sakit na nangyari noon ay nabura na ng tuluyan. She was happy and contented now. “Why are you here? Upo ka,” aniya at itinuro ang katapat na upuan. Saglit itong nag-atubili bago sumunod sa kanya. Wala namang dahilan para itaboy niya ito. Matagal na rin buhat nang huli silang magkausap ni Chain. Siguro ay panahon na rin iyon upang tuluyan nang lumaya ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

“I’m with someone for dinner,” nananantiyang wika ni Chain na halatang binabasa ang magiging reaksyon niya. If things were still the same, malamang ay paglalamayan na naman ni Chesca ang sakit nang sinabi ni Chain sa kanya. But the point is, everything had changed—including her heart.

“I see. Kumusta ka na?” nakangiting tugon niya.

Mukhang nagulat si Chain sa itinanong niya dahil saglit itong natahimik. Marahil ay hindi inaakala ni Chain na matapos ang lahat nang nangyari sa kanila ay magiging ganito kagaan ang pakikitungo niya rito.

“I’m okay,” kapagkuwan ay nakangiting wika nito.

Tumango-tango siya. “Yes, I can see that. Mukhang masayang-masaya ka talaga ngayon kay Dharlyn, ah,” aniya. There was no hint of any bitterness and pain dropping on her voice. Doon niya napatunayan na tuluyan nang naghilom ang pait at sakit nang nakaraan.

“Chesca…” Tila nahihirapan na tawag sa kanya ni Chain bago nito ginagap ang kanang kamay niyang nasa ibabaw ng lamesa. Naroon pa rin ang guilt sa mga mata ni Chain habang nakatingin sa kanya. Ipinatong niya ang kaliwang kamay sa kamay nito. Sa reaksyon pa lamang ni Chain ay batid na ni Chesca kung saan patungkol ang nais nitong sabihin.

“Chain, I’m okay,” sinserong saad niya. “You don’t have to feel guilty and all. We had already went our separate ways and we’re both happy now. Marahil ay sinadya talaga ng tadhana na maghiwalay tayo para mahanap natin ang totoong para sa atin. Marami akong natutunan sa mga nangyari sa atin, Chain. Tanggap ko na ang lahat at masaya ako para sa’yo.”

“Still, I wanted to say sorry again. At pasensya ka na kung ngayon lang ako nagkalakas ng loob na lumapit sa iyo. Nahihiya ako sa’yo, Chesca. Sa dami nang magagandang bagay na binigay mo sa akin, sinaktan lang kita. I shouldn’t have led you on. I had been so selfish. Kahit alam ko ang nararamdaman ko, hindi ko pa rin sinabi ang lahat sa iyo. I’m sorry, Chesca. I can’t justify what I’ve done dahil alam ko na ako ang may kasalanan. Sana mapatawad mo pa rin ako sa kabila nang lahat,” nakayukong pahayag ni Chain.

Masuyo siyang ngumiti. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito upang magsalubong ang mga tingin nila. “Napatawad na kita, Chain. Matagal na. Maayos na ako ngayon at gusto kong magpasalamat pa rin sa iyo sa pagiging parte ng buhay ko. It doesn’t matter if we end up awfully. Naging masaya naman ako sa mga panahong nakasama kita. Kalimutan mo na iyon, Chain,” aniya. Finally, she was able to tell it all to him. Mas lalong nakakagaan sa dibdib. Talagang sa huli, ang pinakamabisang paraan upang makalimutan ang lahat ng galit at sakit ay ang pagpapatawad. 'Ika nga, ang mabigat na bagay ay gumagaan kapag binitawan. Hindi mo mahahanap ang tunay na kasiyahan kung patuloy mong aalagaan ang mga dahilan kung bakit ka nasaktan.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon