Chapter Twenty-Eight

397 19 0
                                    

TINUNGGA ni Chesca ang beer na nasa kanyang harap. Napapikit siya nang gumuhit ang alcohol sa lalamunan niya. Nagkayayaan ang mga pinsan ni Caige na mag-inuman at mag-videoke sa terrace ng bahay ni Lolo Teodolo. Ang mga oldies naman ay nasa loob at nagkukuwentuhan. Pinagbigyan na sila ng mga ito upang makapag-bonding daw dahil babalik na sila sa Maynila bukas. Nangingiti na lamang si Chesca sa isang tabi dahil sa pag-aagawan ng mikropono ng mga magpipinsan at pagkakantyawan ng mga ito sa mga boses ng bawat isa.

"Give chance to others! Sugapa ka naman sa pagkanta, Zyri! Akala mo naman ang ganda ng boses mo! Kayang-kayang makapambulabog ng mga patay, eh!" tudyo ni Janelle sa nakababatang kapatid nito. Tumawa lamang si Zyri at binelatan ang kapatid bago tinapos ang kanta.

"Napaka-unique talaga ng boses niyo! Napakahirap pulutin ang ganyan kung saan-saan," wika naman ni Dianne na prente lamang na nakaupo sa kawayang silya habang nagpipipindot sa cellphone.

"Bakit naman mahirap pulutin?" tanong ni Acello, kapatid ni Dianne.

"Basag, eh," ani Dianne bago ito humagalpak ng tawa. Napasapo sa noo ang kapatid nito at napailing-iling bago uminom ng alak. Ang iba naman ay binato ito ng pulutang kornik. Hindi niya napigilan ang matawa sa kalokohan nang magpipinsan. They are so binded well. Natutuwa siyang makakita ng ganito dahil hindi naman niya naranasan ang magkaroon ng ganitong kasiyahan kasama ang kanyang mga pinsan.

"Okay, tama na! Ibigay niyo naman ang mic sa mga nananahimik. Ate Chesca, your turn!" Inilahad sa kanya ni Janelle ang mikropono na mabilis niyang inilingan.

"I don't sing," aniya at nahihiyang ngumiti.

"Ay, 'wag KJ. Si Kuya Caige naman ang susunod," sagot pa ni Janelle bago ito sumulyap sa kanyang gilid kung saan nakaupo si Caige katabi ang nobya nitong si Miley. Kahit gusto ni Chesca na tingnan si Caige ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang makita ang pagmo-moment ng dalawa.

"Go, Ate! Go, Ate!" sabay-sabay na chant nang magpipinsan. Nagkibit-balikat na lamang si Chesca at sumusukong kinuha ang mic. Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat. Iniabot ni Janelle ang songbook at nang makapili ay ibinulong niya ang numero dito. When the song played, memories came down rushing into her. At hindi nakatulong ang pagtitig sa kanya ni Caige na napapansin ni Chesca mula sa kanyang peripheral vision dahil nakaramdam siya ng matinding pagkailang. Hangga't maaari ay ayaw niyang makita ni Caige kung sakali mang maging emosyonal siya sa kanta.

"Sometimes, it's wrong to walk away, though you think it's over, knowing there's so much more to say... Suddenly the moments gone and all your dreams are upside down and you just want to change the way the world goes round..." Hindi niya naiwasang mapatingin sa gawi ni Caige habang kinakanta 'yon. Her heart skipped a beat when she found out that he was looking at her. The song is clearly mirroring what she felt at the moment. And it is breaking her more than she allowed herself to break.

"Tell me... have you ever loved and lost somebody, wish there was a chance to say I'm sorry... Can't you see? That's the way I feel about you and me, baby... Have you ever felt your heart was breaking, looking down the road you should be taking... I should know, 'coz I loved and lost the day I let you go... " She continued singing. Wala na siyang pakialam kung nahahalata man ng iba na may pinaghuhugutan ang kanta niya. Gusto lamang niyang maiparating kay Caige ang nasa loob niya sa pamamagitan ng kantang 'yon. Wala siyang pakialam... kahit mukhang wala ring pakialam si Caige. He's just staring at her blankly.

"Can't help but think that this is wrong, we should be together... Back in your arms where I belong... Now I finally realized, it was forever that I found, wishin' I could change the way the world goes round... Tell me... have you ever loved and lost somebody, wish there was a chance to say I'm sorry... Can't you see? That's the way I feel about you and me, baby... Have you ever felt your heart was breaking, looking down the road you should be taking... I should know, 'coz I loved and lost the day I let you go..."

Kahit pakiramdam ni Chesca ay gagaralgal na ang kanyang boses sa pagpipigil ng iyak ay tinapos niya ang kanta. Nagpalakpakan ang mga pinsan ni Caige at tipid lamang niyang nginitian ang mga 'yon. Malungkot siyang tiningnan ni Janelle pero nagawa niya pang mag-approve sign dito. Mabilis niyang tinungga ang alak na nasa bote at inubos ang nangangalahating laman niyon. Ramdam na ramdam ni Chesca ang unti-unting pag-epekto ng alak sa kanyang sistema dahil sa pagkahilo. Hindi naman kasi siya sanay na uminom. Hindi niya alam kung ano ang basis nang sinasabi ng iba na nakakagaan ng loob ang pag-inom ng alak lalo na kung problema sa puso ang pag-uusapan. Wala man lang kasi siyang maramdaman na paghupa ng sakit. Hindi kayang takpan ng alak ang sakit sa kanyang loob.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon