Chapter Twenty-Seven

409 19 4
                                    

PANSAMANTALANG nakalimutan ni Chesca ang bigat ng loob nang matunghayan ang Poctoy White Beach kung saan napili ni Lolo Teodolo na magdiwang ng kaarawan nito. It was perfect. Napaka-peaceful at relaxing ng ambiance ng buong paligid. Kakaunti lamang ang taong naroon dahil bukod sa maaga pa naman ay hindi pa naman panahon nang dagsaan ng mga tao sa mga beach para maligo kaya malinis ang isla. Maginhawa sa pakiramdam ang pinong-pino at puting buhangin na tinatapakan ng kanyang mga paa. Pakiramdam ni Chesca ay para siyang nasa Boracay kahit hindi pa man siya nakakarating doon. Even the view was exceptional. Tanaw na tanaw doon ang Mt. Malindig na sinasabi sa kanya ni Janelle kanina. This place is simply a paradise!

“Maganda ba?” Napalingon si Chesca sa nagsalita sa kanyang tabi. Si Anthony 'yon, ang pinsan ni Caige na kasing-edad lamang nila.

“To say it’s beautiful is an understatement,” malawak ang ngiting sagot niya. “Nakapunta ka na ba dito noon?”

Tumango ito. “Yes. Kaya lang noon, under-renovation pa. Wala pang mga cottages at maintenance.”

“Grabe! Ang ganda talaga dito! May ibang beaches pa ba dito sa Marinduque? Ganito rin ba ang itsura?” excited niyang tanong. Kung pwede lang ay pupuntahan niya ang lahat ng magagandang lugar sa probinsya kaya lang katulad ng dati, kapos siya sa oras. Kahit gusto niyang magtagal ay hindi naman maaari dahil may trabaho siyang naiwan sa Maynila.

“Oo, marami. Pero iba-iba ang itsura. Lahat magaganda. Some other time, kung maisipan mong pumunta dito, kunin mo akong tourist guide,” nakangiting alok nito. Napag-alaman niya kasi noong nakakuwentuhan niya ang mga pinsan ni Caige kahapon na nagtatrabaho bilang tourist guide si Anthony sa isang kilalang travelling agency.

“Oo ba! Basta discounted, ah!” biro niya na ikinatawa nito. Naputol lamang ang pag-uusap nila nang makarinig ng tikhim mula sa kanilang likuran. Ang madilim na mukha ni Caige ang bumungad sa kanila. Nagulat pa siya nang hindi nito kasama si Miley. Halos magkapalit na kasi ng mga mukha ang dalawa kanina dahil hindi mapaghiwalay habang nasa biyahe sila patungong beach.

“Tinatawag ka ni Tito Vin, Anthony. Nandoon sila sa cottage sa may bandang dulo,” seryosong wika ni Caige habang ang mga mata nito ay nakatutok sa kanya. She can notice that he was mad. Bakit naman ito magagalit? Dahil nag-uusap sila ng pinsan nito? Nagseselos ba si Caige? Ang sarap sanang isipin na ganoon pero kahibangan lamang iyon.

Nang mag-excuse si Anthony ay naiwan silang dalawa ni Caige. Halos mabingi siya sa katahimikan nilang dalawa kaya nagpasya siyang magsalita na.

“Ang ganda pala dito, 'no? Hindi kasi tayo nakarating dito noong—“

“Ayaw kong makialam pero gusto ko lang sabihin sa iyo na kung hindi mo kayang panindigan ang isang bagay, huwag na huwag mong sisimulan,” putol ni Caige sa anumang sasabihin niya. Kumunot ang noo ni Chesca at nagtataka itong pinagmasdan.

Hindi naitago ni Chesca ang pagkalito. “Hindi kita m-maintindihan.”

Ngumiti si Caige ngunit alam niyang hindi iyon bukal sa loob nito. It was more of a sarcastic smile. “Huwag mong paasahin ang pinsan ko, Chesca. Huwag mong ipaparamdam sa kanya ang mga ipinaramdam mo sa akin noon.”

“Hindi, Caige, nagkakamali ka. Wala naman akong ginagawang masama. I am not flirting with anyone,” pagtatanggol niya sa sarili. Caige is using the power of words to hurt her. And it’s working. Dahil masakit ang mga salitang ibinabato sa kanya nito. He wasn’t the Caige who used to talk to her before.

“I don’t care if you flirt and all, Chesca. Sinasabihan lang kita na hindi lahat, pwede mong paikutin sa mga kamay mo,” walang kaabog-abog na wika ni Caige na para bang normal na normal lang kung pagsalitaan siya nang ganoon. Oo nga naman. Dalawa lamang sila ni Caige ngayon. Maayos lamang itong makitungo kapag kaharap nila ang iba. Well, kung maayos ngang maituturing ang hindi nito pagpansin sa kanya at ang pagkausap lamang kung may kailangan.

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon