NAITAKIP ni Chesca ang mga kamay sa tainga nang marinig ang nakakaeskandalong tili ng kaibigang si Donna na kulang na lang ay sabunutan siya. Buti na lamang at wala ang Ate Chelle niya dahil siguradong magtatanong lang ito sa nangyayari. Tinawagan niya si Donna para hingin ang tulong nito sa gabing 'yon.
“Niyaya ka niyang mag-date? Juice colored! Iba ka! Chain tapos Caige? Girl, ang haba ng buhok! Baka pwedeng magpa-donate ng hair mo!” kinikilig na sambit ni Donna na ikinangiwi niya.
Hindi alam ni Chesca kung tama bang desisyon na pinapunta niya ang kaibigan sa bahay nila para tulungan siyang maghanda ng araw na 'yon. Ngayon kasi ang “date” nila ni Caige.
When he asked her about that, she wanted to reject him right away dahil bukod sa magkaibigan sila nito, kakatapos lang niya ng isang relasyon na hindi maganda ang pinatunguhan.
Ayaw ni Chesca na isipin ng iba na ginagamit lamang niyang panakip-butas si Caige. He deserved to be treated more than that. At ayaw niyang masira ang pangalan nito dahil sa kanya.
And yet, it felt strange why she didn’t had the guts to say “no” with his pleading eyes and hopeful stare. Basta ay natagpuan na lamang ni Chesca ang sarili na pumapayag sa paanyaya nito.
Besides, there’s nothing special with that date. Iisipin na lamang niya na pagkatapos nang gabing iyon ay bayad na siya sa lahat ng utang niya kay Caige.
“Friendly date lang 'yon, Donna,” depensa niya sa kaibigan.
Napapailing na pinagmasdan siya ni Donna bago ito umupo sa kama niya. “C’mon, Ches. Friendly date? Eh, lagi nga kayong nagpi-friendly date after class. This is Getting-To-Know-Each-Other-If-We-Will-Work-Romantically stage,” nakangising wika nito.
“Saan mo naman natutunan 'yan? Hindi kami gano’n! Magkaibigan lang kami.”
“Doon nagsisimula ang lahat, Ches. Sa “magkaibigan lang kami”. Ang dami nang naloko ng linyang 'yan. Masyadong showbiz ang lola mo!” nanunuyang sambit ni Donna.
Umupo si Chesca sa harap ng drawer table niya at yumupyop doon. Naramdaman niya ang pagtayo ni Donna at ang presensya nito sa kanyang likuran.
“Naguguluhan ka, 'no?” ani Donna na may himig ng panunudyo.
Iniangat niya ang ulo at naniningkit ang mga matang tiningnan ang kaibigan mula sa salamin ng drawer table. “Alam mo ba 'yong three-month rule? Napaka-pamilyar ng ibang tao doon.”
Ngumiti si Donna at umiling-iling. “Love knows no rules, Chesca. May mga taong inaabot lang ng ilang araw at ilang linggo o minsan, oras nga lang para mahulog ang loob sa isang tao. Kung mahal mo, mahal mo. That’s it. Wala ng justification at kung ano pang kaartehan.”
Natahimik siya sa sinabi nito kaya nagpatuloy ang kaibigan niya.
“Saka, ano naman ngayon kung ano ang sasabihin ng iba? Wala naman silang ‘say’ sa buhay mo. Hindi naman sila ang makikisama kay fafa Caige. You know, Ches, kaya may mga nasisirang samahan dahil masyadong nakikinig sa sinasabi ng ibang tao kaysa sa sariling damdamin. They can judge all they want. Gawain 'yon ng mga taong insecure."
Umismid pa ito at nagpamaywang.
“At saka ano rin naman kung isipin man ni Chain na masyadong naging mabilis ang pagpalit mo sa kanya? Ang kapal naman ng muscles niya kung ganoon. Nakikipagsaya na nga siya sa paglantiri sa iba tapos ikaw magmumukmok lang ang beauty? People are hurt so they can step forward towards the right person for them. Tandaan mo, ang puso kahit ilang beses man 'yang mawasak, all the broken pieces can learn to love again. It never stopped. Napapagod, oo. Pero kaya pa ring magmahal,” mahabang litanya ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...