“SIGURADO ka bang kaya mong mag-isa dito?”
Hindi na mabilang ni Chesca kung pang-ilang beses na iyong itinanong ni Ate Chelle mula pa nang sabihin ng kapatid sa kanya na a-attend ito ng reunion ng college batch nito. Isasama ni Ate Chelle ang pamangkin niyang si Keyjie kaya siya lamang ang maiiwan sa bahay nila.
“Oo nga, ate. Relax and just enjoy. Hindi ko gigibain ang bahay, don’t worry. May mauuwian pa rin kayo ni Keyjie,” biro niya.
Ngumuso si Ate Chelle at pinitik ang noo niya. “Puro ka kalokohan, Chesca. Sabi ko naman kasi sa’yo, sumama ka na lang para hindi ako mag-alala sa’yo.”
Natawa siya. “Ate naman! Kung makapag-react ka, para namang hindi na kayo babalik samantalang overnight lang naman 'yon. Saka, gusto kong magpahinga na lang dito. Minsan lang ako magkaroon ng free day. I’ll take care of myself, don’t worry,” kumpiyansadong sabi niya bago itinaas ang kamay at gumuhit ng krus sa dibdib.
Tila hindi pa rin kumbinsido ang ate niya dahil sa pagkabahala ng mukha nito. “Ches, paano kung pumunta si Caige dito?”
Napabuntong-hininga si Chesca bago umiling. Sinasabi na nga ba niya at dito ulit pupunta ang usapan nila. Alam kasi ni Ate Chelle ang nangyaring komprontasyon sa pagitan nila ni Caige kahapon. It was too hard to keep it from her sister dahil bukod sa madali itong makahalata ay mugtong-mugto ang mga mata ni Chesca nang umuwi siya kahapon.
“Bakit naman pupunta 'yon dito, Ate? He won’t. Besides, tapos na ang trabaho ko sa kanya. There’s no reason para magkasama kami.”
Kumunot ang noo ni Ate Chelle at natigil ito sa paglalagay ng polbo sa likod ni Keyjie. “Ano’ng ibig mong sabihin?”“Ibinigay ko na kay Donna ang wedding account niya.”
Umawang ang bibig ni Ate Chelle at napasinghap. “Seriously? I mean, yes. In the first place, hindi ako sang-ayon na tinanggap mo. Pero may nasimulan ka na ngayon, hindi mo na tatapusin?”
Tumango-tango siya. Matapos ang emosyonal na pag-uusap nila ni Caige kahapon ay ang desisyon din niyang huwag nang magkaroon ng kahit anong interaksyon kay Caige. Her decision was all of a sudden and very unprofessional for mixing her personal issues with business. Ngunit ayaw na ni Chesca na makipaglokohan pa sa kanyang sarili. She wasn’t that strong as she thinks. Sa kabila ng lahat ay hindi pa rin pala niya magawang lubusang magbulag-bulagan sa mga bagay na isinasampal sa kanya. Her strength is slowly crumbling down, thus, her heart. All the while, Chesca thought that if she would be able to tell Caige everything she deprived him to know, she would be better. Pero hindi pa rin pala.
It was a closure—a real closure, to be exact. Pero masakit pa rin. Hindi pa rin nagawang baguhin niyon ang katotohanang nagkasakitan silang dalawa at panahon na lamang ang dapat asahan upang maghilom iyon.
Kaya kahit nagdadalawang-isip si Chesca ay ipinasa na niya ang trabaho kay Donna. Syempre, tinanggihan iyon ng kaibigan niya sa umpisa. Sinermunan pa siya nito. But after she explained her real deal ay napa-oo rin si Donna. She needed to heal truly this time. At hindi niya iyon magagawa kung nakikita niya si Caige.“Sige na, alis na. Masyado nang mainit mamaya. Baka mangitim si totoy,” pagtataboy niya sa kapatid. Pinanggigilan ni Chesca ng halik ang pisngi ni Keyjie na karga-karga ni Ate Chelle.
“I-lock mo ang pinto, ha? Kumain ka rin. I-text mo ako kung magkaproblema at—“
“I get it, Ate,” putol niya sa napakahabang listahan ng kapatid na kanina pa nito sinasabi.
Inirapan siya ni Ate Chelle bago ito tuluyang lumabas ng bahay.
Nang mapag-isa na lamang ay nag-almusal na siya bago nagpasyang maglinis ng bahay. Free day niya ngayon ngunit sa klase ng trabaho na mayroon si Chesca ay naninibago na siya kapag walang ginagawa. Besides, she wanted to keep herself busy because she doesn’t want to think of anything.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)
RomanceChesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kasiyahang akala ni Chesca ay hindi na niya ulit mararamdaman. No matter how she ignored the growing fe...