Chapter Thirteen

438 20 0
                                    

“Ehem… Ehem!”

Mabilis na dumilat si Chesca nang marinig ang “pagtikhim” ng kanyang Ate Chelle na hindi niya napansing nakaupo pala sa katapat na sofa. Bahagya nang nakalayo si Caige at nakangiti siyang pinagmamasdan.

Agad na nag-init ang pisngi ni Chesca nang makita ang kanyang Ate Chelle na naglalaro ang panunudyo sa mga mata habang nakatingin sa kanila.

“Bago pa kung saan mapunta 'yan, lumakad na kayo at mahaba-haba pa ang biyahe niyo. Caige, ingatan mo ang kapatid ko. Babalatan kita ng buhay kapag may nangyaring masama diyan,” bilin ng kanyang kapatid na bagaman nakangiti ay batid ni Chesca na seryoso ito.

“Opo. Ako na ang bahala sa kanya,” tumatangong sagot ni Caige bago kinuha ang kanyang bag at ito na ang nagsukbit niyon.

Kahit simpleng gesture lamang ang ginawa ni Caige ay hindi niya pa rin napigilan ang kiligin. That was one of the things she loved about him. Walang ka-effort-effort siya nitong napapasaya. But it was the reason why she was losing her insanity as well.

Kapag magkasama kasi sila ni Caige ay parang wala na siyang pakialam sa ibang bagay. Buong atensyon niya ay na kay Caige na at sa lahat ng pakiramdam na ibinibigay nito sa kanya.

“Mag-ingat ka, Chesca. Mag-text ka kapag nakarating na kayo doon,” bilin naman sa kanya ng kapatid na tinanguan niya. “And… keep your treasure safe.”

Pakiramdam ni Chesca ay namula ang buo niyang mukha sa idinugtong ng kapatid. Like, seriously? Kailangan ba talagang sabihin pa 'yon ng Ate niya?

Dali-dali siyang humalik sa pisngi nito at nauna na sa paglabas ng bahay. Naramdaman niya ang pagsunod sa kanya ni Caige. Buti na lamang at naka-long sleeves siya dahil malamig ang hangin sa mga oras na 'yon. Naisip niyang mag-pants kanina pero dahil siguradong mainit din ang panahon mamaya ay nagbago ang kanyang isip.

“Anong treasure ang tinutukoy ng ate mo?”

Nag-init ang pisngi ni Chesca sa tanong ni Caige. Hindi niya alam kung nagpapaka-inosente lamang si Caige o talagang hindi nito na-gets ang magic word ng magaling niyang kapatid.

Nang lingunin niya si Caige ay walang bahid nang pang-aasar ang mukha nito at purong pagtataka lamang.

“Iyong ano... mga gamit ko ang tinutukoy niya,” kandautal niyang sagot.

Tumango-tango lamang si Caige at mabilis siyang pinagbuksan ng pinto ng kotse. She’s starting to feel comfortable inside his car. Pakiramdam ni Chesca ay ginawa ang sasakyan na 'yon para sa kanilang dalawa ni Caige.

Oh, please! Eksena ng isang bahagi ng kanyang isip. Biglang pumasok sa isip ni Chesca ang inamin niya sa sariling pagmamahal para kay Caige...

It happened all of a sudden. Ni walang warning 'yon at basta na lamang niyang naramdaman. She wanted to deny it to herself. She never thought she could get-over with Chain that easily. Ngayon tuloy ay pinagtatakhan niya ang sarili sa kung ano ba talaga ang totoo sa kanyang nararamdaman sa dalawang lalaki.

Chain made her feel secured. Noong mga panahon na nakakaramdam siya ng pagiging mag-isa, Chain was there to pick her up. Nasanay siya sa presensya nito at naging dependent sa kaalamang hindi aalis si Chain sa kanyang tabi kahit ano pa ang mangyari. She gave her all the love and trust na hindi nagawang ibigay ng ibang tao sa kanya.

She treated Chain as her property, na kapag inalagaan niya nang mabuti ay hindi mawawala sa kanya. And yet, he left her, making her damn disappointed and hurt. Kung dati ay magagawa niyang sabihin sa sarili na nasaktan siya dahil sa pagmamahal kay Chain, bakit ngayon ay nag-aalinlangan siyang patunayan 'yon? Minahal lamang ba niya si Chain dahil 'yon ang kanyang nararamdaman o dahil ito lang ang nasa kanyang tabi mula pa noon?

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon