Chapter Thirty-Two

452 18 2
                                    

“MILEY loved to have a vintage but elegant wedding gown. Same goes with the whole entourage.”

Parang hangin lamang na dumadaan sa pandinig ni Chesca ang mga sinasabi ni Caige tungkol sa kasal nito. Kanina pa nagsasalita si Caige ng mga planong gusto nitong sumunod pero ni isa sa mga iyon ay walang tumatak sa kanya. She was busy staring at his handsome face and memorizing every contour of it that she missed for the years they weren’t together. Halos hindi pa nga nababawasan ang in-order niyang pagkain dahil masyado siyang occupied sa presensya ni Caige.

“Are you listening, Chesca?” untag sa kanya ni Caige, ang boses ay may bahid nang iritasyon.

Napakurap siya at niyuko ang journal na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. “A-ah, yes. I did,” pagsisinungaling niya habang nakatingin sa isang pahina ng journal na hindi pa man lamang nasasayaran ng tinta.

Tumaas ang isang kilay ni Caige, ang mga mata ay kababakasan nang paghahamon. “Oh, really? What did I say, then?” Sumandal ito sa upuan at ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.

Saglit siyang hindi nakasagot habang nakatingin lamang sa abuhing mga mata ng kaharap.“About the wedding gown,” aniya nang iyon lamang ang mahagilap na impormasyon sa utak.

“What’s about the wedding gown, Chesca? I discussed it for over ten minutes already. Is your attention with me?” masungit na tanong nito.

Apologetic siyang tumingin kay Caige. “I’m sorry. May iniisip lang ako. What were you saying?”

Pinisil-pisil ni Caige ang baba nito bago siya matamang tiningnan na bahagyang nakakunot ang noo. Humilig ito sa lamesa at kapag ganoong hindi niya matanto ang laman ng isip ni Caige ay kinakabahan siya. Tulad na lang ngayon.

“It got me thinking for quite some time now. Miley left the other day. Did you plan for this?” seryosong tanong ni Caige sa kanya. Sarcasm was dripping on his voice.

Mula nang umalis si Miley isang araw na ang nakalilipas ay ngayon lamang sila nagkitang muli ni Caige. Napagkasunduan nilang magkita sa isang cafeteria upang mapag-usapan ang kasal. At hindi niya kailangang maging matalino upang mapagtanto na napipilitan lamang si Caige na pakisamahan siya dahil na rin sa request ng fiancée nito. He was acting formally civil and all now. Pero alam niyang kung may choice lamang si Caige ay hindi nito gugustuhing maiwan silang dalawa. He hates her so much right now. And she can’t do anything but to deal with his coldness. Ni hindi nga niya alam kung paano sisimulan ang pakikipag-usap kay Caige tungkol sa mga nangyari dahil sa iniaasal nito.

“What do you mean?”

Tumaas ang sulok ng labi ni Caige para sa isang sarkastikong ngiti. “Let’s stop playing the fool, Chesca. I didn’t expect you to be this… desperate,” Parang patalim na tumarak sa kanyang kaibuturan ang sinabi ni Caige ngunit pinigil niya ang sarili mag-react. She wanted to hear so much from him. Kahit pa hindi magagandang bagay ang bitawan nito ay titiisin niya upang magkausap lamang sila. Yeah… she was just so desperate. “Iyong pagtira ni Miley sa inyo, kaya ko pang intindihin. It was a thing between my fiancée and your sister. But this? I can’t believe you’re this despaired! Can’t your pride accept the fact that I am not that old, smitten Caige anymore?”

Nanlumo si Chesca. Pride. So, Caige thinks that she was going through all of this because of her pride. Na tinatanggap niya ang lahat, tinitiis ang sakit for the sake of her pride. Fuck pride! Kung iisipin ay matagal na niyang isinakripisyo ang kanyang pride para lamang kay Caige. Dahil kung hindi, hindi siya aabot sa ganitong punto na nanlilimos ng atensyon nito.

Napalunok siya kasabay nang pag-iinit ng mga mata. Nag-iwas si Chesca ng tingin dahil hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Caige na may halong panghuhusga. “T-this… this is not about my pride, Caige.”

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon