Chapter Nineteen

409 18 0
                                    

UMATRAS ang mga luha ni Chesca nang magambala ng sunod-sunod na pagkatok sa pinto habang nasa climax na ang pinapanood nila na pelikulang “Starting Over Again”. Nang tingnan niya sila Ate Chelle at Donna ay naghihikbian na ang mga ito, halatang hooked na hooked sa panonood at walang pakialam kung magiba man ang buong bahay o magunaw man ang mundo. Inabot niya ang remote at inihinto muna ang palabas. Napangiwi si Chesca nang maramdaman kaagad ang hambalos ng unan sa kanyang ulo at ang sunod-sunod na angil ng mga kasama niya.

“Eh, kasi naman! Kanina pa may kumakatok, oh! Buksan niyo kaya muna?”

Napapalatak si Donna at umayos nang pagkakasalampak sa sofa. “Oh, dali na! Buksan mo na! Grabe, pabitin ka masyado! Umiiyak na si Piolo, eh!” reklamo nito bago inagaw ang bowl ng chips na nasa pagitan ng kanyang mga hita.

Napabuga nang marahas na hininga si Chesca bago tumingin sa kanyang Ate Chelle na nakatutok pa rin ang paningin sa TV screen habang sumisinghot. Napanguso siya at no choice na tumayo at naglakad papalapit sa pintuan. Utos ko, sunod ko rin? Aba, magaling!

Ngunit ang pagkakasimangot ay dagli ring napalitan nang matamis na ngiti nang mabuksan ni Chesca ang pinto. Daig pa niya ang nakalaklak ng isang case ng energy drink dahil sa biglaang sigla at pagkabuhay ng dugo nang makita si Caige sa labas. Naka-simpleng t-shirt lamang ito at maong pants pero lutang na lutang pa rin ang angking kakisigan nito. Her nostrils immediately caught the scent of her favorite perfume of his. Parang may humahalukay at kumikiliti sa loob ng tiyan ni Chesca na hindi niya maintindihan dahil sa presensya ni Caige—as always.

“Hi, my lovely girlfriend,” masuyong sambit ni Caige sabay hapit sa baywang niya papalapit dito. Awtomatiko siyang napahawak sa matitipunong dibdib nito. Akmang ibubuka ni Chesca ang bibig upang bumati ngunit mabilis na sinakop ng mga labi ni Caige ang mga labi niya at siniil ng matamis at makapugtong-hiningang halik. Nanlaki ang mga mata ni Chesca sa pagkabigla ngunit saglit lamang iyon dahil natangay din siya ng sariling damdamin.

But before she was able to respond to his fiery kisses, doon naman siya pinakawalan ni Caige. Para siyang isdang biglang inahon sa tubig dahil sa ginawa nito. What a tease! Ngalingaling hilahin niyang muli si Caige at magpakalunod muli sa halik nito ngunit pinigil ni Chesca ang sarili. Kung kailan naman indulge na indulge siya sa kissing scene nila, saka naman siya binitin ng tinamaan ng magaling.

At kailan ka pa naging sugapa sa halik, aber? Kastigo ng isang bahagi ng kanyang isip. Napangiti si Chesca sa naisip. Caige’s kisses are so addicting it makes her drown everytime. It was a drug that has no remedy.

“N-napadaan ka?” Lutang pa rin ang utak na tanong niya kay Caige. Mukhang hindi nagustuhan ni Caige ang sinabi niya dahil tumaas ang isang kilay nito.

“Napadaan? I told you I’m coming over. Kanina pa kita tini-text at tinatawagan. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo,” Bagaman nakasimangot ay mababakas naman sa boses ni Caige ang pag-aalala.

Alanganin siyang ngumiti. Nakagat niya ang pang-ibabang labi dahil sa guilt. Lumapit siya kay Caige at iniyakap ang mga braso sa baywang nito. “I’m sorry. Busy kasi ako.”

“Busy? On a Saturday morning?”

“Uh… nagmu-movie marathon kasi kami,” nahihiyang pag-amin niya.

“Nag-movie marathon ka lang, nakalimutan mo na ang boyfriend mo?” naghihinampong sambit ni Caige. Kinabahan siya nang maisip na baka magalit ito ngunit nang maramdaman niya ang paghalik nito sa kanyang ulo ay kumalma rin siya.

“Sorry na. Nasa kuwarto kasi 'yong phone ko, naka-charge,” aniya at hindi na napigil ang sarili na singhutin ang amoy nito. Jeez! Ang bango talaga!

Girlfriends 2: Rescued Hearts (To be published under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon